10: Old friend and an old crush

395 67 2
                                    

GIANNA'S POINT OF VIEW

Yep. Christianna's my old friend and an old crush. Haha. Sya lang naman yung sinasabi ko kay papa noon nung nabubuhay pa si papa. Maganda kasi si Chris at matangkad nun, kasing-height ko lang rin. Singkit kasi may lahi syang hapones. Her father's a japanese.

She was really my first girl crush, pero nawala rin lahat nung pumanaw si papa, instead, she became one of my friends. Nasandalan ko rin sya nung mga panahong yun. Akala ko nga lalalim pa pagkacrush ko sakanya eh, haha. Thankfully hindi na. Hahaha! That would be a disaster! Ang higpit kaya ng magulang nya, duh. At isa pa, straight sya.

Nakilala ko sya nung kakasampa palang namin ng first year highschool. She looks stunning for me dahil ang fierce ng mukha nya. Akala ko nga dati, masungit sya. Tuwing titingin sya sakin noon, umiiwas ako agad at napapalunok sa kaba. Haha! She's cute, though.

Pero ngayon, mukhang problemado si babae. Ang lungkot ng mukha nya kanina pa at parang nagpipigil lang ng mga luha nya. Nagyaya pa ng alak kanina pero tumanggi ako.

"So, tell me, what happened?" Tanong ko sakanya. She looked straight in my eyes and said, "Ang sakit sakit eh.." At bigla syang sumandal sakin habang umiiyak at garalgal ang boses. Para syang bata na inagawan ng laruan.

"Ano ba kasing nangyari at iniwan ka ng boyfriend mo?"

Umayos sya ng pagkakaupo at nagpahid ng luha gamit ang palad nya.

"Hindi ko alam kung anong nagawa ko.. he just... just.. walked away.. pagkatapos nya akong magalaw..."

I was so shocked! Ni hindi ko alam kung hahampasin ko yung lamesa o yung ulo nya!? Pero syempre wag ulo. Iyak sya nang iyak sa harap ko at grabe na yung hikbi nya.

"Gianna..." Para syang nagmamakaawa na wag ko rin syang iwan.

"Nagalaw ka nya? Bakit ka pumayag?!" I yelled.

She nods her head. "Gia... m- mahal ko kasi.. hindi ako alam kung saan ako nagkulang..." Hikbi nya ulit. "Binigay ko lahat pero... nangaliwa pa rin sya.."

"Did you use protection?" Tanong ko agad. At buti naman umoo sya! Whew.

"Ah, right. So, hayaan mo na. Lilipas din yan." Sumandal ako. Nyah, they did use a protection, anyways.

"So pag nabuntis ako ganun-ganun na lang!?" Iyak nya pa rin. Aba! Kasalanan ko ba!?

"Kasalanan mo yan. Ang sabi ko sayo noon, pag nagmahal ka magtira ka para sa sarili mo." I shrugged my shoulders, "Now look at you. Crying, and ugly af."

"Wow?! Kailan ka nagsabi ng ganun!? I didn't hear you saying those!" She shouted argumentatively.

"Nyah, just... so you know. Alam mo dapat ang limit. Don't give too much." Tinignan ko sya ng diretso sa mga mata. Umiiyak pa rin sya. Ako, naiinis na at gusto kong mahunting ang lalaking yun at ipasalvage.

Syempre, biro lang. I know it's not a good joke, pero mas naiinis pa ako kaysa kay Chris. Oh wait— naiinis ba sya? Sa tingin ko hindi. She fucking loved that guy? Huh? Really!?

"Gia.."

"Chris, kapag mahal ka, maiintindihan ka kapag ayaw mo, kapag hindi nyo kailangan ang isang bagay, lalo na't di pa kayo kasal at nagaaral ka pa. Bobo ba yun at ginalaw ka agad? Tapos iiwan ka?" I sighed in madness.

Home, Sweet Home (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon