24: Still bothered

212 27 0
                                    

Narinig kong nagring na yung alarm. Kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko atsaka ko binuksan ang kurtina sa bintana. 5am. Tulog pa si Mads, bibili muna ako ng maluluto. Pfft. Madali lang naman magprito. Haha!

Nag-unat muna ako ng katawan at tumalon-talon saglit. Tinali ko na yung buhok ko atsaka bumaba para maghilamos at mumog. Jeez, ang lamig ng panahon.

After those, kumuha ako ng isang takal ng catfood para kay Maddie na matakaw. Gising na rin sya.

"Yo, goodmorning." I kissed her tiny head atsaka na ako nagpatuloy sa labas para bumili.

__

I can't stop smiling about last night. Hehe. Ang... ang cute ni Mads kagabi.. I- I mean... yeah, ang cute nya. Her moans are cute too..

[Note: she's blushing while having a thought like this]

Idiot! Bakit ba yun iniisip ko! Can I just take what I need to cook for her!

May tumapik sa balikat ko at napalingon ako agad.

Oh wow, si Chris.

"Oh, hi. Ang aga mo yata dito." Ngiting bati ko. Hindi pa rin ako masyadong maka-get over sa mga binitiwan nyang salita nung nakaraang gabi nya sa bahay namin, I'm still bothered but anyways...

"Yep, morning. Maaga ako nagising, minsan lang to, haha. Gising na ba si Mads?"

Pano kaya kung sabihin kong tigilan nya na kakatanong tuwing umaga sakin kung gising na ba si Mads? At ipamukha ko sakanya na naiirita ako tuwing tinatanong nya yun?

"Not yet. Bakit? May lakad ba kayo after class?" Matalas ang tingin ko sakanya pero may kasamang ngiti, umiwas sya agad.

"A- ah.. I guess, yes.. pero pwede ka naman sumama.." Napakamot sya sa ulo nya.

Holycrap. Bakit parang ako pa yung third wheel?! Ano na bang pwede kong gawin sa babaeng to para lubayan nya si Mads? I know she's my old friend, and an old crush, pero-- pero bakit!? Haha!! Ayoko naman magover-react dahil tHeY aRe gOOd fRiEnDs.

[Note: words ‘tHeY aRe gOOd fRiEnDs’ are sarcasm]

Baka ayawan ako ni Mads pag ganun ako umakto noh.

"What if... sa holidays na lang tayo magbonding tatlo? Is that okay? Malapit na rin naman." Ngiti ko. I hope that was a killer smile that could kill her.

Nah, biro lang.

"Sure, sure! Holidays." Ngiting-ngiti sya. Parang mas lalong lumalim plano nito ah?

Thirdweel ka lang pero ikaw pa may ganang magyaya nang magyaya na parang kayo lang dalawa ni Mads sa mundo! Parang ako pa yung transparent sainyo! Ang kapal rin ng mukha nito!

"Bat ka nakabusangot? May nangyari ba?"

"Ah- ha, wala!" Sagot ko agad. Halata pala nyang galit ako. Sana mahalata mo rin na naiinis ako sayo sa tuwing yayayain mo si Mads sa di nya kayang tanggihan!

"Ano palang bibilhin mo?"

Itong mansanas na hawak ko, pang-bato lang sayo.

"Ah, bacon at corned beef. Ikaw? Anong bibilhin mo?" Ain't gonn' buy that apple. Haha.

"Ang swerte talaga ni Mads sa kaibigan ko." Ay sus! Nangiti pa!

Aba! Syempre! It's a thing between lovers! Lover ka ba nya?! Ha!? Kung inggit ka, go get yourself a girl---

"Miss, nasira na po yung lalagyan, now you have to buy it.."

Oh.. hindi ko namalayang napisat ko na pala yung lalagyan ng bacon.. nabutas ko na pala. Kakagupit ko lang ng kuko ko nung nakaraang araw ah? Ang bilis naman humaba. Nasobrahan yata ako sa inis kaya napisil ko ng todo. Hahaha!

Home, Sweet Home (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon