8: Prank

428 74 0
                                    

GIANNA'S POINT OF VIEW

Nagawa ko na ang gawaing bahay, nagluto na ako, naglinis, at naglaba. Ngayon, ang boring naman. Nakaupo lang kami habang nanonood ng tv. It's been a long time since I pranked her. Hindi ko alam kung gagana to.. but I'll try, anyways. Ang boring eh.

I'll pretend that my 'ex' called me, at gusto nyang makipagbalikan.

Umikot-ikot muna ako sa couch at kinuha ko yung phone ko. Nagpanggap akong nagulat sa phone ko, kunwaring tumawag yung 'ex' ko.

"Oh, wait. Sagutin ko lang tawag." Tumayo ako at ipinwesto ko na ang phone sa tenga ko. Haha! Sana gumana to!

"K."

"Potassium."

Natawa pa kaming pareho. Ha! Humanda ka.

Lumabas pa ako at tumambay kunwari sa fence, nagpapahangin at nagiisip ng sasabihin. Girl, I don't know what to say. The heck?

Ah!

"Hello? Jaimie? Napatawag ka?"

I did some unusual moves para mapatingin sya sakin at maging curious haha! Lagot ako nito.

"W- what..? Gusto mong.. makipagbalikan?" Nilakasan ko ng konti ang boses ko at dun ko na sya tinignan, ang sama na ng tingin nya.. oh focc.

"Sure, sure! Meet me tomorrow.. at the coffee shop, maguusap tayo." Ngumiti ako ng todo.

"No, no. It's my treat, you don't have to worry." Ngiti ko pa ulit. Maasar ka lalo, Mads~

After ng pagpapanggap ko na parang ewan, pumasok na ako sa loob at nakita ko syang tutok na tutok pa rin sa tv habang nakasimangot.

Mukhang nagalit yata, girl. Oh focc!

"Hi." Bumati pa ako sakanya, ang kapal rin ng mukha eh no.

"Hi mo mukha mo." Nagdabog sya at umalis sa tabi ko. Umakyat sya sa taas!

Omg..

Nagalit sya.

"Mads, magkikita kami ni Jaimie bukas, maguusap lang kami."

"Magsama kayo ng Jaimie mo!"

Holycrap. Kinakabahan na 'ko.

"Maguusap lang kami." Nanginginig boses ko!

"Dun ka na! Wag mo akong kausapin simula bukas! Aalis na ako dito!" Sigaw nya..

I have no—

I am—

I am speechless!

"Mads, it's just a prank, wala akong katawagan!" I yelled.

Alam kong gagawin nya talaga ang maglayas, at ayaw ko namang mangyari yun. T-T

"Bahala ka dyan!" I heard her sniffles.

Nanginginig yung boses nya kaya kinakatok ko sya nang kinakatok sa kwarto pero hindi nya ako pinagbubuksan! I- I should have the keys... keys..

Gotcha!

Nabuksan ko yung pintuan at nakita ko syang nakadapa at nakasubsob ang mukha sa unan habang nakakumot.

"Hey, Mads, biro lang yun. Wala akong katawagan." Tawa ko pa din. A nervous laugh.

"Bahala ka!" She sniffed. Aww..

"Mads.." Hahawakan ko sana sya pero lumayo sya sakin.

"Biro lang eh." Tuluyan ko syang sinakop sa mga kamay ko at hinalikan sa pisngi.

Umiiyak si Mads.

"Babyyy.." pinuwesto ko sya sa ibabaw ko pero hindi nya pa rin tinatanggal ang mga palad nya sa mukha nya. I tried to remove her hands, though.

"Sorry~" Niyakap ko sya ng mahigpit. A crybaby, indeed.

"Ikaw lang mahal ko." I kissed her forehead. Hinahagod ko rin ang likod nya. "Tahan na." Hinalikan ko uli sya nang hinalikan. Hindi ko inexpect na iiyak sya eh.

"Baby,"

Tinanggal nya na sa wakas ang mga kamay nya sa mukha. Ahaha, her face.. ang pula ng mukha ni Mads.

"Hi." Tawa ko pa rin. Hindi ko mapigilan yung tawa ko sa naging reaksyon nya.

"Anong hi? Masasampal kita dyan eh." Tumabi sya sakin pero nakatalikod kaya niyakap ko sya from her back.

"Honey," I whispered. "Wag ka na umiyak." Sinilip ko sya, at nakasimangot pa rin. "Ngiti ka na. I love your smile, you know. Sa ngiti mo ako nahulog."

"Stop." Pinahid nya yung luha nya. I can't believe she cried. Aww.. so sorry, my love.

"A -ako lang mahal mo...?"

"Yes, ikaw lang."

"W- wala kang... ibang mahal...?" She sniffed.

"Ikaw lang mahal ko. Wag ka nang umiyak."

Humarap sya sakin sa wakas at niyakap nya ako ng mahigpit habang nakasiksik ang mukha nya sa dibdib ko.

"I love, love you, my love." Napangiti ako habang yakap ko rin sya.

"I love you too, idiot!" She slapped my ass, wah, wah, mama no.

"Nyah, that was a bad joke, I know. You still love me, right?" I scoffed.

"H- hindi mo na ba... babalikan si Jaimie..?"

"No! Hahaha! May boyfriend na yun, hindi kuntento sa daliri yun."

She slapped my butt again, medyo malakas. Hahahahaha!

"Biro lang eh. I love you, love." I kissed her forehead.

"Don't do that again..."

"Haha, yes, I won't. Ang sakit ng palo mo."

"Gusto mo pa?!"

"No!"

"Then don't do that again!"

"Yes, mom!"

"Mom!?"

"Ma'am!"

-----------------------------------------------------------

Home, Sweet Home (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon