19: Brother's big gift(2)

255 37 0
                                    

GIANNA'S POINT OF VIEW

Nakaupo kami ngayon ni Mama't Papa sa terrace, nagkakape at walang masyadong imik dahil kakatapos ko lang magdaldal sakanila about sa college life ko. Haha!

"Tell me more, Gigi." Basag ni Mama sa katamihikan. Napangiti rin ako dahil ang ngiti ni Mama ang nagpapangiti sakin. Haha.

"Tell us about Mads, how's she?" Si Papa naman na mahilig sa kape, kanina pa higop nang higop. Dati, sabay kami ni Papa magkape tuwing weekends tapos magkukwentuhan about something I like, something I hate, at ganun din sya. Well, nangyayari na to ngayon.. ang matagal ko nang gustong mangyari. I missed them.. so much.

"Ah, si Mads ba, Pa? Ang sarap nyang magmahal." Ngiti ko rin at biglang natawa si Papa, ganun din si Mama. I wonder what's so funny?

"Bakit kayo tumatawa? Totoo naman. She'd comb my hair, hug me, support me to whatever I want. That's all I wanted to feel." Sabi ko pa habang humihigop sa kape ko.

"Hay, Gigi. Pagpasensyahan mo ang Mama na naging istrikto ako sa gusto mo.." Garalgal ang boses ni Mama.. ah, please, no..

"Alam kong mahal na mahal mo si Madeline.. at alam kong naging masama ako sa parteng yon.."

Wala na, naiyak na rin ako. "Ma naman. Hindi ka naging masama sakin, saming magkakapatid kahit kailan. Ikaw ang the best sa lahat." Niyakap ko sya ng mahigpit, mahigpit na mahigpit.. gusto kong ipadama na ayos na ang lahat.. at wala na syang puproblemahin pa samin.

"Tsaka, Ma, alam kong pinoprotektahan mo kaming magkakapatid.. ngayong malalaki na kami, kita mo nga oh 5'8 ang taas ko.." I chuckled. "Kami namang mga anak mo ang poprotekta sayo, kasama si Papsie." I looked at him, grinning.

"Of course." Sagot naman ni Papa.

"Ma," I looked at her, pinahid nya agad ang mukha nya gamit ang palad. "Bakit ka umiiyak?" Tawa ko ng mahina. "Wag mo nang pansinin, ikaw rin naman!" Nagtawanan kami. "Masaya lang ako, 'nak. Napag-alaman ko talaga mahal na mahal ka ni Mads. Bukambibig ka nya kahapon sakin, she asked me sooo many questions.." Idinantay nya ang ulo nya sa balikat ko.

"Ano namang tinanong nya?" I'm curious. Baka tinanong nya kung gaano ko katagal naging crush si Christianna. Wahaha!

"Tinanong nya kung paano ka natutong maggitara, kung paano ka natutong humawak at magpatugtog ng mga instrumento sa musika.." She answered me, mukhang proud na proud si Mama, sa tono pa lang ng boses nya.

"Ano namang sinagot mo?" Napangiti ako.

"I told her.. when you were a child, mahilig ka nang kumanta, at curious ka sa musical instruments, kaya sinusubukan mo rin kasama si Tito Jonas mo.." She chuckles.

"Hanggang sa natuto ka ng paunti-unti, si Tito Jonas mo pa rin ang naging teacher mo.. he was a good uncle to you.." Si uncle Jonas, na tawag ko minsan ay Tito Jones.. wala na sya, but.. he was a good, good uncle for me.. I missed him and my.. Dad.

Naalala ko dati, lagi akong binubuhat  ni Tito Jonas, maglalaro kami sa labas, babantayan nya ako.. pupuntahan nya ako sa kwarto sa tuwing natatakot ako sa kulog at kidlat.. kapag may ulan. Wala, naalala ko lang. Hay, he's very talkative too.

Sa tuwing papasok sya sa kwarto ko, uupo sya sa gilid ng kama ko na may dala-dalang kape, just like my biological father who passed away, mahilig ang kapatid ni Papa na si Tito Jonas sa kape. Uupo pa lang, may topic kaagad syang ikukwento sakin. About monsters who eats children, about humanoids na nangdadakip ng mga bata pag ayaw matulog sa tanghali. Sa tuwing ayaw ko matulog sa tanghali, sasabihin ni Tito na hindi nya ako bibigyan ng softdrinks, papainggitin nila ako sa mga biscuits na binigay nya kina Kuya Gio. At tuwing nag-iisa ako sa kwarto, nakaupo lang at nakatingin sa bintanang bukas, nagmamasid sa naggagalawang puno, uupo sya sa tabi ko na minsang ikinagugulat ko. Kukwentuhan nya ako about sa mga fairytale, kukwentuhan nya ako kung anong buhay nya nung bata pa sila ni Papa, he'd sing a song to me, he'd still talk hanggang sa antukin na lang ako kakakwento nya ng kung anu-ano. Haha!

Home, Sweet Home (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon