20: Big brother's gift(3)

259 34 0
                                    

MADELINE'S POINT OF VIEW

Naupo ako sa bench habang hawak ko ang mug na may kape. I love coffee and bread, ilang tao na rin ang nagtanong kung may lamay ba. Pang-lamay lang ba ang kape't tinapay? What the fuck? Those close-minded people.

Anyway, ang sarap magpahangin dito kina Gia, makakapagisip-isip ka talaga about sa buhay mo. Haha!

About kagabi, nagising ako ng madaling araw at nadatnan kong hawak ni Gia yung phone ko habang tulog sya. Umilaw yung phone nun at nakita ko yung message ni Yohan, kaya kinuha ko at binasa. Akala ko pinagsabihan na naman ako ng masasakit na salita. It says there he's sorry about what he did. Nakita ko rin na nakipag-video chat sya, kanino? Kay Gia? Naramdaman ko kasing tumayo si Gia sa kama kagabi, and I guess.. sakanya nakipagusap? Haha! What for? Ano naman kayang sinabi nya kay Yohan? Siguro nga, hindi talaga ako worth it.. kaya umiyak rin ako kahapon, hindi ko na alam gagawin ko sa leader namin, masama ang loob ko kaya ako umiyak, ginawa ko na lahat ng utos nya, lahat ng demands nya, pero hindi pa rin sya nakuntento. Siguro nga mataas talaga sya, ako hanggang dito lang. I feel sorry for him. Anyway, natawa ako sa mga pinagchachat ni Gia sakanya. Haha!

"Love, lalim yata ng iniisip mo? Share mo naman."

Muntik ko nang mabuga kape ko sakanya, hindi man lang nagpaalam na nandito sya! Bigla-biglang susulpot!

"Ah, wala. May I ask something?" Hindi ako makatingin kay Gia. Pakiramdam ko ang hina hina ko.. konting bagay, inooverthink ko agad..

"What is it?"

I can see her smile through my peripheral vision.. that bright smile..

"Ah.." Hindi ko maituloy-tuloy ang itatanong ko. Gusto kong magtanong, pero.. parang may pumipigil!

"Did you.. chat him..?" Medyo nauutal ako. Bat ba ako kinakabahan?! Wala namang dahilan para nerbyosin ako.

"Hmm, yes. Why? Pinagchachat ka pa rin ba ng kumag na yon? Uminit ulo ko kagabi, that's why I chatted him." She took a sip of her coffee.. nagkakape rin pala sya.

Tinignan ko ang phone ko. "Nagsosorry lang sya. So you really did, huh?" I chuckled.

"Syempre, ayaw kong may nananakit sa feelings ng mahal ko. Sabi nya pa sakin, humanda daw ako pagbalik natin sa klase. Haha!" Sumandal sya at nagde-kwatro ng upo.

"Mag-ingat ka dun, baka may mga kasama yun at resbakan ka. Anong palag mo pag marami sila?"

Urgh.. did I say it right..?

"Sinasabi mo bang matangkad lang ako?" Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.

Napatingin ako sakanya sa gulat. "No.. I just.. I'm--" I sighed. "You didn't get my point." Umiwas na lang uli ako ng tingin at sumandal. Agh! Sabi ko na nga ba't iba ang pagkakaintindi nya!

"Ayoko lang na may mangyari sayong hindi maganda.. a-ayokong mapahamak ka." Nauutal ako! Jeez, what for!? Kinakabahan ako na ewan.

Nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko. "Thank you, pero pwede bang.." She took another sip. "Pwede bang bawas-bawasan mo na ang kape? Hindi maganda yung nakakaapat ka na kape sa isang araw."

"At ayaw ko ring may mangyari sayong masama." She continued. I can't speak. I don't know what to say..

"Ah, sure, sure. One mug of coffee a day, yes?" Ngiti ko. She chuckled and replied, smiling, "Sure."

"Mads,"

"Hmm?"

"Nothing."

Now I got curious.

Home, Sweet Home (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon