23: Thoughts

219 35 0
                                    

I didn't had any thoughts like this pero.. parang may something na bumabalot sa aura ni Chris ngayon.

I don't know, I just felt like it. Parang may something pero ano yun? Haha, o nagoover-react na naman ako? Ah, probably may gagawin lang silang importante ni Mads. Read a book, I guess..

Napapadalas nang yayain ni Christianna si Mads sa library. Tuwing titignan ko si Chris habang nagbabasa ng libro, nakangiti sya palagi. What's with that?

No, no, baka masaya lang si Chris na nakakasama nya kaming dalawa ni Mads. Pero parang ako yung nagiging third wheel, what the heck?

I kept thinking of it last night. Those words she said.

Baka mahulog ako sayo nyan, Mads. Joke!

Halos ioverthink ko na lahat lahat ng pinagusapan namin kagabi. Tumawa lang ako nung binanggit nya yung words na yun, pero nainis ako na ewan. Bat nya kailangang sabihin yun? Porke ba nagiging confident si Mads sakanya, ganun na sasabihin nya? Akala ko ba straight sya? I thought she only likes men?

Ayaw kong makita ni Mads sa iba yung pagkukulang ko.. kung meron man, pero alam kong meron pero hindi ko naman alam kay Mads. Ah, shit, I don't like this kind of mood.

"Gia, kanina ka pa tulala. Ano bang iniisip mo? Di mo na na-take note yung sinabi ng prof natin."

"Ah? What? Sorry, may iniisip lang." Natauhan ako bigla. Kanina pa pala nagdadadaldal prof namin sa harap.

"Kopyahin mo na lang sa notes ko, baka makaligtaan mo." Inabot ni Francis yung notes nya sakin, and I wrote everything from it, pero parang wala pa rin ako sa wisyo habang nagsusulat. Iniisip ko pa rin kung bakit ganun yung binitawan nyang salita, tinetesting nya ba ako?

Aah! What to think!

"Tapos na. Salamat. Anyway, may pupuntahan ka ba after class?" Inabot ko na yung notes sakanya. Gusto ko sanang isama si Francis sa coffee shop dahil alam kong mamaya magyayaya si Mads sa tambayan namin na kasama si Chris.

"Wala. You know me well, di naman ako galang lalake."

Oh, okay.

"Yes, I know. Kaya nga nagtataka ako bat wala ka pang girlfriend hanggang ngayon, eh matino ka naman." I chuckled.

"Matino nga, mukha bang matino tong mukhang to?" Tawa nya.

"Dunno. Ask some girls." Ngiti ko pang-asar. Haha.

"Yabang, porket may girlfriend." Tumawa sya sabay talikod.

"Go get yours." Tawa ko rin.

And the whole shit goes on-- I mean, lesson.

__

Natapos ang afternoon class ng maaga. I thought he'd hang out with me, but he has an introverted side so he went away just like that.

Para akong lutang. Hinintay ko si Mads sa labas ng university, nakasandal ako sa ilalim ng puno habang hinihintay ko sya bumalik-- kasama nya na naman si Chris sa library. Ayaw ko nang sumama, my feet hurts.

I don't want to overthink it but here goes my mind. Pfft.

I suddenly felt a little scared.. what for..?

Abandonment? Or OA na naman ako?

Ginulo ko ang buhok ko at humigop muna ako ng kapeng kanina ko pa hawak.

"Gia!"

Humarap ako agad at nakita ko si Mads mula sa pinto ng coffee shop na tinatambayan namin.

Home, Sweet Home (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon