7: My introverted ass life

608 70 0
                                    

MADELINE'S POINT OF VIEW

Oh, alam nyo na kung sino ang nagsasalita dito. Hahaha!

Hi, I'm Madeline Adair. I live with my strict parents. Though, gusto ko rin yun kasi ayoko rin sa mga tao. Just so you know, yung pakiramdam na ayos lang sayo kahit mag-isa ka sa kwarto mo habang naglalaro ng online game sa phone or sa computer mo. At sa tuwing bubuksan mo ang pc, makikita mo ang repleksyon mo sa monitor, at mapapaisip ka na lang na dapat ka nang magkaroon ng mga kaibigan para hindi ka laging nag iisa. Haha!

But first let me tell you how I've become this.. uh.. should I say, nakikipagusap na? Yep, kinda like that. Because before, hindi talaga.

Sabi ng mga magulang ko dati, pinapaglaro naman daw nila ako sa labas pero ayaw ko. Mas gusto kong naglalaro ako mag isa sa bahay ng luto-lutuan, kasama ang mga manika ko at iba pang stuffed toys. I talk to myself when I was a child. Normal naman yun diba? Unless may imaginary friend kang kausap. Pero wala akong imaginary friend noon ah! Alam ko yun sa sarili ko. At ang madalas ko lang na kalaro dati was yung ate ko, and sometimes dad. Haha.

And then, pag lalabas naman ako at papayagang makipaglaro sa mga bata, mangaaway lang daw ako o di kaya napapasabak ako sa mga ibang batang nagaaway. Haha! Ang sabi ni papa, short-tempered talaga ako simula pagkabata hanggang ngayon. But now, nacocontrol ko naman na pag nainis ako.

Back when I was in elementary, nasa top one ako lagi, hindi para magyabang, pero ipinagyayabang ako nina mama't papa noon.

You ever know the feeling when you get up from the bed, and will start socializing again at school? Maliligo ka ng malamig na tubig, magaalmusal, at papasok ng nakasimangot, o ako lang ang ganun? I hate socializing before. And this face, I really can't handle my face, I cringe all the time back when I was a child. Sabi nga ni ate, ayusin ko na raw, wag raw akong masyadong magpahalata kung ayaw ko ang isang tao. Hahaha! And then we will argue about it, kung bakit hindi ko mapigilang mapa-cringe sa tuwing may mga nangyayaring di ko nagugustuhan, at lalo na sa paguugali ng isang estudyante sakin.

Lagi akong mag-isa sa sulok ng classroom, at kapag may aapproach sakin na kaklase ko o guro namin, palaging maikli ang mga sagot ko at hindi ako masyadong nakikipag-eye-to-eye, kaya siguro di rin ako lapitin ng mga so called friends. I too also have a trust issues. Pero dati, hindi talaga ako nagtitiwala, sasabihin ko sakanila ng direktang hindi ko sila pinagkakatiwalaan. But now, I'd say I'm socializing, pero nagmamasid ako sa mga paguugali ng bawat taong nakakasalamuha ko.

Tuwing uwian lang ako masaya noon, diretso sa kwarto at magbibihis then maglalaro na naman ng computer online games, kahit sa phone. Kaya si mama, cinonfiscate ang phone at nilagyan ng password ang computer. Nah, my sis told me the password, so wala din. Haha!

Makikipagusap lang ako sa ate ko bago matulog. She sleeps at the top of the other bed, ako ang nasa baba. Double-decker.

We live in a normal life.

Sa totoo lang, wala akong masyadong masabi sa ngayon dahil walang ganap ang elementary at highschool ko. Not until Gia showed up.

Third year highschool, alam ko nang popular sya sa iskwelahan namin, hindi ko nga alam kung bakit sa dinami-dami ng magagandang estudyante sa paaralan, ako ang nakita nya?

She said 'hi', pero tinignan ko lang sya nun at umalis ako agad. Sinundan nya ako at tinatanong ang pangalan ko, I told her my first name para tumigil na sya sa pangungulit. Pero ang akala ko, matitigil na talaga, yun pala mas lalong lalala.

She asked my age, location, and my family members. Like what the fuck? Are we that close? Ni hindi ko nga alam kung saang lupalop ka galing.

Hindi ko sinabi ang lahat ng sagot na gusto nyang marinig mula sakin. Instead, I stood up and went straight to the classroom. Naupo ako sa silya ko at nandun pa rin sya, nakangiti at kumakaway sakin. Ugh, what a clown.

At first, I thought she's a creepy stalker, pero naalala ko nga pala, popular sya. Pero bakit ganun? Kilala sya ng halos lahat ng mapuntahan o madaanan nyang room pero hindi nila alam na ang creepy nya!? What in actual fu--- nevermind.

Ah, those days! Haha!

Umabot ng halos isang linggong pangungulit nya sakin hanggang sa napagbigyan kong maglakad kami ng sabay pauwi para malaman nya daw ang bahay ko at maihatid dun! I was like.. whaaaaat!?

I asked her what she wants and she told me, gusto nya lang makipagkaibigan. Gusto nya ring dumalaw sa bahay kung sakaling may free time kaming pareho. Yeah, I got MORE free time, pero hindi sayo!

I told her no, I don't have free time. I told her I was a busy person. Ang akala ko na naman ay naging mali. Hindi pa rin ako tinitigilan!

Umabot ng halos buong school year na yayayain nya akong mag-bike papuntang school, sabay umuwi at kumain ng street foods, magkwentuhan.

Minsan kong naranasan sa buhay ko ang ganun. We talked about a lot of things, she told me her story, I told her mine too. Hindi ko na namalayang, masyadong pribado ang paguusap namin na dapat kami kami lang ang nakakaalam, pero pinagkatiwalaan ko sya at naisip kong hindi pala lahat, hindi mapagkakatiwalaan.

Natapos ang school year namin, akala ko hindi ko na sya makakausap. Nalungkot nga ako nun eh, pero bigla syang tumambad sa harapan ko at niyakap ako ng mahigpit.

Naalala ko noon, halos minu-minuto nya akong tinatawag sa pangalan ko, just asking for a hug. Hindi ko madedeny sa sarili ko na nagkakagusto na ako sakanya. And I thought, she don't really like girls. Akala ko lang pala. Haha!

Ang clingy nya, masaya syang kausap, madaldal at makulit. Akala ko hanggang kaibigan lang kami. And I also thought to myself, sa dinami-dami ng lalakeng gwapo, oo, nagu-gwapuhan lang ako pero never akong nagkagusto sa lalake. Then there she was...

I, sometimes doubt myself that's why I suddenly went into our school garden at dun nagisip-isip na kung deserve ko ba sya? Ako lang to, tanggap nya pa rin kaya ako kahit ang hirap makipagusap sakin?

That time, she appeared again beside me. Asking me what's wrong, what's the matter, etc, etc. Ang daldal!

Then I told her that.

That I don't really deserve a person like her.

Sabi nya naman, hindi ko kailangang lumayo, at ayos lang sakanyang maging ako, yung tunay na ako. She hugged me that time, remember?

And she told me she has a feelings for me.

I was so shocked.

Like.. oh wow. Akala ko talaga hindi sya nagkakagusto sa babae. But wow? Sakin pa!? Hahaha!

I knew that time that I was a lucky person.

Nanligaw sya ng isang araw, at sinagot ko rin nung araw na yun. I told her, bakit pa sya manliligaw!? Haha! And she told me, why not? Gusto kong ipadama sayo kung gaano kita kagusto. She said that.

Yeah, yeah, cheesy. But I loved that part. That part of us. Kinilig talaga ako nun at kada may sasabihin ako, hindi ko maituloy-tuloy. Nauutal ako dahil sa kaba!

And for that,

Sya na ang nagturo sakin kung paano makipagusap and how to start a convo.

Nyah, just kidding. Natuto na lang ako nun dahil nandyan sya sa tabi ko. Guiding me in any ways. I felt loved, and cared so much.

I thanked her. I told her that I love her. I told her if she needs me, I'm always here to stay by her side, as she do the same.

May mga napagdaanan kami, at may mga pagdadaanan pa bago makamit ang mga pangarap namin. At alam kong malalagpasan namin yun.

At sa mga mambabasa dyan! Keep up the good work! Hindi man nakikita ng iba, pero worth it ka!

Hanggang dito na lang muna.

-----------------------------------------------------------

Home, Sweet Home (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon