25: Ah, I fell asleep

197 29 0
                                    

Yep. So yesterday, nakatulog ako sa desk ko, hindi ko talaga malabanan ang antok, mas malakas sya sakin- as in, hindi ko na kaya, hahaha! I've done this before in highschool- pero alam kong iba na ang highschool sa college, pero di ko talaga mapigilan antok ko kahapon. Then I woke up, somebody threw a piece of rock on me as I turn my face up, I don't fucking know why they did that? Hindi ko na nakita kung sinong bumato sa maganda kong mukha dahil may kalabuan ang paningin ko dahil sa kakagising ko lang.

Pag nalaman ko lang talaga kung sino yun, matitiris ko yun ng pinong-pino.

Nah, biro lang. Mabait tayo. Hehe.

By the way, papunta kami ni Mads sa library, and yes, kasama si Chris. They're talkative as usual. About books, yeah, something like that. Kasama namin si Francis. Himala nga ngayon na sumama sya samin eh. Naguusap kami sa likod ng dalawa habang naglalakad, medyo distansya kami sakanila.

"Di mo ba kakausapin si Madeline? Kanina pa masama yang mukha mo."

Nah, I just-

Sigh.

"Dunno." I feel like ayaw kong maistorbo yung tawanan nila kaya tahimik lang ako.

"I don't know, pero parang pakiramdam ko may gusto yang Christianna na yan kay Madeline."

Just the tone of his voice, seryoso sya. Sus, lagi namang seryoso to. Walang bago, pero... binibigyan naman nya ako ng doubt.

"Shut up, Frans, they're just good friends." I keep reminding myself na 'friends' lang ang turingan nila sa tuwing iisipin kong may gusto si Chris kay Mads. I had a thought like that pero- pero hindi dapat ako magpatalo sa mga ganung pagdududa ko kay Chris at Mads. Baka napupuyat o nalilipasan lang ako ng gutom kaya kung ano-ano na yung naiisip ko. Isa pa, alam kong di ganun ugali ni Chris, I trust her. I trust Mads, and Chris.

"Gia?"

Napatingin ako agad kay Frans.

"Hihiram ka ba ng libro sa library?" He asked, picking a book for him to read.

Mukha ba akong nagbabasa ng libro?

Dunno, but I'm too lazy to read.

"Nah, magkakape lang ako mamaya." Seryosong sagot ko na may kasamang buntong-hiningang mahina.

"Sabayan mo ng pagbabasa, it'll feel great. Suggest ko lang." He smiled.

"Yeah sure, thanks. But no. I'm not into reading." Ngiti ko na lang na napipilitan. Napatingin ako kay Mads at Chris. They're reading a book.

Ano kaya kung komprontahin ko si Chris? Kesa nagkakaganito ako. Ayaw ko nang mag-overthink, masakit lalo sa ulo. Maraming pagsusulit sa klase ang darating, ni isang review hindi ako nakapag-review. Naiinis ako na ewan! Hay! Basta!

"Gia, ayos ka lang? Masakit ba ulo mo?"

"No, no.. ayos lang. Labas muna ako. Hintayin ko na lang kayo dun." Hindi ko na hinintay yung sagot ni Frans, diretso agad ako sa labas at naghanap ng matatambayan.

Ah, perfect place. Buti may bench dito sa ilalim ng isang puno. May tindahan pa sa gilid, ayos. Makainom muna ng malamig, baka sakaling mawala rin tong inis ko.

I sat down after buying a cold drink. Iniisip ko kung kokomprontahin ko ba si Chris. But I'm just overthinking, right? Paano kung wala talaga syang gusto kay Mads at ang buong intensyon nya lang ay makipagkaibigan? At ako tong paranoid na ewan- I don't know, am I too paranoid...? Over-acting..? Selfish...? Gusto ko na lang iiyak lahat. Dala lang ba to ng stress ko..?

Mahal pa kaya ako ni Mads..? We did 'it' last night.. what the fuck am I thinking...? Ah! Stop! Stop! Ayoko na mag-isip ng ganito!

Wala pa akong kasiguraduhan pero ganito na mga naiisip ko! What the--

Home, Sweet Home (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon