WARNING:loko loko at pasaway ang author
DIVINE FUENTES pwede mong ikumpara sa isang mahinghing dyosa kung titingnan pero once na makilala mo malalaman mong para syang isang asong ulol na binubusalan.
hindi ko naman sinasabing yan talaga yung main characteristic ko pero parang ganun na nga at ito ako ngayun para patunayan na may mas baliw pa kay sisa na pwedeng mag exist sa mundong to.
I'm on my way papunta sa magiging bahay namin ng asawa ko DAW.bahala na ang cream stick kung anong mangyayari kapag nakarating nako dun.
actually last week ko pa nakita yung bahay namin ng asawa ko DAW pero dahil sa dakilang taga suway ako... syempre doble doble ngayun palang ako mag momove in hahaha.
i'm on the gate of our house ng pagbuksan ako ng isa sa mga guard para makapasok ako syempre.anong gusto nila mag over the bakod ang kotse ko tapos mag tatumbling tumbling sya kasi idol nya si jackie chan?
lol.pagkapasok na pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay naka abang agad sakin ang mga unngoy. tsk malas.
pero isa lang masasabi ko yiiieee nagpagupit ng buhok si papa.
Chos.
"iha i'm glad that you're here na" sabi ng mommy sakin ng asawa ko daw bago yakap sakin na naging dahilan upang bahagyan akong mapangiwi. talaga? bakit ako? hindi ako glad?
nginitian ko lang ng bangang si mother in law ko daw pagkatapos ay tuluyang naupo na sa one sitter na sofa. kapagod kayang tumayo, anong gusto nila mag standing ovation pako? harhar ayoko nga.
"divine, hinintay ka lang talaga namin pero nandidito ka naman na so...i guess we can now take our leave so that the two of you can have a quality time" anila. geh lang para matahimik na buhay 'ko.
true to their words dahil isa-isa na nga silang natayuan at nagbigay ng kanilang huling paalam. parang mamamatay lang 'eh 'no.
"scothrith,saan daw kwarto ko?" padaskol kong tanong sa gagong katapat ko ngayon ng upuan, habang nililibot ng dalawang mata ko ang buong bahay kasi pinaglakad ko muna yung dalawang mata ko para magkaron din sila ng quality time hahaha
"didn't you listen the last time we meet? we're just one in a room idiot" aniya habang prente paring naka-upo sa sofa. napatanga ako. ano? may ganun? parang wala naman akong naaalala.
inis akong napatayo mula sa kinauupuan ko "kwento mo sa pagong sulat mo sa bobong. gunggong sa tingin mo ba talaga papayag ako dyan?!" sigaw ko.
"nah"direktahan nyang sabi sakin.
"yun naman pala eh.."
napabuntong hininga na lamang ito "kahit anong reklamo mo jan wala ka rin namang magagawa 'eh so why bother?" bagot na bagot nyang wika pero sapat na para ikalumo ko. tokwa sa tanang buhay ko ngayon palang ako tatabi sa ungoy kung saka sakali.
walang buhay itong tumayo "wala ka rin namang magagawa pupunta si butler dito once week just to check on us" aniya bago tuluyang nag-martsa paalis. hindi ko alam kung bakit ba kailangan kong makaranas ng ganito. may nagpakulam ba sakin? bakit sobra naman na ata akong minamalas ngayon?
KINAGABIHAN andito ako sa sala kasama ang pinakamura kong asawa habang nanood sa t.v na may sound ng 'ughhh', 'faste--shit--ohhh' hahaha hindi joke lang hindi ko talaga alam kong ano tong movie na pinapanood namin.
hinuhulaan ko parin kung ano tong movie nato ng biglang may tumunog na cellphone-- sabi ko na nga ba the conjuring tong palabas nato ehh tapos biglang lalabas si sadako sa t.v kahalikan si chuckie tapos dadating si annabell tapos sasabihing sya ang legal wife ni chuckie. napatingin ako sa cellphone kong nag-iingay.
YOU ARE READING
One Seductive Move (fuckshit series 1)
Comédieshe's blunt in all way that she could be, her mouth has no filter and she'll always talk like stupid trash shit but he doesn't give a fuck cause he loves her anyway. could a cuss machine woman will do really make the guys turn off? could a bluntness...