WARNING:loko loko at pasaway po ang author
alas kwatro na nang hapon at kaninang alas dos pa 'ko natapos sa mga ginagawa ko dito sa opisina pero hindi parin ako umuuwi kasi 4:30 daw kadalasang umuwi si scothrith
andito ako ngayon sa control room at binantaan ko ang mga empleyado dito na walang mangingi-alam saakin sa kung ano man ang gagawin ko,kung hindi sisisantihin ko sila.
ang dapat lang nilang gawin ay sundin ang mga utos ko and everything will be fine.
kasalukuyan ko ng pinapahanda ang personal na elevator ni gargamel.ayaw daw kasi nitong may nakakasabay sa elevator kaya nagpagawa ito para sa sarili nya.
sus.ang sabihin nila arogante lang talaga si gargamel kaya ayaw nitong may nakakasabay sa elevator.
time check,4:17
mula dito sa monitor ng cctv room,agad kong nakita ang pagngiwi ni scothrith habang hawak hawak nito ang sariling tiyan
agad naman itong nagpunta sa c.r sa loob ng opisina nya,only to found out na naka-lock 'yon,kaya naman nagkukumahog sya na sirain 'yon pero bigo sya dahil gawa sa metal yung pinto at hindi basta basta nasisira.
kaya walang ibang nagawa si gargamel kundi tumakbo palabas ng opisina nya upang magpunta sa 'private elevator' nito para makababa at makahanap ng pinaka malapit na c.r na mapaglalabasan nya ng sama ng loob
lahat naaayon sa plano ko.great.
nang tuluyan ng gumalaw ang elevator, agad kong inutusan 'tong si mr.controller na pahintuin ang elevator,dahilan para mawala sa tamang ulirat si scothrith,na naging sanhi para inis na pagsusuntukin at pagtatadyakan nito ang pintuan ng elevator dahil sa pagpipigil nya na wag 'mapa-tae'
tawa ng tawa ang lahat ng empleyado na nandidito lalo na ako.syempre.
mas lalo pa kaming napahagalpak ng tawa ng sapuin nito ang sariling pwet para mapigilan na wag 'mapa-tae'
nagtatatalon na ngayon si gargamel habang hawak hawak ang pwetan para mapigilang wag 'mapa-tae'
ang epic ng mukha nya ampowtek
nakaganti rin ako sa wakas.ano ka sakin ngayon?wala ka palang binatbat sakin eh.
"paandarin nyo na ang elevator baka magkalat pa 'yan jan eh hahaha"agad namang tumalima sa utos ko si mr.controller na ngayon ay lumuluha narin sa sobrang pagtawa.
nang bumukas ang elevator agad na tumakbo si gargamel para makapaglabas ng mga hinanakit nya sa loob ng c.r na kanina nya pa pinipigilang wag lumabas.
"hahaha rest in peace motherfudger" binalingan ko si mr.controller para mag papasa sa kanya ng 'footage of pag-pipigil' scene sa cellphone ko.
"ma'am wag nyo po sanang sabihin kay sir na dawit kami dito"paki-usap ng isang babaeng nakikitawa samin kani-kanina lang.
nakangiting kinindatan ko muna sya bago ako sumagot"wag mag-alala,hindi ko kayo ilalaglag"sakto namang tapos ng ipasa ni mr.controller ang buong video footage sa cellphone ko kaya lumabas na ako para makauwi na.
pagka-labas na pagka-labas ko ng building, agad akong sinalubong ng isa sa mga personal guard na tauhan ni gargamel para bantayan daw ako--—more like buntutat.
nang mapansin nito ang presensya ko mabilis ang naging mga kilos nito upang pagbuksan ako ng pinto at makapasok sa loob ng kotse.
nakakairita talaga 'to.
kapag nagtagal pa 'to sigurado akong masisipa ko 'tong isang 'to sa pagsunod sunod sakin.
kinuha ko ang earphone ko sa sling bag ko tapos isinaksak ko yun sa cellphone para magpatugtug ng music ng sa ganun ay kumalma ako at hindi ko masapak 'tong body guard ko.thankfully at gumana naman.
YOU ARE READING
One Seductive Move (fuckshit series 1)
Humorshe's blunt in all way that she could be, her mouth has no filter and she'll always talk like stupid trash shit but he doesn't give a fuck cause he loves her anyway. could a cuss machine woman will do really make the guys turn off? could a bluntness...