CHAPTER 2

9 3 0
                                    

WARNING:loko loko at pasaway po ang author

naipasok na ng mga katulong lahat ng mga gamit ko dito sa kwarto namin at sa kasalukuyan nga ako ay naglilibot sa buong kwarto.   

may isang customize king size bed sa gitna tapos sa gilid noon may malaking bintana na kitang kita ang view ng garden sa labas at doon naman sa gilid ay may sala set and then pagpasok mo sa bathroom bubungad agad sayo ang isang malaking royal blue bathtub na kasya ata ang anim na tao, mayroon ding malaking space para sa shower at cubicle kung saan naka pwesto yung bowl at sa kaliwa nanan makikita mo ang pinto malapit sa labas nung cubicle at pagpasok mo doon at tatambad agad sayo ang isa iyong malaking walk in closet na mayroon dalawang kwarto na may nakalagay na  "scothrith" sa right side at "divine" naman sa may left side.

at dahil umandar nanaman ang pagkapaki-alamira ko sinubukan kong buksan yung kwarto kung saan nakalagay ang pangalan ng magaling kong asawa, pero bigo ako dahil nakalock iyon kaya naman mas  minabuti 'kong pasukin nalang yung kwartong may pangalan ko. halos mapangiwi ako ng makitang puro pambabae ang laman noon, mula sa mga damit, mga sapatos, bags at kung ano ano pang mga nakakairitang pangbabaeng gamit. panty, bra at napkin lang ata jan ang nabili nila ng tama 'eh.

nakakadiri naman 'tong mga gamit na 'to at teka nga sino bang asteroid mongoloid ang bumili ng mga gamit na 'to? hindi nya ba alam na kinikilabutan ako sa mga ganitong bagay?

dali dali akong bumaba sa 1st mula dito sa 8th floor nitong mansyon. at yes mansyon ito kasi sa sobrang laki ng pamamahay na 'to hindi mo na pwedeng tawaging basta bastang nalang bahay. ewan ko nga ba  kung hindi ako maligaw dito.

"MANANG!" sigaw ko mula sa kinatutung tungan kong hagdanan. dali dali naman akong nilapitan ni manang ng may pag- aalala sa medyo may katandaan na nitong mukha.

"ma'am ano ho iyon?" buong patataka nitong tanong.

"manang paki tapon po lahat ng  gamit na mayroon doon sa walk in closet ko" padarag kong sabi na agad namang ikinakunot ng noo ni manang at para bang sinisipat pa kung naka shabu ba ako o hindi.

"iha ang dami ng mga gamit mo doon 'ah? atsaka sigurado ka ba? hindi ka ba manghihinayang? diba at mga bagong pamili palang ang mga iyon?" aniya.

sorry manang pero wala akong pakialam sa mga gamit na 'yon. mas gusto ko parin yung mga gamit ko dun sa dati kong bahay kasi mas komportable ako sa mga yun atsaka sayang yung mga limited edition collection ko ng mga rolex, sobrero, sapatos, mga backpack at yung mga damit na binili ko pa sa mexico, brazil, spain, ahh basta mga limited edition yun 'eh. atsaka yung jersey ko may perma pa yun ni lebron james.

nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga "kung gusto nyo po manang ipamigay nyo sa lahat ng katulong na mayroon tayo dito o sunugin nyo. basta alisin nyo 'lahat' ng mga gamit na mayroon sa loob ng walk in closet ko na 'yun"

bumagsak naman ang balikat ni manang "oh sige iha tatawag lang ako ng mga magtatangal ng mga yun pero hindi ko isasama sa mga ipapatangal yung sandamamak na alahas na naroon baka kasi mayari kami kay sir lalo pa't nasa milyon na daw ang isang piraso lamang niyon" aniya bago umalis.

kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isa sa pinaka tsongo kong kaibigan.

agad nya naman itong sinagot.

napangiti ako "hello diana mea roquas pwe--"

'tawagin mo 'ko ulit sa buong pangalan ko and you're dead. what do you want?' padarag nitong sabi na ikinangisi ko. tsk ang ikli talaga ng pasensya.

"chill ka lang. may papagawa lang 'ko sayo. i want you to get all my stuffs in my house at dalhin mo dito sa bahay ng asawa ko"

saglit itong natigilan 'what do you think of me?! alalay mo?! cut it off you stupid dimwit!'

One Seductive Move (fuckshit series 1)Where stories live. Discover now