WARNING:loko loko at pasaway po ang author
nang makabawi ako sa paghalik saakin ni scothrith pakiramdam ko biglang namula ang lahat ng dapat mamula sa katawan ko. ultimo yata napkin ko namula din 'eh.
okay, divine halik lang yun. wag kang o.a second kiss nyo na yun kaya dapat wag kang maapektuhan.
nang makabawi ako mula sa pagkabigla tumayo na agad ako ng kama para dagliang makaligo na at makapag almusal.
nang makababa ako, naabutan ko si scothrith na ipinagtitimpla ng kape ni manang habang ang unngoy kong asawa hayun at busy sa pagcecellphone habang may nakasalampak na head phone sa paa--este sa ulo pala.
pasensya na. mukha kasing paa ang ulo nya 'eh.
humanda ka sakin, gagantihan kitang kupal ka!!
nilapitan ko si manang na bussy sa pagtitimpla ng kape ni scothrith "manang ako na po dyan" nakangiti kong turan kay manang na syang naging dahilan upang kumunot ang nangungulubot na nitong nuo.
"sigurado ka iha?"paninigurado nito.
"opo naman. hayaan nyo na po akong pagsilbihan ang 'mahal' kong asawa"
tinanguan lang ako ni manang na kapagkuwan ay umalis din.humanda ka sakin ngayon!
kinuha ang lalagyan ng asin at nagbudbud ng sobra pa sa sapat na rami sa kape ni scothrith.
dinamihan ko ang inilagay kong asin sa kape ni yawang scothrith, yung sigurado akong masusuka sya sa sarap.
tinikman ko muna yung kape gamit ang dulo ng isa kong daliri at nung malasahan ko iyon halos maubo ako sa sobrang alat. tama na siguro 'to.
sunod ko namang kinuha ang mga pitchil namin sa reef tapos itinapon ko lahat ng lamang tubig nun sa lababo, pagkatapos ay naglagay naman ako ng isang basong tubig na sobrang init sa may itaas ng reef and after that nagtimpla narin ako ng paborito kong coffee with milk.
hindi naman ako kasing tanga ng mga napapanood ko sa t.v na sila yung gumawa ng patibong tapos sila din yung mabibiktima kaya naman sinigurado kong magka-iba kami ng design ng baso na gagamitin para hindi ako malito.
nakangiti akong pumunta sa puwesto ni scothrith para ilagay sa mesa ang mga kape na ginawa ko pagkatapos ay umupo ako sa ibabaw ng mesa.
kinalabit ko si scothrith na ngayon ay busy parin sa pagcecellphone habang naka head phones.
kunot nuo naman nyang tinangal ang head phone nya sabay nabubuesit na binalingan ako ng tingin.
iniabot ko sa kanya yung kape dahilan para mas lalong kumunot ang nou nya.
"anong gagawin ko dyan?"aniya.
nagpakawala ako ng isang iretadong buntong hininga. jusmiyo ito nanaman po tayo sa mga pangbobong tanong.
"try mong ishampoo baka sakaling maging adobo" ani ko na inirapan lamang nito. aba-aba sabi ko na adarna. "bakit mo naman ako bibigyan ng kape?" padaskol nitong tanong.
nginitian ko muna sya ng pagkatamis tamis bago ako nagsalita "isipin mo nalang na peace offering ko yan sayo dahil pinagpopokpok kita kanina ng gitara" ani ko sa isang malambing na tono. tangapin mo nang letse ka pinaghirapan ko yan!
kunot nuong tinangap nya naman ito at nung sanadaling mainom na nya ng tuluyan ang kape ay mabilis pa sa alas kwatrong nanlaki ang mga mata nito sabay nauubong ibinuga ang kape.
"SHIT ANG ALAT NIT--FUCK!!" dali dali syang nagpunta sa reef para kumuha ng tubig kaya lang sa kabutihang paa wala doong tubig kaya naman nagkukumahog syang makahanap at nung makita nya yung tubig sa taas ng reef dali dali nya yung kinuha at ininom hahahahaha.
YOU ARE READING
One Seductive Move (fuckshit series 1)
Humorshe's blunt in all way that she could be, her mouth has no filter and she'll always talk like stupid trash shit but he doesn't give a fuck cause he loves her anyway. could a cuss machine woman will do really make the guys turn off? could a bluntness...