Disclaimer!
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidential.~*~☆~*~
Chrynx's POV
Ano ba naman to! Traffic pa! Magsisimula na yun panigurado ako. Nakakahiya naman kung late akong dadating.Bzzz Bzzz Bzzz
Kinuha ko ang phone ko na nasa aking purse at sinagot ang tawag.
"Hello" mahinahon kong sambit.
"Shokla ka! Napakatagal mo!" sigaw ni Maeve sa kabilang linya.
"Traffic kasi Maeve, nagsisimula na ba?"
"Hindi pa no, wala ka pa kaya bakit nila sisimulan diba baka gusto nilang pektusan ko sila" sambit ni Maeve.
"Kasama mo na ba si Quinn?" tanong ko.
"Yah kanina but now, No. Ang shoklang yun umariba na agad sa loob. Ang beauty niya daw ay hindi nakalaan sa paghihintay" natawa ako ng konti dahil sa tono ng pananalita ni Maeve para kasi siyang nangaasar. "Ay teh si Lauren! Malabeauty and the beast ang datingan" dagdag pa nito.
"Ohh edi ang ganda malaprinsesa siya. Kagaya ba ng gown ni Belle ang kasuotan niya?"tanong ko.
"Tanga! Hindi no! Sinabi ko bang siya si Belle? Siya yung beast gaga" natatawa niyang sambit at nasamid pa.
"Ayan nakarma ka tuloy"
"Excuse me?Karma who? nasamid ako kasi naalala ako ng crush ko. Pogi ni Takeshi!" kilig na kilig na sambit nito.
"Takeshi? yung crush mo sa higher level?"
"Oo yung grade 10, yung singkit yung tropa ni Kenji"
"Kenji? Sino yun?" nakakunot pa ang aking noo habang inaalala kung sino ba ang Kenji na tinutukoy niya. May Kenji na grade 10?.
"Hindi mo kilala si Kenji?"
"Hindi eh"
"Corny mo naman, sige na hintayin nalang kita dito sa may entrance, pakidalian dahil ang beauty ko hindi nakalaan sa paghihintay"sambit niya at tumawa ng napakalakas.
"Baliw"suway ko sa kanya at napailing iling nalang.
Maya maya pa ay nakarating na ako.
"My gosh why so tagal pero kabogera ng taon ang suot mo ah! I LOVE IT!" hinatak na agad ako ni Maeve papunta sa may hall. Akala mo naman ay hindi kami nakasuot ng gown at heels.
Napadpad na agad kami sa may table kung saan nakaupo si Quinn.
"Ganda ng gown mo girl" komento ni Quinn sa akin pagkatapos akong tignan mula ulo hanggang paa.
"Ganda talaga yan! Si Chrynx yan eh!"pagmamayabang ni Maeve.
Maya maya pa ay nagsimula na ang prom. Sinimulan na din ang pag sayaw ng mga estudyante. Nag agawan pa nga ang iilan kay Quinn eh.
"Ako si Kenji, siya naman si Takeshi"nakangiti siya habang nagpapakilala. "Gusto niya sana ayain sa sayaw ang kaibigan mo, pwede ba?"
BINABASA MO ANG
CLUELESS
Teen FictionSa mundong ito lahat naman tayo ay inosente. May mga bagay tayo na hindi natin alam at minsan kapag nalalaman natin ang mga bagay bagay minsan maganda ang epekto nito, minsan naman ay hindi. Hindi tayo sigurado sa kung ano ang pwedeng mangyari. Akal...