Inubos ko muna ang kape na tinimpla ko bago tuluyang lumabas ng bahay. Sumakay na ako ng jeep at nagbayad na agad.
Pumara na ako at dumeretsyo sa may convenience store.
Pumunta sa may fridge at kumuha ng isang nutriboost na strawberry. Nilapag ko na iyon sa may counter at nagbayad na.
"Iplastic po ma'am?"tanong nung cashier sabay abot sakin ng sukli at resibo.
"Hindi na po, thank you"sabi ko at kinuha na ang nutriboost na strawberry.
Binuksan ko ito nang makalabas ako sa 7/11. Naglakad na ako patungo sa eskwelahan namin. Nakapasok na ako sa may gate nang may biglang humatak sa bag ko kaya na bitawan ko tuloy ang hawak kong nutriboost. Sayang kakabili ko pa lang nun eh!. Natapunan ako kaya ayun basa tuloy ang uniform ko.
"Di ko sinasadya"sambit ni Apollo at napatingin sa nutriboost ko na nahulog. "Akala ko wala kang hawak eh"
"Palitan mo yun"tinuro ko ang nasa sahig.
"Di ko kasalanan na nagulat ka"nakahawak ang isang kamay niya sa kanan na strap ng kanyang bag.
"Hinatak mo ang bag ko kaya natapon"depensa ko.
"Ganyan nagkakilala ang lolo at lola ko" napailing iling pa si kuya guard. Napatitig tuloy ako sa kanya dahil nakasuot siya ng sunglasses. Ang taas nga naman ng araw.
"Hala ka Kuya guard nainlove na sayo" sambit ni Apollo. "Kuya saan po ba ang mop? Ako na po ang magmop" tinuro naman ni Kuya guard kung saan nakalagay ang mop.
Pinahawak sa akin ni Apollo ang bag niya at kahit labag iyon sa loob ko ay hinawakan ko pa din dahil wala naman akong magagawa.
"Kunin mo ang hoodie jan na pula" nginuso niya pa ang bag niya. Kinuha ko naman ang tinutukoy niya.
"Tapos ilalapag ko jan?gagawin mong mop?"tanong ko.
"Hindi, suotin mo" kinuha niya na ang mop at sinimulan na linisin ang basa doon. Nang matapos ay ibinalik niya na iyon at itinapon na ang lalagyan ng nutriboost. Kinuha niya na ang bag niya sakin at isinuklib na sa kanyang kanang balikat. Tinignan niya ako kaya tinignan ko din siya habang nakakunot ang noo ko. Bakit naman kasi siya nakatingin sa akin?.
Lumapit siya sa akin kaya naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Pinitik niya ako sa may noo kaya napasapo agad ako doon.
"Ang sakit"
"Suotin mo yung hoodie kasi nabasa ang uniform mo. Mauna na ako" nanatili lang akong nakatayo doon at hinintay na makaalis siya sa harapan ko.
Teka teka teka akala niya ba nakalimot ako? Palitan niya ang nutriboost ko.
Tumakbo ako paakyat para habulin sana siya kaso bigla kong nakita si Maeve at Quinn sa may hagdanan.
"Wow hindi siya late, kailangan natin itong ipagdiwang Quinn"niyugyog ni Maeve si Quinn.
"Anong nangyari sa damit mo?"tanong ni Quinn habang nakatuon ang atensyon sa uniform ko.
"Ah nahulog yung nutriboost na binili ko"pagpapaliwanag ko.
"Suotin mo na yang hoodie, nahahalata ang panloob mo"umiwas ng tingin si Quinn.
"Manyak ka Quinn!" pagakusa ni Maeve.
"Anong manyak, halata kaya" depensa ni Quinn sabay irap.
"Teka lang" pumasok si Maeve sa classroom namin para may kunin at lumabas naman ka agad dala dala ang isang box ng tisyu.
BINABASA MO ANG
CLUELESS
Teen FictionSa mundong ito lahat naman tayo ay inosente. May mga bagay tayo na hindi natin alam at minsan kapag nalalaman natin ang mga bagay bagay minsan maganda ang epekto nito, minsan naman ay hindi. Hindi tayo sigurado sa kung ano ang pwedeng mangyari. Akal...