CHAPTER IX

8 0 1
                                    

Wala naman masyado nangyari noong Agosto. Naging busy ang lahat sa prefinals kaya hindi na kami masyado nakaalis nila Maeve. Sa sobrang bilis ng paglitaw at paglubog ng araw ngayon ko lang napasok sa isip ko na Setyembre na pala, siguro kung hindi pa pinag-usapan ngayong homeroom ang magaganap na Intramurals sa katapusan ng Setyembre ay wala akong ka alam alam kung anong petsa na. Bukas na daw aayusin ang mga sasali sa laro eh.

Nasa library kami ngayon ni Maeve dahil lunch time na namin. Si Quinn naman ay nasa classroom pa nila, nagplaplano na siguro sila para sa nalalapit na Intramurals. Napatingin ako kay Maeve na problemado sa precalculus, ang daming scratch paper na nakapaligid sakanya. Mukha nga siyang laging pagod eh, dahil bakas sa mata niya ang pagkakulang sa tulog. Kung naibebenta lang ang eyebags, panigurado ako na milyonaryo na ito.

"Nakakabobo talaga" inis na sabi nito at sinarado na ang notebook niya."paano mo na gets agad yung lesson eh nakita kitang tulog kanina?"

"Binasa ko yung nasa Ebook" tugon ko.

"Sana all naiintindihan kapag binasa sa Ebook" sinubsob niya ang mukha niya sa lamesa. "Ano bang ginawa kong mali sa buhay ko?" Bigla niyang inangat ang ulo niya.

"Anong sasalihan mo sa Intrams? Darts ulit?" ipinatong niya ang baba niya sa likod ng kanyang kaliwang palad habang ang kanan na kamay ay nakahawak sa ballpen niya at nilalaro iyon.

"Oo eh, ikaw ba?" umayos siya sa pagkakaupo. "Volleyball?"

"Hindi, pahinga na ako sa volleyball eh. Alam mo naman give chance to others"

May biglang pumalakpak kaya dun nabalin ang tingin namin.

"Nakachamba lang kayo noon Maeve" papalapit na samin si Kenji.

"Chamba ba yun?"

"Chrynx nakita mo ba si Quinn?" pambabalewala nito kay Maeve.

"Nasa may classroom nila Kenji" tugon ko.

"Ay magiintrams na nga pala kayo, Sasali ka sa singing contest?"

"Oo sasali siya dudurugin niya ang panlaban niyo!" tumawa pa si Maeve.

"Wala na siyang dudurugin, wala kaya kaming Intramurals. College na kami no"

"Ay ang sad naman nun" wika ni Maeve na akala mo ay awang awa kay Kenji.

"Sarap mong batukan" sabi ni Kenji bago ibalin ang tingin sakin. "Pag sumali ka Chrynx sabihin mo agad kasi magpapatarpaulin ako ng mukha mo" natawa ako ng bahagya.

"Darts ang sasalihan ko Kenji"

"Darts ulit?, mukhang alam na agad kung sinong mananalo ah" aniya

"Baliw"

"Sige na pupuntahan ko pa si Quinn, salamat ah" kumaway na si Kenji at umalis na doon.

"Chrynx sumali ka sa singing contest ah, last naman na eh" pinagsama sama niya na ang scratch paper na nakakalat kanina. "Ha"

"Ha? Asa ka" pangaasar ko sakanya sabay tawa. Ayun mukhang nainis dahil umalis na agad dala dala ang notebook niya kaya hinabol ko siya, pikon kasi talaga ang isang to.



Kinabukasan nga ay pinag usapan ang mga sasali sa mga paligsahan. Nasabi ko naman na sa kanila nasa darts ako sasali kaya nagbasa nalang ako sa cellphone ko ng story sa wattpad. Nagearphones na din ako para hindi madisturbo sa pagbabasa.

Tinaas ni Maeve ang kamay ko na ipinagtaka ko ng todo, napansin ko ang mga mata na sa akin nakatuon. Tinanggal ko ang kabilang earphones ko habang hindi inaalis ang tingin sa mga kaklase ko.

CLUELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon