CHAPTER I

16 2 4
                                    

"Marzona, Charlie Maeve po. Grabe ate ang tagal ko na po dito pero hindi niyo pa din po ako kilala, nakakatampo" pagiinarte ni Maeve sa babaeng nasa registrar.

"Sa may cashier ka na magbayad" nakangiti ito habang nakaturo kung saan ang cashier.

"De wala ate hindi mo ako kilala"pagmamaktol ni Maeve at pumunta na sa may cashier. Nauna kasi kami ni Quinn sa kanya kaya siya na ang hinihintay namin matapos. Lumapit na sa amin si Maeve habang nilalagay ang resibo sa kanyang tote bag na itim.

"Saan na tayo?"tanong ko habang nakalingon kay Maeve na nahuli sa paglalakad.

"Gala tayo, ayoko pang umuwi"suhestiyon ni Quinn habang tinitignan ang sarili sa kanyang mukha para makita kung may dumi ba.

"Oh my gosh! Same"sabi ni Maeve at nagawa pang hampasin si Quinn sa balikat.

Nang makalabas kami ay agad na nawala si Maeve sa tabi namin ni Quinn. Kumaripas ba naman ng takbo papunta kila Kenji at agad na hinampas si Kenji. Close na close ang dalawang yan kaya grabe kung magsakitan.

"Kenji saan kayo pupunta? Sinusundan mo ako no? Crush mo ko hays" pinaypayan ni Maeve ang kanyang sarili gamit ang kamay. "Iba talaga ang kamandag ng isang Charlie Maeve Marzona"

"Asa ka naman na gusto kita, kamandag amp" sabi ni Kenji na ikinatawa namin.

"Saan nga ba kayo pupunta?"tanong ko sakanilang magtrotropa.

"Sa may mall kami pupunta manonood lang tyaka baka maglaro kami sa may timezone"pagpapaliwanag ni Lijun.

"Gusto niyo bang sumama?"tanong ni Takeshi.

"Nag Improve ang pagtatagalog mo ah!" Manghang sabi ko.

"Wag mong ginaganyan Chrynx baka yumabang"sabat ni Kenji.

"Oo nga Chrynx, wag" pagsang ayon ni Lijun.

"Hindi ba pang bata ang timezone"nakahalukipkip si Quinn habang sinasabi iyon.

"Hindi no! Sino naman nagsabi na pang bata yun" inis na sabi ni Kenji.

"Okay, sorry"inirapan ni Kenji si Quinn. Loko loko to, hindi ko nga alam kung bakit iba ang pantatrato niya kay Quinn kesa sa amin ni Maeve. Ubod ng taray kay Quinn pero pag sa amin naman ni Maeve ay ubod ng kulit.

"Magjeep nalang tayo patungo doon"suhestiyon ni Lijun.

"Buti naman at kasama niyo si Apollo ngayon, Hindi ka na busy?"sabi ni Maeve doon sa lalaki na ngayon ko lang napansin. Nasa likod kasi siya ni Lijun kaya hindi ko ka agad napansin kanina. Napatitig lamang ako sa kanyang mukha. Sakto lang ang pagkakapal ng kilay niya, may magandang korte pa nga, matangos ang ilong, pinkish na labi, medyo singkit ang mga mata, hindi gaano kaputian ang kutis pero kitang kita kung gaano kakinis ito. Grabe ang mukha niya parang perpekto ang bawat angulo. Bagay pa sa kanya ang suot niya na puti na polo at nakatuck in ito sa black na ripped jeans.

"Mano po ninong"pabirong sabi ni Maeve at nagmano kay Apollo.

"Ehem laway mo tumutulo na"bulong sakin ni Quinn kaya agad akong napapunas sa labi ko. Bahagya siyang natawa at umiling iling.

"Wala naman eh"nakabusangot na ako.

"Umayos ka baka mahalata ka"lumapit na siya kay Kenji para hindi marinig ang sasabihin ko.

"Ano tara na?" tanong ni Quinn sa kanila.

"Saan ba tayo sasakay?"tumingin sa paligid si Takeshi. "Eh wala namang sakayan dito papunta doon"

CLUELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon