"Oy!oy!bitaw!tulong Mommy!"sinubukan kong pumiglas sa pagkakahawak niya kaso mahina ako, pinaghahampas ko sa kanya ang hawak kong tatlong paper bag. Kinuha niya iyon mula sa kamay ko at wala na akong nagawa kundi magpahatak.
"Tatawag ako ng pulis!"pag banta ko habang hatak hatak niya pa din at natakbo. Napadpad kami sa isang tagong lugar. Hinahabol ko ang paghinga ko. Tinanggal niya ang mask niya kaya nakilala ko naman siya kaagad.
"Bakit mo ako hinahatak!" iritang sabi ko at pinaghahampas siya. Hinawakan niya ako sa may palapulsuhan para hindi ko na siya mahampas pa.
"Shh wag kang maingay, I'll explain it to you later"sabi niya. Ibinigay niya na sa akin ang paper bag na tatlo at inalis na ang kanyang sumbrero at hoodie sabay binato sa may gilid. Sumilip siya nang bahagya at agad akong hinarangan. Itinapat niya ang mukha niya sa gilid ng mukha ko para maharangan ang mukha ko.
"Wala akong gagawing masama sayo,wag kang kabahan" bulong niya. "Judgemental"
"Wala naman akong sinabi ah"
"Ingay" pagsaway niya sa akin.
"Pre! Nalampasan na ata natin"
"Sigurado ba kayo na dito dumaan?"
"Sino ba nagsabi na dito?"
"Pucha! Nakatakas!"
"Baka nandun, tara baka makalayo pa"
Lumayo na ang ingay kaya lumayo na din si Apollo sa akin.
"Maya maya na tayo lumabas baka may nandyan pa" bulong niya.
"Ang galing mo no?dinamay mo pa ako. Thank you ha" sarkastiko kong sabi.
"Sorry baka kasi mapagtripan ka kaya hinatak agad kita" inirapan ko siya.
"Bakit ka ba hinahabol?kapatid nila yung girlfriend mo no? Ang bata bata pa kasi nun talagang lagot ka"nakapamewang na ako at akala mo isa akong nanay na sinisermonan ang anak. Kumunot ang noo niya.
"Girlfriend? Sino?" maang maagan pa itong tirador na ito.
"Yung tinawag kang panget last month" agad naman siyang natawa sa sinabi ko. Anong nakakatawa doon?.
"Hindi yun" sumilip muna siya bago kami tuluyang lumabas.
"Hindi naman na nila ako makikilala, hindi naman nila nakita ang mukha ko"sambit niya.
"Bakit ka nga nila hinahabol?" Tanong ko ulit dahil sa kuryosidad ko.
"Tara libre kita sa may convenience store" pag aya niya.
"Gabi na" saad ko.
"Ihahatid kita sa may inyo"
"Hindi pwede baka isipin pa na manliligaw kita" pagtanggi ko.
"Lugi ka pa ba?"ang presko naman pala niya. Walang duda na magtropa sila ni Kenji "biro lang sa kabilang kanto lang kita ihahatid"
"Sige na nga"sabi ko at pumunta na kami sa convenience store.
"Anong gusto mo?" tanong niya at binalin ang tingin sa akin habang nakahawak ang isa niyang kamay sa pringles na sour cream ang flavor.
"Ikaw bahala" panggagaya ko sa linya niya last time.
"Ah gaya gaya"kumuha siya ng dalawang cup noodles na seafood flavor. Kumuha din siya ng dalawang tubig at pinahawak sa akin. Gusto ko sana nang nutriboost kaso wag na lang baka magka utang na loob pa ako nang dahil sa nutriboost at isa pa baka hindi bagay sa noodles yun. Nilapag na namin sa counter at nagbayad na siya. Umupo na din kami at siya na ang nag asikaso ng cup noodles. Nilagyan niya na muna nang mga sangkap iyon bago lagyan ng mainit na tubig. Hinintay ko lang siyang makabalik.
"Explain na" paninimula ko.
"Ah ayun nga, bastos kasi ang bunganga ng isa doon. Binastos ba naman ang kapatid ko iyon ang nabalitaan ko kaya sinapak ko. Syempre nagtago ako ng mukha para hindi ako mamukhaan at isa pa kaya ako tumakbo kanina kasi ang dami pala nila, eh isa lang ako. Paano kung may armas sila" pagpapaliwanag niya.
"Nasaan ang kapatid mo?" tanong ko dahil nakakapag alala pa din kahit hindi ko naman iyon kamag anak o kakilala.
"Nasa bahay, kakauwi niya pa lang nun nang magsumbong siya sa akin" tugon niya.
"Hindi ba nila iniisip na ikaw yun?" tanong ko.
"Hindi, hindi naman nila ako namukhaan at hindi din naman nila kilala ang kapatid ko. Siguro ilalayo ko ang kapatid ko sa lugar na ito para hindi na siya mapagtripan ng mga yun" tumingin lang siya sa may labas.
"Saan mo naman siya dadalhin?" inilapit niya na sa akin ang cup noodles, hinalo niya muna iyon gamit ang tinidor bago ibigay sa akin ang tinidor. "Thank you"
"Sa bahay talaga namin, condo ko lang kasi ang nandito. Eh bakasyon naman kaya nanatili muna siya sa may condo ko, madalas din naman siyang walang kasama sa bahay dahil wala lagi doon si Papa"ngayon lang kami nag-usap ng ganito.
"Nasaan ang mama mo?"inikot ko na ang tinidor ko para makakuha ng noodles. Hinipan ko muna ito bago kainin.
"Si Mama" Tumingala muna siya, mukhang nag iisip ng sasabihin "sinusustentuhan niya pa din naman kami kahit may iba na siya, di niya kami pinapabayaan ng kapatid ko" binalin niya ang tingin niya sa labas.
"Sorry"dapat pala di ko na tinanong.
"Okay lang, ikaw ba?"nagsimula na siyang kumain at tinignan ako.
"Tuwing bakasyon lang umuuwi ang magulang ko, tuwing April at May lang talaga. May ate ako pero hindi kami gaanong close dahil inilalayo niya ang sarili niya sa akin. Ilang beses akong sinasarhan ng pinto nun sa tuwing gusto ko siyang kausapin"ngumiti ako ng tipid. Bakit ba ako biglang nag open up sakanya.
"Grabe naman ang ate mo, kagatin sana ng ipis ang mata"siniko ko siya
"Ang sama mo"natatawa kong sabi.
"Biro lang naman"binuksan niya na ang mineral water na para sa akin at inilagay iyon sa tapat ko kaya uminom na ako.
Nagkwentuhan pa kami hanggang sa maisipan na namin umuwi dahil anong oras na.
"Salamat sa libre" nakangiti kong sambit. "Ingat" kinawayan ko siya.
"Salamat din, ingat sila sayo" kumaway siya bago tumalikod at maglakad palayo. Naglakad na din ako pauwi. Buti at hindi ako nasermonan nila Mama at Papa. Alam kasi nila na si Chey ang kasama ko eh.
BINABASA MO ANG
CLUELESS
Teen FictionSa mundong ito lahat naman tayo ay inosente. May mga bagay tayo na hindi natin alam at minsan kapag nalalaman natin ang mga bagay bagay minsan maganda ang epekto nito, minsan naman ay hindi. Hindi tayo sigurado sa kung ano ang pwedeng mangyari. Akal...