Credits to Ysabelle Cuevas na nasa media. Yung song po ay Hindi Tayo Pwede by The Juans.
Huling araw na ng Intramurals namin ngayon. Nanalo kanina si Quinn sa beauy contest, pakiramdam ko tuloy ay pagod na pagod siya ngayong araw dahil kasali din siya sa singing contest na magaganap.
"Good luck sa singing contest mo Chrynx, manonood kami" ginulo ni Lijun ang buhok ko.
"Mag aayos ka na Chrynx?" tanong ni Kenji kaya tumango ako. "Good luck Chrynx, laban!"
"Good luck" sabi ni Apollo.
"Salamat" nakasalubong ko kasi silang tatlo papunta kasi ako sa cr para magpalit na ng damit.
"Let us all welcome contestant no. 6, Kesha Catalan" nagsipalakpakan naman na ang lahat ng si Kesha na ang kakanta. Madami ang kinakabahan kapag siya ang kalaban dahil biritera talaga siya simula noong junior high school pa lamang. Sila ni Quinn ang madalas na nagkakatapatan sa mga singing contest simula pa noon.
Ako lang ata ang tutugtog sa batch namin. Pwede daw tumugtog ng gitara habang kumakanta, wala pa daw nakakagawa nun sa batch namin kaya yun ang ginawa ko. Pero hindi ka magpapasa ng flash drive na kung saan nandoon ang minus one mo, ang dapat mong gawin kapag ganito ay magpeperform ka sa harapan ng music teacher kung saan hahatulan nito ang pagtugtog mo. Eh aprobado naman ang akin.
"Let us all welcome contestant no.7, Savannah Chrynx Dizon"
"Good luck Chrynx" nakangiting sambit ni Kesha at pumalakpak pa bago ako tuluyang makalakad papunta sa stage.
"Go Stem 12!"
"O kaklase namin yan!"
"Go Savannah Chrynx Dizon!"
"S to the A to the V to the A to the N to the N to the ang haba ng pangalan nakakahingal" reklamo ni Maeve na ikinatawa ko ng bahagya. Umakyat na ako sa hagdanan ng stage at narinig ko na naman ang palakpakan nila. Wala pa nga eh.
May nakalagay na upuan sa gitna at nakaayos na din ang microphone doon. May upuan dahil pinalagyan ko iyon kasi tutugtog ako. Umupo na ako doon at inabot na sakin ang acoustic guitar ko. May nakatapat din na mic doon para marinig ang lalabas na tunog.
"Pilit nating iniwasan
Ganitong mga tanungan
At kahit 'di sigurado
Tinuloy natin ang ating ugnayan" paninimula ko, madalas kong ibinabalin ang tingin ko sa kanila. Napansin ko na kakapasok lang nila Apollo sa may auditorium. Kinawayan pa nga ako ni Kenji eh.
"Lahat ay parang lumabo
'Di alam kung sa'n tutungo"
"Ang labo na talaga namin" pagdradrama ng isa sa audience. Sinaway naman agad ito ng kanyang katabi.
"Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede" agad naman nagpalakpakan ang mga tao. Naghiyawan pa sila Maeve at si Haven. Nako nagsama ang dalawang micropono.
"Kay bigat na ng damdamin
Bakit 'di pa natin aminin?
Dahil sa una pa lamang
Alam nating wala tayong laban" napatingin ako kila Storm na ngayon ay nagkukunwaring umiiyak kasama sila Maeve.
Nang magchorus ay tinaas nila Maeve ang kanilang mga phone na nakabukas ang flashlight at nagsway na akala mo'y nasa concert sila.
"Hindi tayo pwede dahil una pa lang
Alam naman nating mayroong hangganan
At kahit ipilit, hanggang dito na lang
Dito na lang" napapikit pa ako. At sa pagmulat ko muli ng aking mga mata sumakto yun sa lalaking nakatayo sa may tabi ng pintuan. Malayo naman siya sakin pero bakit ang linaw ng paningin ko pagdating sa kanya. Umiwas na ako ng tingin, baka akalain niya na may pagtingin ako sa kanya. Meron nga ba? Wala naman diba?.
"Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible"
"Sumuko ka sa laban
Hindi tayo pwede" pagtatapos ko sa kanta at napatingin mismo kay Apollo na nakahalukipkip lang doon. Wala naman akong pinaparating sa kanta ko pero sa itsura niya ay parang meron. Pagkatapos na pagkatapos ko ay todo naman ang pagpalakpak ng mga tao.
"Let us all welcome contestant no.9, Quinn Zoenneth Ordonez" May kumanta pang isa bago si Quinn ang tawagin.
"Good luck Quinn" sabi ko nang mapadaan siya sa harapan ko. Hindi niya man lang ako napansin, baka hindi niya narinig. Umakyat na siya sa stage at sinimulan na ang pagkanta.
"Some people want diamond rings some just want everything
But everthing means nothing if I ain't got you" napansin ko kung saan nakapako ang mga mata niya deretsyong deretsyo iyon kay Kenji kaya nang umalis si Kenji sa auditorium dun na si Quinn nagkamali sa kanta. Halos pumiyok na siya at mahahalata mo sa mga sumunod na linya na kinakabahan na.
Nang magchorus ulit ay inaasahan ko na dun siya babawi kaso nagkamali ako ng hinala. Ngayon ko lang nakita ang side niya na ganito. Alam kong kaya niya pero bakit parang ayaw niya ng lumaban pa.
"If it ain't you baby
If I ain't got you" pumiyok siya, kaya napahinto siya saglit.
"If I ain't got you with me baby" ibinaba niya na ang mic niya at halatang halata sa mata niya ang pagkadismaya. Pumalakpak na ang lahat ng tao.
Ilang minuto pa ang lumipas ng anunsyuhin na ang mga nanalo.
"For our bronze medalist, we have Josh Nepomuceno from the class of Stem A 11" nagsipalakpakan kaming lahat pero ako heto nakatingin pa din kay Quinn at hindi sa tao na nasa stage. Hindi ko siya makumpronta dahil may nakaupo sa gitna namin. Napansin ko na ang lungkot lungkot niya talaga samantala nanalo naman siya kanina sa beauty contest.
"For our silver medalist, we have Kesha Catalan from the class of Humss 12" nagpalakpakan ang lahat.
"Congrats" nakangiti kong bati sa kanya bago siya pumunta sa stage.
"For our gold medalist, we have" tumingin tingin pa siya paligid para sa pakaba effect.
"Savannah Chrynx Dizon from the class of Stem 12. Congratulations to all participants and the winners" pumalakpak at naghiyawan ang karamihan. Pumalkpak ako habang hinahanap kung sino ang nanalo pero lahat sila ay nakatingin lang sakin. Napansin ko naman ang pag alis ni Quinn sa auditorium.
"Chrynx anong ginagawa mo jan? ikaw ang nanalo" sigaw sakin ni Maeve kaya napatingin ako sa kanila.
"Ako?" tinuro ko pa ang sarili ko. Ako daw. "Seryoso?"
"Congratulations Savannah Chrynx Dizon" nakangiting sabi ni Ms.Sandoval na nakatayo sa may stage at may hawak na card. Ay ang kulit, ako nga.
Tumayo na ako at pumunta na sa may stage. Pagkababa na pagkababa ko ay sinalubong ako ng yakap nila Maeve.
"Congrats ang galing galing mo" hinigpitan niya pa ang pagkayakap sa akin.
BINABASA MO ANG
CLUELESS
Teen FictionSa mundong ito lahat naman tayo ay inosente. May mga bagay tayo na hindi natin alam at minsan kapag nalalaman natin ang mga bagay bagay minsan maganda ang epekto nito, minsan naman ay hindi. Hindi tayo sigurado sa kung ano ang pwedeng mangyari. Akal...