CHAPTER II

10 2 3
                                    

"Kayo nalang Chrynx ang magshare ni Apollo"ang tinutukoy ni Quinn na pagsishareran namin ay ang popcorn.

"Okay" hindi pa nagsisimula ang palabas ay halos makalahati ko na ang popcorn. Dinapuan naman ako ng kahihiyan kaya inaya ko si Apollo ng popcorn. Tinignan niya ako kaya ngumiwi ako, hindi naman ako marunong magbasa kung anong iniisip ng isang tao. Binalin niya na ang kanyang tingin sa popcorn at kumuha na doon.

"Ayan na magsisimula na"pagbabalita ni Maeve.

"Alam namin tanga"sabi sa kanya ni Kenji.

"Sinong tanga?!"binato ni Maeve ang kanyang kanan na sapatos kay Kenji. Hindi naman ito nasapol.

"Parang tanga Maeve! Nasa sinehan!" sigaw ni Kenji.

"Shhh"suway ng ibang tao kaya nanahimik na ang dalawa.

Panay lang ang pagkain ko ng popcorn habang hindi tinatanggal ang atensyon sa pinapanood.

"Ay putspa!"sigaw ko nang dahil sa gulat. Si Lijun kasi biglang kumapit sa braso ko, nakakagulat "Umayos ka nga, duwag"sinubukan ko pang itabig ang kamay niya.

"Natatakot ako!"hindi na siya tumitingin sa screen. Natawa ako sa inakto niya daig ko pa kasi siya, tignan mo ako titig na titig pa sa screen habang siya takot na takot.

"Ay!"napapikit ako bigla. Nakakagulat ang tunog jusmiyo. Sinilip ko ang nasa kaliwa ko na si Apollo at ayun tulog na ang kuya mo. Mahimbing ang tulog, horror tapos tinulugan.

Binalin ko na ulit ang tingin ko sa screen.

"Mababangga to" komento ni Maeve habang seryoso sa panonood.

"Tanga! Tumabi ka na jan! Mababangga ka tanga. Tatanga tanga talaga! "reklamo ni Kenji.

Natahimik ulit sila at mukhang naiinis na sa pinapanood.

"Wag mong dalhin doon"komento ni Kenji. "Bobo amp! Dinala!"

Ilang oras pa ang lumipas nang matapos na ang palabas. Binuksan na ang mga ilaw kaya maliwanag na.

"Paano yung batang lalaki? Mamamatay?"tanong ni Maeve habang inaalis ang dungis sa kanyang pwesto.

"Sabi nila safe kapag ganun kasi wala namang ka alam alam yung batang lalaki tungkol dun eh"pagpapaliwanag ni Quinn. Tinapik ko na si Apollo, nasayang ang ticket ng isang to.

"Good Afternoon" nginitian ko siya ng peke. Agad niyang tinignan ang relos niya at inayos na ang sarili.

Nakalabas na kami sa may sinehan pero hindi pa din makamove on ang dalawa sa pinanood namin.

"Bakit ganun kapag horror? medyo shunga ang bida" iritang sabi ni Maeve.

"Anong medyo?tanga talaga"tugon ni Kenji.

"Uy! May mga bida sa horror na mautak no"pag depensa ni Maeve.

"Di ko naman sinabing bobo ah? Sabi ko lang tanga. Iba ang tanga sa bobo tignan mo ikaw bobo"pangaasar ni Kenji. Napailing iling nalang si Quinn sa kanila.

"Tapos ikaw tanga!"

"Mas maganda ang tanga kesa sa bobo"

"Bobo ka na nga tapos tanga ka pa"iritadong sambit ni Maeve at nauna na sa paglalakad.

"Para kang tanga"hinabol siya ni Kenji habang nagpipigil ng tawa. "Nagbibiro lang eh"

"Uy may nasasaktan!"pagpaparinig ni Lijun at tumakbo na papalapit kila Maeve.

CLUELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon