CHAPTER VIII

9 1 3
                                    

"Salamat ng sobra sobra Lijun" nakangiti kong sambit. Bumaba na ako sa kanyang kotse. Sumunod naman siya sa akin kaya napahinto ako.

"Hatid na kita hanggang sa may gate niyo"

"Huwag na Lijun baka akalain pa ng ate ko boyfriend kita, hanggang dito nalang"

"Sige Ingat ka ah"

"Ingat ka din salamat ulit"

Naglakad na ako papunta sa bahay namin. Wala pa siguro si Ate dahil wala pang Ilaw sa bahay. Kinuha ko na ang susi ko at binuksan na ang pintuan.

"Tenteren ten ten~"

"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday Happy Birthday Happy Birthday to you" pagkanta nila Kenji habang hawak ni Maeve ang cake. Si Quinn naman ay pumapalakpak lang at kumakanta ng maayos. Sila Takeshi ayun energetic na version ng happy birthday ang tono nila ni Kenji.

"Happy Birthday to you!"pagkanta ni Lijun na nasa may likuran ko na pala. Dala dala niya ang pinamili niya kanina. Yung regalo niya daw sa kaibigan niya, ako pala yung tinutukoy niyang kaibigan na reregaluhan akala ko pa naman ay si Haven.

Nginitian ko sila at nagwish muna bago hipan ang kandila. Pumalakpak naman sila.

"Kainan na!" hiyaw ni Kenji.

"Mukha kang pagkain" asar sakanya ni Maeve.

"Uy Maeve kabastusan mo ah" saway ni Kenji.

"Uy hindi yun yung ibig kong sabihin" nagsimula na mamula ang tenga ni Maeve dahil sa hiya.

"Takeshi namumula ang tenga ni Maeve kay Kenji o!" pagsusumbong ni Lijun.

"Oy hindi ah!" depensa ni Maeve at hinampas si Lijun. "Tara na kain na"

"Birthday girl o" inabot ni Kenji ang paper plate na may laman na pagkain sa akin.

"Thank you Kenji" nginitian ko siya at naupo na. Inasikaso na ni Maeve ang mga plastic cup at nilagyan na ito ng soda.

"Water lang sakin" sambit ni Quinn.

"Got yah sweetie" kumindat pa si Maeve kay Quinn.

Kukuha na sana si Kenji ng inumin kaso nandun si Maeve kaya umupo nalang ulit siya. Natatawa ako kasi hindi ako sanay na ganyan silang dalawa pero okay na ulit yang dalawa na iyan mamaya.

"Namumula talaga ang tenga ni Maeve!" pangaasar pa lalo ni Lijun.

"Tantanan mo ko Lijun" saway sa kanya ni Maeve.

"Ang tahimik tuloy ni Takeshi" umiling iling pa ako.

"Uy wag na kasi kayo mangasar" saway ni Maeve at tumabi kay Takeshi dahil dalawa nalang ang pwesto na bakante, ang isa ay sa tabi ni Takeshi habang ang isa naman ay sa tabi ni Kenji.

May nag doorbell kaya agad ko itong pinuntahan.

"Chey" nakangiti kong sabi at binuksan ang gate.

"Happy Birthday" bumeso sakin si Chey at inabot ang regalo niya sa akin.

"Thank you, tara sa loob"

"Hi" bati sa kanila ni Chey at kumaway. "oh my gosh what happened? Bakit namumula ka Maeve ko"

"Mahabang kwento" wika ni Kenji.

"Hi Kenji, you're here din pala" lumapit siya kay Kenji na katabi si Quinn. Bumeso si Chey kay Kenji. "Hi Quinn" bumeso siya kay Quinn."Hi" bumeso din siya kay Lijun na nasa kabilang side ng table. "Apollo?"

CLUELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon