Mamaya na ang presentation namin sa Arts kaya hindi ako nakababa para magrecess. Inubos ko kasi ang oras ko sa pagpractice ng gitara eh.
"Chrynx ikaw lang pala ang nandito. Alam mo ba kung nasaan sila Storm?" tanong ni Haven na taga Humss.
"Baka nasa may Audio Visual Room sila, doon ata nagpractice para sa Arts" tugon ko.
"Kabog naman pala may paAVR pa" biro nito. "Sige salamat at Good luck" umalis naman ito kaagad.
Maya maya pa ay may kumatok sa pintuan at bumalandra nanaman sa akin ang itsura ni Haven.
"Chrynx oh may nagpaabot lang sakin" ibinigay na sakin ni Haven ang hawak niyang Nescafe French Vanilla tapos may note doon.
Huwag kang kabahan. Good luck. Ayun ang nakasulat sa note.
Huwag akong kabahan tapos kape. Nakakawala ba ito ng kaba bakit parang hindi naman.
"Kanino galing to?" tanong ko kay Haven kaso wala na siya sa tapat ko. Ang bilis naman mawala ng babaeng iyon.
Ilang minuto pa ang lumipas ng mag Arts subject na. Binigyan muna kami ng konting minuto para makapaghanda bago kami magpakitang gilas sa harapan.
Nauna ang grupo nila Storm na nagpagising sa mga tao sa loob ng classroom. Halos maubusan na nga kami ng hininga kakatawa sa grupo nila. Nag ala Lady Gaga kasi sila eh. Ang mga kagrupo nilang lalaki ay may mga puting wig na hanggang balikat ang haba.
"P-p-p-poker face, p-p-poker face" pagkanta ng mga lalaki sa kanila.
"mum-mum-mum-mah" linya naman ng kababaihan sa kanila.
"P-p-p-poker face, p-p-poker face"
" mum-mum-mum-mah"
At syempre hindi naman magpapatalo ang grupo nila Maeve. Kung may Lady Gaga, meron ding Nicki Minaj. Pinagtripan nga nila ang mga lalaki sa kanila eh, nakamaong shorts at sando ang mga ito. Nakasuot sila sa loob ng tube na mukhang nilagyan ng face towel para mag mukhang dibdib.
"My anaconda don't, my anaconda don't" sumasabay sa tono ang pagtwerk ng mga kalalakihan sa kanila.
"My anaconda don't want none unless you got buns, hun" sabay hampas ng mga babae sa pwet ng mga ka grupo nila na lalaki.
Wala naman ng bahid ng kalokohan ang mga sumunod na grupo. Ang iba ay gumamit ng minus one habang ang iba naman ay may dalang instrumento kagaya namin. Natapos naman na ang presentation at nagsipalakpakan ang lahat.
"Magbibirthday ka na next week ah, anong balak mo?" Tanong ni Maeve habang nakaupo sa tabi ni Quinn. Lunch na kasi namin.
"Wala, kung anong nangyari last year ganun lang din ang mangyayari ngayong taon" sagot ko. Wala naman nangyari sa birthday ko last year, walang handaan kaya panigurado ako na ganun din ang mangyayari sa taon na ito.
"Ah oo nga pala hindi ako makakasabay mamaya sayo Chrynx ah" paalam ni Maeve at sumipsip na sa binili niyang apple juice.
"Bakit?" tanong ni Quinn at kumain na ng salad.
"Inaya ako ni Chey gumala" tugon ni Maeve.
"Chey? Yung pinsan ko?" tumango naman si Maeve bilang sagot.
"Gusto mo ihatid na kita Chrynx? Delikado na ngayon kapag mag isa"sambit ni Quinn. May kotse kasi si Quinn at lagi siyang hinahatid sundo ng driver niya. Sa amin kasing tatlo, siya ang mayaman talaga.
BINABASA MO ANG
CLUELESS
Genç KurguSa mundong ito lahat naman tayo ay inosente. May mga bagay tayo na hindi natin alam at minsan kapag nalalaman natin ang mga bagay bagay minsan maganda ang epekto nito, minsan naman ay hindi. Hindi tayo sigurado sa kung ano ang pwedeng mangyari. Akal...