CHAPTER V

14 2 0
                                    

Ang bilis ng araw third week na agad ngayon ng pasukan. Halos dalawang linggo ako late pumasok partida graduating student ako.

"Sorry I'm late" sambit ni Maeve na kakapasok lang sa classroom. Tumabi na siya sa akin.

"Mas nauna ako sayo ngayon" bulong ko sakanya.

"Himala nga eh" pabalik niyang bulong sa akin. "Badtrip naman umagang umaga may Pre-cal tayo, ayoko ng sched natin" wala naman siyang nagawa at nakinig nalang sa lesson.

Oras na ng recess nang mapansin namin si Lauren na umiiyak sa may gilid.

"Tignan mo nagbreak nanaman siguro sila ng boyfriend niya" bulong ni Maeve. "Nagsasayang ng luha pwede na pang igib sa halaman yan"

"Hayaan mo na, buhay pagibig niya yan"pakelamerang Maeve to.

"Last time nakita yan na may kasamang iba eh, Kyle ata ang pangalan"banggit ni Quinn.

"Baka yun yung dahilan kung bakit siya umiiyak kasi nalaman yun ni Zeke tapos pyeng! Break up"pagpapaliwanag ni Maeve sa sarili niyang konklusyon.

Napatingin samin si Lauren at sinugod agad ako.

"Kasalanan mo to eh"dinuroduro niya pa ako.

"Baliw na to"tinulak siya ni Maeve papalayo sa akin.

"Kasalanan mo!"sigaw ni Lauren.

"Lauren stop" utos ni Quinn habang nakahalukipkip.

"Makapag utos ka akala mo lahat mapapasunod mo!"sigaw ni Lauren kay Quinn.

"Tumigil ka nga"tinulak ulit siya ni Maeve.

"What the fuck! Kanina ka pa ah! Di ka naman kasali"tinulak ni Lauren si Maeve kaya nagsabunutan na sila. At ayun nga miski ako ay napasama na doon. Aawatin ko lang naman sana si Maeve, eh bigla akong sinabunutan ni Lauren edi gumanti na ako masakit eh.

Dumating naman ang President ng student council para awatin kami. Tinawag siguro siya ni Quinn.

"Mukha kang tiktik!letche ka"sigaw ni Maeve.

"Maeve tama na" pagsaway ni Quinn.

Ayun napadpad kami sa office ng discipline coordinator.

"Anong nangyari?" pagsisimula ni Ms.Lhaz.

"Si Lauren po biglang nanunugod, sinisisi po si Chrynx eh miss syempre kaibigan ko yun bakit niya duduruduruin tapos ayon sakin napunta ang inis niya"pagpapaliwanag ni Maeve.

"Eh hindi ka naman kasali tapos nakikisali ka, tanga ka ba?"sabat ni Lauren.

"Manahimik ka hindi ikaw ang kausap ko! Ikaw yung tanga! So ayun nga miss sunod nun sinabunutan niya na si Chrynx eh aawatin lang po sana ako ni Chrynx. Miss malaki ang galit niya kay Chrynx"sunod sunod na paliwanag ni Maeve.

"Ms.Lhaz ganun nga po ang nangyari si Lauren po ang nauna" pahayag ni Quinn.

"See"sambit ni Maeve at tumuro pa kay Quinn. Humalukipkip si Maeve "may testigo ako. Eh ikaw may testigo ka ba?" pagtataray niya kay Lauren habang naka-de-kwatro

"Miss kung gusto niyo po icheck nalang po sa cctv para masigurado niyo po kung ano ang nangyari" suhestiyon ko para hindi na mastress si Maeve kakapaliwanag.

"Ikaw ang nauna Chrynx kung hindi ka gusto ng boyfriend ko hindi ako hihiwalayan nun!" sigaw ni Lauren.

"Bakit parang kasalanan ko?" napaturo pa ako sa sarili ko. Natawa naman si Maeve kaya napatingin kami sakanya lahat.

"Parang si  Bobbie lang ah"panay pa ang tawa ni Maeve kaya sinaway naman agad siya ni Quinn. "Sorry boss" sabay peace sign kay Quinn.

Pinakuha ni Ms.Lhaz ang kopya ng cctv sa oras na naganap iyon at napansin na si Lauren nga ang may kasalanan. Winarningan lang kami ni Maeve pero hindi naman siguro maapektuhan ang scholarship namin. Wag daw namin ulitin dahil sa susunod ay pwede kaming matanggalan ng scholarship. Humingi na kami nang paumanhin at nagpasalamat na din bago umalis sa office.

Sumapit na ang oras ng lunch.  Iniwan ako nila Maeve at Quinn dahil biglang sumulpot si Zeke. Gusto daw akong kausapin. Pwedeng lumabas sa school tuwing lunch kaya sinundan ko si Zeke na lumabas ng school.

"Zeke tungkol saan ba ang paguusapan natin?" tanong ko habang sinusundan kung saan siya patungo. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya nauna na akong pumasok. 

Nasa may café kami na malapit lang sa school namin. Tinanong niya ang gusto ko kaya sinabi ko naman kaagad, libre niya daw kaya yung pinakamura pinili ko. Naupo na kami at hinintay ang order.

"Tungkol saan?"tanong ko ulit.

"Gusto kita"sambit niya. Tinignan ko lamang siya dahil hindi maproseso ng utak ko ang sinabi niya. Gusto kita. Ah umamin siya. Umamin siya?! Bakit? Hindi ako magaling sa ganito!. Wala pang naglakas loob na umamin sakin siya pa lang.

"Ah salamat" iniwas ko ang tingin ko sakanya. Parang kakasimula pa lang ng school year tapos may aamin agad sakin, hindi naman ako nakahanda sa ganito. Parang kanina lang kasama ko ang girlfriend niya sa office ng dc tapos ngayon aamin siya sa akin. Anong nangyayari sa mga tao?.

Bumalik din naman kami kaagad sa school pagkatapos namin kumain doon sa café.

Oras na ng Arts. Kailangan daw namin kumanta kaya ayun pinaggrupo kami. Walong tao kada isang grupo eh mayroon kaming anim na grupo. Nagbilang kami ng 1-6 para patas sa lahat.

"Saang grupo ako?"tanong ko dahil nalimutan ko.

"Sa Group 1 ka, dun ka kila Yael"sambit ni Maeve at tinuro kung saan banda ang mga kagrupo ko "Group 2 ako eh" naghiwalay na kami at pumunta na sa mga kagrupo namin.

"Kailan daw ang presentation?"tanong ko.

"First week ng July bale next week"tugon ni Paolo.

"Agad agad?"

"Oo"

"Anong kakantahin natin?"tanong naman ni Clarisse

"Gusto ko kanta ni Ariana Grande"suhestiyon ni Kaye.

"Akin kay Justin Bieber"nagpogi pose pa si Cole.

"Taylor Swift sa akin!"masiglang sabi ni Janice.

"Edi sayo na"sabat ni Kaye.

"Ed sheeran akin, And darling I will be loving you 'til we're 70"pagkanta pa ni Leo. Pumiyok pa nga siya ng kaonti.

"Teka teka, isang artist lang daw sabi ni sir"sabi ni Yael.

"Pwede bang banda?"tanong ni Paolo.

"Pwede naman, may nagtanong kay sir kanina tungkol jan tapos pumayag naman si sir. Hindi ka talaga nakikinig"sagot ni Yael. Si Yael kasi ay isa sa pinakainaasahan ng section namin pagdating sa larangan ng musika kaya pwede akong matulog tulog tuwing practice dahil si Yael naman ang bahala sa lahat." Ganito, ako na magiisip. Gagawa nalang ako ng groupchat mamaya" sumang ayon naman ang lahat. Natapos din naman kaagad ang klase at maaga kaming nakauwi lahat.

CLUELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon