"Mamaya ka na mangulo" sinubsob ko pa ang aking mukha sa unan. Hinatak ba naman kasi ang kumot ko.
"Gumising ka na" inuga uga pa ako ni Chey at hinatak ang unan ko kaya hinablot ko ang isa ko pang unan at hinampas sa kanya. Ayun naghampasan kaming dalawa pero tumigil din naman kami dahil napagod agad ako.
"Bakit ka ba nandito? Ang aga aga" inayos ko na ang pinag higaan ko.
"Anong maaga? For your information pwet mong may decoration kapag ininjection congratulations! it's two in the afternoon na" humiga siya sa kama ko habang nakatingin sa kanyang phone. "Maligo ka na Savannah Chrynx kasi aalis tayo! You know, shopping" maarte nitong sabi. "Mag papasukan na kaya. Sila Mommy naman kasi hindi ako masamahan kasi busy sila sa work nila eh kaya ikaw nalang ang sasama sakin"
"Oo na, maliligo na ako" agad siyang umupo ng maayos.
"Ako pipili ng susuotin mo para matchy matchy tayo!" Masigla niyang sabi at umalis na sa kama ko. Tinignan ko lang siya habang naghahanap ng damit na susuotin ko. Nang makahanap na ay inabot niya na sa akin at itinulak na ako palabas ng kwarto. Wala naman kasi akong sariling banyo. Nasa 2nd floor ang banyo namin, eh ang kwarto ko naman ay nasa 3rd floor.
Pagkatapos ko maligo at magbihis ay inayusan na ako ni Chey. Nilagyan niya ako ng light na Makeup.
"Tada!" Sambit niya at ihinarap ako sa salamin "Pretty no?"
"Oo" napakamot pa ako sa noo ko. Pwede naman kasing liptint lang, kung ano ano pa kasi ang nilagay sa mukha ko.
"See matchy tayo!" Gumilid pa siya para makita sa salamin ang suot na damit niya.
"Alin ang matchy dito?" Tinignan ko siya sa may salamin. Hindi naman kasi kami pareho ng damit kaya paano naging matchy.
"Ang matchy kaya ng color, para tayong yin and yang"nakabusangot na siya. Hindi kami pareho ng kulay, mas lamang ang kulay na puti sa kanya kesa sa itim. Sa akin naman ay mas lamang ang itim kesa sa puti.
"Dun na tayo maglunch, sinabi ko na kay tita na sasamahan mo ko"
Umalis na kami at pumunta na sa mall. Iba itong mall na ito kesa sa mall na pinuntahan namin nila Maeve last month. Yun din ang huling kita namin nila Maeve eh, nung araw na iniwan nila kami ni Apollo.
"Ikot ikot muna tayo bago bumili ng mga gamit para sa school o kain muna tayo. Kain muna pala tayo dahil wala pang laman ang tiyan mo" hinila niya agad ako patungo sa Karate Kid. Libre niya daw kaya pinapili niya ako kung anong gusto kong kainin at humanap na ako ng upuan pagkatapos kong makapili ng kakainin ko. Makalipas lang ng konting minuto ay natapos na siyang umorder at naupo na sa tapat ko.
"5 minutes pa daw" ipinatong niya ang number sa may resibo.
"Bili tayo ng liptint ah tyaka may kailangan pa akong bilhin kasi pa ubos na yung mga na sa makeup kit ko" tumatango tango na lamang ako. "Ano ba ang gusto mong unahin natin? Mamili ng damit, makeup o gamit sa school?" minsan napapaisip ako kung beauty queen ba talaga itong nasa harapan ko.
"Damit nalang siguro"
"Makeup nalang" nagtanong pa siya eh siya din naman ang masusunod sa aming dalawa.
"Okay kung anong gusto mo"
"Okay" nakangiti siya. Dumating naman na ang inorder niya. "Picture tayo" inilayo niya na sa kanya ang phone para makasama ako"3.2.1 smile... isa pa"
Pagkatapos kumain ay sinunod namin ang plano niya. Binilhan niya ako ng mga damit at liptint, may mga damit pa naman ako sa bahay pero nagpumilit siya na bilhan ako ng mga bagong damit kaya hinayaan ko nalang. Sunod naming ginawa ay bumili kami ng mga gamit sa school pagkatapos nun ay nag aya siyang mag milk tea.

BINABASA MO ANG
CLUELESS
Teen FictionSa mundong ito lahat naman tayo ay inosente. May mga bagay tayo na hindi natin alam at minsan kapag nalalaman natin ang mga bagay bagay minsan maganda ang epekto nito, minsan naman ay hindi. Hindi tayo sigurado sa kung ano ang pwedeng mangyari. Akal...