CHAPTER 8.2

63 3 0
                                        

PART II

Sa second day ng Funday ay mas lalong dumami ang taong pumunta dahil na din siguro open ang Melchone sa mga outsiders ikaw ba naman ang makapasok sa sikat na school dito sa pilipinas. Syempre susulitin mo na tutal minsan lang naman ito sa isang taon.

Umaga pa lang ay abala na ang lahat halos mapuno din ang mga booths sa dami ng tao na gustong pumasok lalo na sa weeding booths. Siguro dahil na din sa EXO ang nag organize at namamahala nito. Ganun talaga sila kasikat, at ilang ulit ko na din sinabi yun.

Nahihilo na nga ako sa kakatingin ng mga taong paruot parito, pasok labas. Kaya ipinatong ko ang ulo ko sa mesa. Kanina pa kasi ako nakabantay dito sa labas. Oo ilang oras na. Alas 10 na nang umaga at alas 8 ata ako kanina na pumunta dito. Wala nga akong balak pumunta dito kaso ikaw ba naman sunduin sa bahay mo, bulubugin sa kwarto mo pagkatapos ay padalidaliin ng ligo. Umagang umaga tuloy bad trip. At ito namang kasama kong magtao dito sa wedding booth naka poker face na naman. Buti nga at hindi natatakot ang mga tao na lumapit para magpa wedding. Hindi ko ito kinakausap simula pa kaninang umaga na sunduin niya ako ng bahay. At ang nakakadagdag badtrip pa ay hindi din ito nag effort na kausapin ako.

Heloo? Kami lang dalawa dito at ilang oras na pero hindi niya pa din ako kinakausap. Anong gusto niya ako unang mag approach sa kanya? Asa! Tsong.

Isa pa tong mga talanding babaeng to. Kanina pa pababalik balik dito magpapapicture lang naman. Ang masaklap pa ako ang ginawang photographer .okay na sana sila na lang. Magsama sila ni Sheen. Ito namang si Sheen okay lang nang okay. Sige siya na talaga!

Nagsimula akong magligpit ng gamit ko. At sinaklay ko ang maliit na back pack na dala ko. Makapag round rolling nga muna. Sayang ang oras kesa naman maghintay akong pumuti ang uwak bago kausapin nitong si Sheen.

"Where are you going?" Tanong ni Suho ng makasalubong ko ito.

"Dyan lang.. babalik din ako mamaya." Sabi ko bago naglalakad ulit.

Hindi na ako tumungin pa para alamin ung anong ginagawa ni Sheen. Tutal busy siya sa kakapicture sa mga fans niya oh ide doon na lang siya maghapon. Sinundo sundo niya pa ako tapos hindi naman pala ako kakausapin.

Dumiretso ako sa nagtitinda ng kwek kwek at fishball. Kahit ito nakapasok sa school. Hindi na din naman ako nakakakain nito kaya naisipan kung kumain. Hindi pa rin pala ako nakakapag almusal letseng yun pati pagkain ko nakalimutan ko na. Paano ako tataba nito?

"Manong pabili ako.." pagkatapos ay inabutan ko si manong ng 50 pesos.

"Ilan ineng?" Tanong ni manong.

Sandali ako nag isip bago sumagot.

"ubos manong.." sagot ko. Tumawa pang si Manong, nginitian ko naman ito bago nagsimulang kumain.

"Manong ilang taon ka ng nagtitinda nito?" Maya maya ay tanong ko habang kumakain pa din.

"Limang taon na din ineng.."sagot ni Manong.

"Talaga? Ang haba na din no? " sabi ko pagkatapos ay tumusok ulit ng lima.

"Oo nga pero wala naman akong ibang mahanap na trabaho, ito lang din ang alam ko." Nakangiting pahayag ni Manong.

"May anak po ba kayo?" Tanong ko. Nasa bandang 40 na ata si Manong. Siguro may asawa't anak na din siya.

"Meron dalawa.."

"Asan po sila?" Tanong ko.

Ngumiti muna si manong baho sumagot.

"Nasa bahay, isang high school at isang elementary.." sagot ni Manong

He's the One for Me(EXO FF) #WATTYs2015 (on major editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon