Its been more than a month since that night.
Mas naging caring at loving sa kanya si Marcus. Pakiramdam niya ay mas naging protective ito sa kanya kahit lately ay madalas niya itong inaaway. Di niya rin maintindihan ang sarili niya. Minsan ay naiinis siya pag nakikita ito. Buti na lang at mahaba ang pasensya sa kanya ni Marcus.Nasa bahay siya ni Marcus ng araw na yun. Umalis ito saglit para may asikasuhin sa Coffee Shop. Sabado noon at pinasamahan muna siya ni Marcus kay Manang Hermie kahit day off nito.
Manang Hermie: Mam Cat, okay lang po ba kayo? Parang matamlay ho kayo.
Cat: Medyo nahihilo po ako, baka gawa po sa init kanina.
Manang Hermie: Inumin nyo muna itong tubig, baka mamaya eh tuluyan po kayong mahilo.
Cat: Salamat po Manang, hihiga po muna ako sa kwarto ni Marcus.
Manang: Sige po Mam, magpahinga po muna kayo.
Pagdating sa kwarto ay nahiga muna siya sa kama ni Marcus.
"Ano yun? Ang sakit sa ilong ng amoy."
*sambit niya sa sariliNakita niya sa side table ang perfume ni Marcus. Inamoy niya ito. Alam niyang ito ang madalas gamitin ni Marcus na perfume, pero tila nag iba ang pang amoy niya dito.
Maya-maya ay nakaramdam siya ng sama ng tyan. Agad siyang nagtungo sa CR ng kwarto nito. Doon ay ilang beses siyang sumuka. Pagkatapos ay agad din siyang bumalik sa kama at nagpahinga. Di niya na namalayan ang pagdating ni Marcus. Naka idlip pala siya.Marcus: Hey, are you okay Love?
Cat: Oh, Hi!
*sabay halik dito..yah, medyo nahilo lang ako kanina, dahil siguro sa init.
Marcus: Okay, wag ka na lumabas ng room, let's eat here, I'll bring our dinner here.
Cat: Okay, please be quick. Mamimiss kita agad.
*seryosong sagot niyaMarcus: *tila naweweirduhan siya kay Cat
..Love, are you okay? I mean, lately you're acting strange. There are times, inaaway mo ko without any reasons, or over small things, then now, parang ayaw mo kong mawala sa paningin mo.
*natatawa niyang tanongCat: Mood swings Love. Baka magkakaron na ko kaya mabilis ako mairita. I'm sorry.
*lambing niya ditoMarcus: No problem, anything for you my love.
*sabay halik ditoCecilio's Cup, CASA ALONZO
Nasa Coffee Shop siya ng araw na yun para bumisita. May naamoy na naman siya na ayaw ng sistema niya, naduduwal na naman siya. Agad siyang nagpunta sa CR ng Hotel. Pininli niyang dun magpunta dahil may iba siyang kutob sa nangyayari sa kanya. Hindi siya mahahatid ni Marcus ng araw na yun dahil may pinuntahan ito. Nagkita ito at si Ninna. Pinahatid na lang siya ni Marcus sa driver na nagtatrabaho sa Casa Alonzo. Bago siya umuwi, nagpadaan siya sa isang Pharmacy. Mag aalas sais y medya na ng nakarating siya ng bahay ni Marcus. Dun muna siya nag stay dahil hinihintay niya rin si Marcus. Habang wala pa ito ay nagtungo siya sa CR at naligo. Bago siya maligo ay kinuha niya ang binili niya sa Pharmacy. Pregnancy test ito. Bumili siya ng dalawang piraso, gagamitin niya ang isa ng gabing yon, at isa kinabukasan. Nagtest na siya bago maligo.
"Oh God!"
*sambit niya ng makita ang dalawang linya sa PTDi niya ma explain ang nararamdaman, masaya siya pero nananaig ang kaba at takot. Inisip niya na oo nga't nangako si Marcus sa kanya, pero iba pa rin ang sitwasyon dahil hindi pa naman sila kasal.
Habang nasa shower ay iniisip niya kung sasabihin niya ito kay Marcus or ipapagpabukas na lang kapag nagtest ulit siya at nag positive pa rin. Nauna na siyang kumain ng alas otso na ng gabi ay wala pa si Marcus. Hindi pa ito nagtetext or tumatawag. Maya maya pa ay may dumating ng sasakyan. Sasakyan yun ni Ninna. Nagtataka siya kung bakit si Ninna ang nagmamaneho at nasa passenger seat lang si Marcus. Sinalubong niya ang mga ito. May napansin siya sa mga ito.
YOU ARE READING
Love & Coffee
RomanceDo we choose the person we will love, or will love choose the person right for us? How can you make a choice when no one ever chose you? Will two broken people fix each other's heart or will they just break each other hard? What can fate do when two...