Cataleya's Little Angel

7 0 0
                                    

BATANGAS

Ika-anim na buwan na ng pagbubuntis niya ng nag bukas ang branch nila ng Cecilio's sa resort. Gaya ng dati, sina Mr. Asuncion at Ms. Lopez na ang pinag asikaso niya doon.

Ika-pitong buwan na ng pagbubuntis ni Cataleya. Noon lamang niya nalaman ang gender nito. It's a baby boy. Magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman niya noon. Dalawang buwan na mula noong naghiwalay sila ni Marcus through Skype. In-uninstall niya na rin ito, maging ang FB at Messenger niya. Iniwas niya ang sarili sa stress at nagfocus na lang sa baby niya na ilang buwan na lang ay lalabas na. Nasa rest house niya siya at may isa lang siyang kasamahin doon na matanda. Si Aling Adela. Sisenta anyos na ito at ito ang katiwala niya sa bahay niya sa Batangas.

Aling Adela: Mam, konti na lang lalabas na ang baby nyo. Ano ho pala ipapangalan nyo sa kanya? May naisip na ho ba kayo?

Cataleya: Wala pa ho akong maisip na pangalan ng baby boy ko. Hehe

Aling Adela: Ah ganon po ba. Nga po pala Mam, suhestyon lang po ano, pwede ko po bang isama ang apo kong lalake dito sa ka buwanan nyo, marunong naman ho magmaneho yun ng sasakyan. Iniisip ko ho kase kayo Mam, baka mapa anak kayo bigla ay hindi ko ho kayo kaya. Buti ho sana kung hindi to looban, madali sana tayo makakatawag ng tulong.

Cataleya: Naisip ko nga rin po yun, kung pano ako sa kabuwanan ko. Sige ho, payag ho ako, lalo't pareho na po tayong di pwedeng magbuhat ng mabibigat, kahit next month po, pwede nyo siya isama, patapos na rin naman po ang klase diba?

Aling Adela: Ay oho. Ang alam ko ho ay huling linggo na nila sa eskwela itong susunod na linggo. Ay sige ho at sasabihin ko rin sa anak ko na isasama ko ang anak niya dito.

Cataleya: Ay ayos lang ho kaya sa anak nyo na isasama nyo dito yung apo niyo? Ilang taon na po ba yung apo nyo?

Aling Adela: Bente anyos na ho yon Mam, may lisensya din naman ho yun sa pagmamaneho.

Cataleya: Sige ho Aling Adela, para po may income din siya habang bakasyon, basta ho ipaalam nyo rin sa anak nyo na kukunin ko muna dito yung apo nyo.

Aling Adela: Sige ho Mam, wala naman ho magiging problema sa anak ko, saka masipag naman ho yung apo ko, sigurado hong matutuwa yun dahil may trabaho siya sa bakasyon.

Cataleya: Sige ho, kung gusto niya ho na magsimula na agad pagkatapos sa school, pwedeng pwede ho. Wala na ho ba kayong pwede pang maipasok dito na kasamahin, para makakatulong tulong din po sa inyo?

Aling Adela: Aba'y tatanungin ko ho dun sa amin kung meron gustong pumasok. Isasama ko na lang din ho dito.

Cataleya: Sige ho, gusto ko ho kase sana na kayo ho ang mag asikaso sa akin pag nanganak ako, naniniwala po ako na iba pa rin ho ang alaga ng matatanda sa una, lalo na po pag sa probinsiya. Ayoko ho na magpa alaga sa hospital, lalo na ho para sa baby ko, mas gusto ko pa rin ho sa bahay.

Aling Adela: Ay salamat ho Mam sa tiwala.

Cataleya: Wala ho yun. Ayaw ko din naman ho kase na laging nasa hospital, kung di nga lang po kelangan na regular check-up ang baby eh, kaso, kelangan din.

Aling Adela: Sige ho Mam, mag aasikaso na ho ako ng hapunan. Maiwan ko po muna kayo dito.

Cataleya: Sige ho.

Nanonood siya ng movie sa sala. Pinilili niyang comedy ang panoorin para lagi siyang masaya. Pinipili na lang niyang maging masaya despite what happened between her and Marcus. Iniisip niya na baby niya naman ang magsasuffer kapag nagpadala siya sa lungkot.

Kabuwanan na ni Cataleya. Nasa 2nd week na ng May noon.

Cataleya: Aling Adela!!!
*sigaw niya mula sa sala

Love & CoffeeWhere stories live. Discover now