Sa kabila ng napaka-ingay na kapaligiran ay wala akong marinig kung hindi ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang sapo-sapo ko ang katawan ng isang babae.
"H-hindi! Hindi mo ako pwedeng iwan! Nangako ka sa'kin! Nangako ka sakin na hindi mo ako iiwan!"
Sa saktong pagpatak ng luha ko, siyang pagkaramdam ko ng napakainit na yakap dahilan para idilat ko ang mga mata ko.
"Okay lang ang lahat, Arisa. Nandito ako sa tabi mo" mahinang sabi niya mula sa tenga ko. Bakas sa boses niya ang pag-aalala.
Hinawakan ko siya sa likod niya para ipaalam sa kanya na gising na ako dahilan para kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin.
"Masama nanaman ba ang napanaginipan mo?"
Tumango ako, kasunod nito ang pagngiti ko at umupo ako sa pagkakahiga ko "Masama man o hindi, masaya ako na ikaw ang laging gumigising sa akin mula sa isang bangungot"
Ngumiti siya at siya namang pagkatok ng kung sino man sa kabilang pinto. "Miss Eleanor" mahinang pagtawag niya, sapat para marinig namin.
"Pumasok po kayo" utos ni Eleanor na tumingin sa pintuan na nagbukas. Mula duon ay pumasok si Aling Pacita.
"Eleanor's specialty?" biro kong sabi dahilan para mangiti siya pagkaabot sa kanya nito ng tasa.
Inabot niya sa'kin ang isang mainit na tasa "Inumin mo na 'yan para makatulog ka ulit ng mahimbing"
Ang inumin na nagpapakalma sa'kin...
Kinuha ko 'to at dahan-dahan ko namang ininom. Sa paglapag ko ng tasa, nilingon ko si Eleanor "Bakit ngayon ka lang?"
Nagbago ang mga tingin niya sa'kin, ang kaninang mga mata niyang puno ng saya, ngayon wala akong maramdaman mula dito kung hindi ang lungkot.
"Sorry dahil napaka busy ko at madalang nalang tayo magkita. Pinapangako ko, na hindi rin magtatagal.... babalik din tayo sa dati"
Inabot ko sa kanya ang tasa na wala ng laman na inabot niya rin kay Aling Pacita.
"Kailan ba yung 'hindi rin magtatagal?'" sa pagtingin ko sa mga mata niya, siyang pag-iwas niya.
"H-hindi rin ako sigurado" salitang hindi ko inaasahan mula sa kanya hanggang sa ibalik niya sa'kin ang tingin niya "Pero pinapangako kong tutuparin ko 'to"
Tumango ako kahit na puno parin ng katanungan ang isip ko.
"Mabuti pa na ipagpatuloy mo na ang pagtulog mo--" putol ko sa kanya.
"Maaga ka parin bang aalis bukas?"
Tumango siya "Kailangan, Arisa. Hindi ako maaaring tanghaliin sa paglalakbay"
Dahil duon, kusa na akong humiga "Maabutan man kita sa pag-alis mo o hindi, mag-iingat ka, Eleanor"
Tumango siya "Para sa'yo mag-iingat ako, Arisa"
Ngumiti ako "Salamat"
Sa pagpikit kong muli, mabilis akong dinala nito sa panaginip.
At katulad ng inaasahan ko, wala na siya sa tabi ko pagkagising ko.
"Nagsimula 'to nang may dumating na armadong mga lalaki sa mansion" mahina kong sabi habang tanaw ko mula sa bintana ang napakataas na gate.
"Aling Pacita, bakit kailangan pang umalis ni Eleanor sa tabi ko? Bakit tuwing sabado lang siya maaaring bumalik dito sa mansion at kailangan niya pang umalis ng napakaaga kinabukasan?"
BINABASA MO ANG
The Incomplete Remaining
FantasySa mundong kinalakihan ko, hindi ko inaakalang may mundong magpapabago ng buhay ko. Kung sa ibang tao, yaman ang ipinamana nila sa mga anak nila, sa'kin laban ang huling iniwang habilin. Pero sino nga ba ako? Dahil ang pag-aakala kong normal na tao...