FLASHBACK
"Eleanor, please hindi ito yung gusto ko para satin. Gusto ko na lagi tayong magkasama--" putol niya sakin.
"Sobrang dilim ng mundong ginagalawan ko, at ikaw nalang ang natitirang liwanag ko. Kaya please, natatakot ako na baka malayo ka sa'kin"
Ngumiti ako at niyakap ko siya "Hindi ako aalis sa tabi mo"
Naramdaman ko ang pagkabigla niya pero bigla kong naramdaman ang biglang pagyakap niya
END OF FLASHBACK
Kung sinabi mo lang sa'kin ang totoo nung mga oras na 'yon, ako pa mismo ang magsasuggest na magpakalayo-layo tayo.
At nandito kami ngayon sa Levaris, tinatahak ang daan papunta sa Mansion. Dahil sa malayo layo ang paglalakbay namin, inabot narin kami ng liwanag sa paglalakbay.
"May problema ba, Arisa?" tanong ni Alceaus at huminto siya sa pagtakbo.
Umiling ako "May naalala lang ako"
Ngumiti siya kahit bakas dito ang pag-aalala niya, "Nandito na tayo"
"Buti kabisado mo pa?" tanong ko at lumaki ang ngiti niya, "Ikaw ba namang ilang taon na magbantay sa napakaulit na prinsesa"
"A-anong ibig mong sabihin?..."
"Secret~ tara na?" hindi ako nakapagreact sa sinabi niya at nagulat nalang ako nang batakin niya ako.
Sa isang iglap, nasa harapan na namin ang Mansion. Ang Mansion na hindi makikita mula sa labas. Hindi ko mapigilan ang pag-init ng mga mata ko habang naglalakad kami papunta sa napakalaking pintuan. Ang mga halaman, nandito parin at buhay na buhay parin.
Huminto kami sa harap ng pintuan, handa na sana ako sa pagkatok nang buksan ito ni Aling Pacita. "M-Ms. Arisa!" at niyakap ko siya.
"Hindi ko inaakalang makikita ulit kita. Oh sino naman itong binata na kasama mo?" naluluha niya ring sabi matapos kaming bumitaw sa yakap.
"Si Alceaus po, kaibigan ko"
"Magandang araw po" pagbati ni Alceaus.
"Magandang araw, hijo. Salamat at may ipinakilala rin sa amin si Arisa"
"Si Mang Steban po, nasaan?" pag-iwas ko sa topic.
"Nangaso, mamaya pang gabi ang balik non" pinunasan ni Aling Pacita ang mga luha niya at pumasok na kami "Si Ms. Eleanor, kamusta?" tanong na nagpabigla sa'kin.
Umiwas ako ng tingin at dumating ako sa punto na parang hindi ko mabuksan ang bibig ko.
"Batay sa mukha mo ngayon, dumating na ang tamang panahon" mababang tonong dugtong niya dahilan para malingon ako sa kanya.
"A-ano pong ibig niyong sabihin?"
Umupo kami sa sofa, "Ang huling habilin sa'kin ni Eleanor bago kayo umalis ng Levaris, nabanggit niya sa'kin na sa susunod na pagpunta mo dito, wala na siya sa mundong 'to"
"P-paano niya pong nalaman na mamamatay siya?" tanong ko.
Ngumiti ng puno ng lungkot si Aling Pacita, "Hindi sa alam niya, Ms. Arisa. Dahil tinanggap niya ang mga posibilidad na mangyari"
Inabot sa'kin ni Aling Pacita ang isang susi "Iyan ang susi ng kwarto ni Ms. Eleanor. Bago kayo umalis dito sa Levaris, pinakiusapan niya akong ibigay ko 'to sa oras na bumalik ka. Hindi niya ito ibinigay sa'kin para linisin ang kwarto niya, kaya naman anak, naniniwala akong naghihintay na ang kapatid mo. Hijo, maaari bang samahan mo siya?" tumango naman si Alceaus.
BINABASA MO ANG
The Incomplete Remaining
FantasySa mundong kinalakihan ko, hindi ko inaakalang may mundong magpapabago ng buhay ko. Kung sa ibang tao, yaman ang ipinamana nila sa mga anak nila, sa'kin laban ang huling iniwang habilin. Pero sino nga ba ako? Dahil ang pag-aakala kong normal na tao...