CHAPTER 29: RECOLLECTION

117 7 0
                                    

"Ano, kalmado ka na ba?" tanong niya sa'kin. Pero dahil nakasandal ako sa dibdib niya, hindi ko makita kung anong expression ng mukha mayroon siya ngayon.

Tumango ako at dahan-dahan akong kumalas sa pagkakasandal ko sa kanya. Sinigurado ko rin na wala ng luha ang papatak sa mga mata ko bago ko siya tignan direct sa mga mata niya.

Nagsmile ako. Tinupi ko ang mga sulat, "Napaghandaan niya lahat, haha. Masyado niya akong binibigla"

"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Adler.

"Ano ba ang plano nila Ms. Eden? Nasan ba ang mga ala-ala ko?"

"Wala akong alam. Si Ms. Eden lang ang nakakaalam ng lahat"

Napabuntong hininga ako, "Babalik din ako sa Salalicia pero hindi pa ngayon"

Nilingon ko ang paligid, "Para kasing iniwan din ni Eleanor sa'kin ang susi para linisin ang kwarto niya" at nagsmile ako kay Alceaus.

Tumayo siya kaya kaagad kong hinatak ang damit niya "Aano ka?"

"Maglilinis ka ng kwarto ni Eleanor diba? Ikukuha kita ng basahan at walis" with smile niya pang sabi.

Binitawan ko ang damit niya, "Siguraduhin mo lang na dalawang walis at dalawang basahan ang kukunin mo"

"Masusunod po" at may napakalaking ngiti siya bago siya lumabas ng kwarto.

Sa pagsarado niya ng pinto, tumayo na ako. Napabuntong hininga nalang ako habang tinitignan ko ang paligid.

Lumapit ako sa mga picture frames na halos mabalot na ng mga alikabok at sapot. Ito ang mga frame na laging nakataob sa bawat papasok ako sa kwarto niya. Isa sa mga pictures na 'to, kasama ko si Eleanor, si Elvira at ang isang lalaki na base sa kaunting ala-ala ko ay ang kapatid ko na si Frey.

Naaalala ko si Frey dahil sa mga ala-ala ni Elvira tungkol sa kanya. At ngayon, basehan ko parin ang mga ala-ala ni Elvira na dumaloy sa'kin nung gamutin niya ako sa Zaviri.

At ito ang araw na 'yon, araw bago maganap ang giyera.

Marami paring bagay ang napakamisteryoso para sa'kin, sino ang mortal na pumatay sa mga Vanir? Sino ang nagtaksil sa mga magulang ko, nasaan ang mga ala-ala ko at ano ang connection ni Ms. Eden sa mga Vanir. Paano nagsimula ang Salalicia. Nasaan ang mga Core ng mga Vanir na nasa Hellheim.. At paanong nagawang mabuhay ulit ni Eleanor?

Pasulyap lang ang mga nakikita ko sa panaginip ko. Kung pagsasama-samahin ko 'yon, paniguradong masisiraan ako ng ulo.

"Arisa" pagtawag ni Alceaus at may bitbit nga siyang dalawang walis at dalawang basahan.

Hinagis niya naman ito kaagad sa'kin na nasapo ko naman.

"Simulan na natin? Nagluto si Aling Pacita ng meryenda kaya bilisin natin"

Ngumiti ako, "Haha, opo boss" at syempre ang una kong pinunasan ay ang picture frame na hawak ko kasunod nito ang cabinet.

Hindi naman din ganun kalakihan ang kwarto ni Eleanor, pero ang kwarto niya na 'to, puno ng mga ala-ala naming dalawa.

"Aling Pacita, kailan po kayo nagstart na magtrabo dito?" tanong ko pagkababa namin para sa meryendang hinanda para sa'min.

"Sampong taon na po ang nakakalipas, Ms. Arisa"

8 years old ako, same year nung nabuo ang Salalicia.

"Nagkita kami ni Eleanor sa kalagitnaan ng giyera, dito sa Levaris. Tumatakas kami ni Lolo Steban mo ng mga oras na 'yon, at hindi kalayuan narinig namin ang nanghihinang hakbang ni Ms. Eleanor. Akay-akay ang dugoang katawan mo kahit na sugatan din si Ms. Eleanor. Wala kang malay nung mga panahon na 'yon, at nilikha ni Ms. Eleanor ang Mansion na 'to"

The Incomplete RemainingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon