EURYALE'S POV
Sa paglitaw niya sa likuran ko, siyang pag-inom ko ng wine.
"Isa kang failure" salitang lumabas sa bibig ko at sa pagbaba ko ng glass siyang pagkawasak nito sa kamay ko.
"Ilang oras mula ngayon, aataki si Arisa" sagot niya sa'kin.
"Anong gusto mong gawin ko ngayon? Ano hihintayin mo pa bang umataki dito ang natitirang Vanir?!" at naglaho ulit si Adler.
Sa oras na umataki dito si Arisa, pagtatawanan lang ako ni Medusa.
ADLER'S POV
Sa muling pagtapak ko sa edge ng Hellheim, napahawak ako sa dibdib ko na may napakalalim na sugat.
Hihintayin kita, Arisa.
ALCEAUS POV
Napansin ko ang paglalakad ni Arisa sa hallway na parang alang kaguluhan ang nangyayari.
Lumapit naman kaagad sa kanya si Scarlet ng may ngiti, "Anong balak mo, Arisa? Magtetraining ka ba?"
"Hmm, for the last time gusto kong ikutin ang buong Salalicia" makikita sa mukha ni Arisa kung gaano siya karelax sa kabila ng lahat.
May lumitaw na ngiti sa labi ni Ms. Eden at nagsimula na siyang maglakad pabalik ng office na sinundan naman nila Venice. Nagsimula narin naming sundan si Arisa at Scarlet bago pa sila mawala sa paningin namin.
"A-Arisa, sigurado ka bang hindi mo paghahandaan ang laban?" tanong ni Savannah.
May ngiting tumango si Arisa, "Wala ng dapat paghandaan dahil nakasulat na ang lahat sa hinaharap"
"Nabanggit mo na hindi mo na nakikita ang nakaraan, anong ibig mong sabihin?" tanong ko naman.
Nilingon ako ni Arisa, "Ang dalawang mata ko, pagmamay-ari ni Eleanor"
Nabigla kami sa sagot niya kaya naman sinundan kaagad ito ng tanong ni Elvira, "H-hindi ko alam kung paano nangyari 'yon pero b-bakit?"
"Para mailigtas ako" matapos ang napakalalim niyang pagbuntong hininga, siyang pagngiti niya "Dahil hindi ko na nakikita ang hinaharap ko, napagdesisyunan niyang sisiguraduhin niyang maganda ang hinaharap ko. At hindi lang 'yon, dahil kahit wala na siya sa tabi ko... patuloy niya parin akong pinoprotektahan"
Dahil sa ngiting dala niya, nahawa kami.
"Pero sigurado ka ba talaga dito? Tumatakbo ang oras, Arisa" sabi ko naman at mas lalo pang lumaki ang ngiti niya, "Hawak ko ang oras, pwede siyang tumakbo pero... hinding-hindi siya makakapagtago"
Dahil sa biro niya mas lalong nagliwanag ang paligid niya na para bang napakapayapa ng mundong kinagagalawan niya.
"S-So Arisa, anong balak mo kay Adler?" tanong ni Elvira.
"Hmmm, nakadepende sa sagot niya" at tumingin siya sa malayo "Hindi ko na kontrolado ang hinaharap kaya naman, hindi ko alam kung anong maaaring mangyari"
Binatak ni Scarlet ang blouse ni Arisa para makuha nito ang attention niya, "Kung hindi mo na nakikita ang nakaraan, bakit kampante ka na matatalo mo ang mga Gorgons? B-bakit napakakampante mo na hindi ka mamamatay sa laban na 'to? Sa laban na ikaw lang mag-isa ang haharap?"
Umupo si Arisa para pantayan si Scarlet na nagluluha na ang mga mata dahil sa pag-aalala, "Iyan ang tinatawag na life mission. Hindi lang tayo nangangarap, kung hindi tutuparin natin ang pangarap na 'yon. Taking a step and fulfill that dream. Tandaan mo, hindi matutupad ang pangarap mo kung hindi ka magtetake ng action"
BINABASA MO ANG
The Incomplete Remaining
FantasySa mundong kinalakihan ko, hindi ko inaakalang may mundong magpapabago ng buhay ko. Kung sa ibang tao, yaman ang ipinamana nila sa mga anak nila, sa'kin laban ang huling iniwang habilin. Pero sino nga ba ako? Dahil ang pag-aakala kong normal na tao...