"Scarlet" sa pagtawag ni Savannah bumukas ang pinto sa itaas.
"Savannah!" may isang batang kumaripas ng takbo pababa ng hagdan at kaagad yumakap kay Savannah.
Nilingon niya ako mula sa likod ni Savannah at kumalas sila sa pagkakayakap. "Siya si Arisa, ang maghahatid sa'yo sa Zaviri"
"H-hindi ba pwedeng ikaw nalang ang maghatid sa'kin, at imbis na maghatid-- Bakit hindi tayong dalawa ang pumunta ng Zaviri, bakit ako lang?"
"Dahil kailangan kong bantayan ang Mansion, Scarlet"
"Ibig sabihin ikaw lang ang mag-isang kakalaban sa mga bad guy? Savannah, ayaw kong may mangyaring masama sa'yo"
"Walang mangyayaring masama sa'kin. Sige na sumama ka na kay Arisa"
"Hindi! Hindi ako sasama kung hindi ka sasama!" pansin ko ang mga kamay nitong mas humigpit pa ang kapit sa damit ni Savannah.
"Scarlet, h'wag mong hintayin na magalit ako" at may pwersa niyang inilayo sa kanya si Scarlet.
"Hindi ako aalis ng Mansion ng hindi ka kasama!" at bigla siyang tumakbo paakyat at kaagad nagsara ng pinto.
"Scarlet!"
Susundan na sana niya nang hawakan ko siya sa braso. "Kausapin mo siya ng maayos"
Ngumiti si Savannah, pero ang ngiti na 'to ay puno ng lungkot. "Wala ng oras, Arisa. Kung kinakailangan sapilitan, gagawin ko, maprotektahan ko lang siya"
Binitawan ko ang braso niya, "Salamat"
Kaagad siyang tumakbo paakyat at tanging nagawa ko lang ay ang tignan ang likod niya.
Masyado kong naaalala ang sitwasyon namin ni Eleanor sa dalawang 'to..
At makalipas ang ilang minuto, hindi nga siya nagbibiro sa sinabi niyang kahit sapilitan ay gagawin niya.... dahil sumakay kami sa karwahe ng walang malay si Scarlet.
"Wala na akong dapat sabihin, nagtitiwala ako sa'yo, Arisa. Ikaw na ang bahala sa kapatid ko" hindi niya mapigilan ang pagluluha ng mga mata niya.
"Protektahan mo ang sarili mo para kay Scarlet"
Tumango siya.
"Mauuna na kami"
"Mag-iingat kayo"
Sumakay na ako sa karwahe. Actually, ang karwahe na 'to ay ang karwahe mismo ng mga Everson. Pero hindi ito karwahe na nakakakuha ng attention dahil sa napakasimpleng design nito.
At since hindi pa ako sanay sumakay ng kabayo, nasa harap ako ngayon ng munting prinsesa na sobrang sarap ng tulog.
Sa kalahating araw naming paglalakbay, ay bigla nalang nagising si Scarlet.
"Nasaan tayo?!" at nilingon niya ang likuran na puro puno nalang ang makikita.
"Sa labas ng Capital, Ms. Scarlet" may lambing kong sagot.
"Si Savannah?! Si Savannah nasaan siya?!"
"Nasa Capital, Ms. Scarlet"
"Bumalik tayo sa Capital!"
"Hindi maaari, Ms. Scarlet"
"Sinabi kong bumalik tayo sa Capital! Itigil ang carriage! Sinabi nang itigil ang carriage! " at huminto ang karwahe.
Kaagad naman siyang bumaba. Napabuntong hininga nalang ako, mali ba ako? Maling tinulad ko ang sarili ko sa batang 'to? Hindi ako ganito kaulit.
BINABASA MO ANG
The Incomplete Remaining
FantasiSa mundong kinalakihan ko, hindi ko inaakalang may mundong magpapabago ng buhay ko. Kung sa ibang tao, yaman ang ipinamana nila sa mga anak nila, sa'kin laban ang huling iniwang habilin. Pero sino nga ba ako? Dahil ang pag-aakala kong normal na tao...