CHAPTER 39: INTERFERING OF MEDUSA

128 4 0
                                    

ALCEAUS POV

Sa pagdilat ng mata ni Adler kaagad siyang napaupo nang makita niya kung nasaan siya. "S-Si Arisa?!"

"Nasa Hellheim parin nakikipaglaban" sagot ni Venice. Sa paglapit niya kay Adler, pwersahan niya 'tong tinulak pahiga ng kama. "Magpahinga ka. Ipinagbilin ka sa'min ni Arisa. Sa oras na mawala ka sa paningin namin, malalagot kami kay Arisa"

Umiwas ng tingin si Adler, "S-sorry sa lahat..."

"Anong nangyari sa itaas?"  seryosong tanong ko.

"Nalaman ko ang lahat ng mga bagay na dapat kong nalaman.... ipinakita lahat sa'kin ni Arisa"

"S-Si Arisa, a-anong lagay niya?" nag-aalalang tanong ni Scarlet.

Umiling si Adler, "Hindi ko alam. Pero walang dudang si Euryale ang kalaban niya ngayon"

Dahan-dahang umupo si Adler, "Sa Mahikang taglay ngayon ni Arisa paniguradong mao-overpowered niya si Euryale. Pero sa oras na matalo niya si Euryale - -" putol sa kanya ni Ms. Eden.

"Si Medusa ang makakaharap niya"

"Bakit hindi nagtutulungan si Medusa at Euryale na talunin si Arisa?" mahinang tanong ni Venice.

"Dahil kahit magkapatid sila, magkakompetensya sila" sagot ni Adler.

"Ang ibig mo bang sabihin, kahit si Medusa at Euryale ay magka-away din?" tanong ko naman.

Tumango si Adler, "Hinayaan ako ni Euryale na kuhanin si Arisa sa dalawang dahilan. Ang una ay para maibalik kay Arisa ang nawala sa kanya at ang pangalawa ay para mapigilan na mapasakamay ni Medusa ang Core ni Arisa"

"Ibang-iba ang agwat ng lakas ni Euryale at Medusa. Kaya mas mabuting hindi sabay na makalaban ni Arisa ang dalawang magkapatid" Simpleng sabi ni Adler na nagpatahimik ng kwarto.

Tama nga lang ba ang desisyon naming hayaan siyang makipaglaban ng mag-isa?

ARISA'S POV

Sa pagngiti niya siyang kasunod na paglaho niya. Lumitaw siya sa harapan ko at kaagad dinakma ang ulo ko patulak hanggang sa iumbog niya 'to pababa sa lupa. Sa lakas ng impact ay nawasak ang lupang hinihigaan ko ngayon.

Sa sobrang lakas ay may tumulong dugo sa bibig ko. Binitawan niya ang mukha ko kasabay ng paglitaw ng espada niya sa kamay niya. Hindi siya nagsayang ng oras at kaagad itong hinanda para isaksak sa'kin "Time Control, Afore, Fifth Goddess of Fire, Hestia" sabi ko bago pa ito dumampi sa dibdib ko kaya naglaho ito kasunod nito ang paglitaw ng Spear ko sa likod niya na mabilis na sumaksak sa kaliwang braso niya na ikinabigla niya.

Dahil sa pagkabigla niya, walang hirap ko siyang nasipa sa tiyan niya para mailayo siya sa'kin. Pagkatilampon niya siyang pagtayo ko naman habol-habol ang hininga ko.

Nang tignan ko siya, naging bato ang spear ko na unti-unting nadudurog. "Iba talaga kayong mga Gorgons, ilan ba ang buhay niyo?" sarcastic kong tanong at ngumiti siya.

"Hahaha!" at tumalim ang mga tingin niya. May mga lumitaw na mga kaliskis sa balat niya, maging ang pagbabago ng buhok niya.

Ito ang totoong anyo ng isang Gorgon.

Sa isang iglap nawala siya sa paningin ko. Hindi ko rin masense ang presensya niya. Pero, hindi ko man masense ang presence mo, napaka-imposibleng hindi ko masense ang killing intent mo.

Pinikit ko ang mga mata ko, ilang inch nalang mula sa balat ko ang palad niya ng napahinto siya, "Absolute Time Control, Cease" sinubukan ko rin siyang sikmuraan pero nabigla ako nang makagalaw siya para iblock ito. Pagkablock niya tumalon kami paatras palayo sa isat-isa.

So limited talaga pagpapahinto ko ng oras sa kanya. At ang isa pa, mabilis ang reaction niya to the point na nakacounter niya ang mga atake ko in last minute.

Sa muling pagdilat ng mata ko, nabigla ako nang lumitaw siya sa harapan ko. Naramdaman ko ang bigat ng kamao niya sa sikmura ko. Sa lakas ng pwersa nito ay tumilampon ako, "Masyado kang distracted, Vanir" at lumitaw siya sa itaas ko. Sumalubong sa'kin ang binti niya na nagtulak lalo sa'kin pabagsak.

Dahil sa impact halos matabunan na ako ng sira-sirang lupa.

Tumayo ako at nangiti kasunod ng pagpunas ko ng dugo sa bibig ko. "Aay~ baka mapagkamalan nga akong bulalakaw dahil sa itsura ko ngayon"

Tinignan ko siya ng diretso na ipinagtaka niya, "Pero salamat, pinaalala mong Vanir ako"

"Huh?" tanging lumabas sa bibig niya.

"Euryale" at nakuha ko ng buo ang attention niya, "Sisiguraduhin ko na ang ikakatapos ng buhay mo ay ang Spear na tumapos din ng buhay ng kapatid mo"

Lumaki ang ngiti niya, "Ang ibig mo bang sabihin, katulad ng ginawa ko sa pamilya mo, ganun din ang gagawin mo?"

"Hm, Ganun na nga"

"Heh, tignan nalang natin"


MEDUSA'S POV

Hinalo-halo ko ang laman ng glass ko at hindi ko mapigilan ang ngiti sa mga labi ko.

"Haha! Hindi mo alam kung kailan dapat huminto, Euryale. Dapat alam mo ang sariling limit mo, dahil kung hindi.... baka ito ang tumapos ng buhay na iniingatan mo"

Mukhang papalapit na ang oras para kuhanin ko na ang bagay na dapat ay nasa kamay ko na.

ARISA'S POV

Nagsimula na akong tumakbo pasugod sa kanya at naghanda naman siya "Absolute Time Control, Cease"  sa paghinto ng oras, "Third God of Fire,
Hephaestus"  at katulad ng inaasahan ko, nakagagalaw na ngayon si Euryale. May napakalaki siyang ngiti habang handa ng salubungin ang Spear ko na sa tingin ko ay kayang-kaya niyang iblock sa pangalawang pagkakataon.

Dahil duon, ngumiti ako "Absolute Space Manipulation, Creation" nagalaho ang spear ko na nasa harapan niya at mabilis itong lumitaw sa likuran ni Euryale, sa paglingon niya siyang pagtama nito sa dibdib niya.

Sa lakas nito, tumagos ito hanggang sa tumusok sa lupang tinatapakan niya. Naglakad ako papalapit sa kanya.  "Ito na ang huli, Euryale" itinaas ko ang kamay ko, handa ko na sanang itikom ito para maglabas ng Mahika ang Spear ko nang may napakainit na bagay ang tumusok sa dibdib ko.

"Simpleng pagpatay sa Vanir, hindi mo magawa?" M-Medusa?....

M-masama 'to... nagbeblurred na ang paningin ko. Nawawalan na ng lakas ang mga binti ko.

"Akin na ang huling Mahika ng Vanir" huling salitang narinig ko sa kanya matapos niyang tanggalin ang kamay niya sa dibdib ko habang hawak ang Core ko at nagdilim na ang paningin ko. Miski ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa ay hindi ko na naramdaman.

ALCEAUS POV

"Maghihintay nalang ba talaga tayo dito?" tanong ni Scarlet.

"Gusto kong i-assist si Arisa kaso kahit ang Mahika ko ay wala ring matutulong" sabi ni Elvira.

Pinat ko ang ulo niya gamit ang hintuturo ko at ngumiti ako para pagaanin ang loob niya.

Pero nawala ang mga ngiting iyon dahil sa naramdaman namin. Nawala ang Mahika ni Arisa na dapat ay nararamdaman namin kahit hanggang dito sa Midgard.

Nilingon ko sila Adler, hindi lang ako ang nakaramdam.... kung hindi ang lahat ng taong nasa kwarto na 'to, hindi maipinta ang takot na nararamdaman.

Nagpagising sa'min ang pagtakbo sa'kin ni Scarlet "K-Kailangan natin siyang iligtas! Iligtas natin si Arisa, Alceaus! Sa-Savannah!!" natataranta niyang pakiusap habang ang mga luha niya ay patuloy na tumutulo.

Nilingon ko si Ms. Eden at ang seryosong mukha ang isinalubong niya sa'kin habang ako naghihintay ng permission mula sa kanya.

To be Continue...

The Incomplete RemainingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon