CHAPTER 09: MEDUSA

232 12 0
                                    

"Sinabi ng okay na ako. Kaya ko na" sabi ko kay Alcaeus na naglapag ng buong tray sa table ko.

"Hindi pwede" at umupo siya sa tabi ko.

"Its been 3 days at namumutla ka parin. Saang parte diyan ang okay ka?" tanong naman ni Adler na umupo sa vacant chair sa harapan ko.

"Katawan mo?" at sumubo ako ng kanin at ulam.

"Ako lang ba ang nakakaramdam ng napakabigat na pressure na 'to?" tanong ko pa.

Nilingon nila parehas ang paligid. Paligid na kung saan makikita mo na ang mga Pledger ay nakatingin sa'min.

"Well, hindi na nakakapagtaka dahil sino ba ang makakapag-akala na ang isang baguhan ang makakapagtaboy sa mga Gorgons" biro ni Adler.

"But I'm amazed y'know. Kailan ka pa natutong humawak ng mga armas? First thing is the Bow then a Spear" dugtong niya.

Napatingin ako sa palad ko "Hindi ko alam"

"Hindi kaya, naaabsorb mo ang same experience sa future self mo? Since nakikita mo ang future" sagot ni Alceaus.

"Hahaha! Ang mga Gorgons na nga ang nagsabi na hindi isang Vanir si Arisa. Bakit niyo ba pinagpipilitan kay Arisa ang napakahalagang role?" 'tong aura na 'to, kahit hindi ko siya nakikita... hindi ako nagkakamali na siya si Venice.

"Just because natalo mo ang Gorgons it doesn't mean na lalaki na ang ulo mo. Pinalad ka lang dahil hindi ka na paralysed ni Stheno" dugtong niya.

"Sino ba kasing nagsabi na isa akong Vanir?" and this time hinarap ko siya.

"Ah I see, kung isa kang Vanir meaning to say isang Vanir din si Eleanor?"

Isang Vanir, si Eleanor?

"Sa pagkakatanda ko, binalaan na kitang h'wag pakialamanan ang buhay namin? Ganyan ka nalang ba ka-attached sa'kin?" at napansin ko ang inis sa mukha niya.

"Kung ako lang ayaw ko ng connection sa'yo. Sana ngayon palang, alam mo na kung gaano ko hindi kagusto ang presensya mo dito sa Salalicia" inilapag niya sa table ko ang tatlong libro "'Yan, ipinadadala ni Ms. Eden. Magbasa-basa ka para makahabol ka sa klase" at umalis na siya.

"Ano bang problema niya?" mahinang tanong ko habang tinitignan ko isa-isa ang mga librong nilapag niya sa harap ko "God in Cell?" tanong ko matapos ko 'tong mabasa sa cover ng libro.

"Ang Spirit na naninirahan sa Core, katulad ni Agni, ang Fire Spirit" sagot ni Alcaeus.

"Pero bakit in Cell?"

"Remember kapag tinatawag natin sila, may different gates tayong binubukas. Ang last gate, ninth gate, ang Deity Gate, that's the time na makikita mo ang Physical Self ng Spirit mo" sagot pa ni Alceaus.

"But in this world, wala pang nakakapagbukas ng last gate" dugtong ni Adler.

"Bakit?"

"Hindi ko alam. Wala pang nakaka-eperienced so wala pang information kung paano bubuksan ang last gate"

"Agni, may alam ka ba tungkol dito?" tanong ko sa isip ko.

"Dahil hindi pag-aari ng mga Mortal ang Core, limited lang ang Mahika na makukuha nila mula dito" sagot niya.

"So ang ibig sabihin, hindi mabubuksan ng isang Mortal ang last gate?"

"Ganun na nga, Ms. Arisa"

Kinuha ko ang mga libro na nasa table ko at tumayo ako "Aano ka?" tanong ni Alceaus.

The Incomplete RemainingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon