ALCEAUS POV
"Oh napapadalas ata ang pag-upo-upo mo sa table namin?" tanong ni Adler sa kakaupo na si Venice sa tabi niya. Binaba ni Venice ang tray sa table.
"Baka nakakalimutan mo kung anong ginawa mo sa'kin, 1 year ago?" tinusok ni Venice ang tinidor sa meat na nasa plato niya.
"Baka nakakalimutan mo rin na isang taon na akong humihingi ng sorry?"
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Scarlet "Asan na ang mga seniors ko na dapat tularan? Hays, usap-usapan pa naman ng mga first year ngayon kung gaano katapang ang group of seniors na kasama ko ngayon na kumalaban DAW sa mga Gorgons 1 year ago pero tsk tsk tsk, what a disappointment"
"Oy freshman, kami ba ang tinutukoy mo?" tanong naman ni Venice at Adler.
Umupo naman si Savannah sa tabi ko, "Oy, h'wag niyong patulan kapatid ko"
Hindi ko alam, kahit na may ngiting lumilitaw sa labi ko parang may kulang parin.
Ang Salalicia, naging ordinaryong eskwelahan. Hindi na kami tinatawag na mga Pledger kung hindi normal students na. Ang mga captains, retired na lahat. At ngayon, last year na namin sa Salalicia habang si Scarlet, nagsisimula palang ng taon niya.
Isang taon na rin ang lumipas simula nung matapos ang huling giyera. Simula nung araw na 'yon, sobrang payapa na sa paligid. At simula nung araw na 'yon, hindi na namin nakita si Arisa.
Nagulat ako nang tumayo silang lahat. Duon ko narinig ang tunog ng kampana.
"Lunch break is over~" parang disappointed na sabi ni Scarlet.
"Pano magkita-kita nalang tayo after class" sabi ko naman at tumango sila Savannah at Scarlet bago sila humiwalay sa'min.
Sa pagsisimula naming maglakad, naramdaman ko ang pagiging seryoso ng atmosphere sa paligid. "Wala pa bang balita tungkol kay Arisa?" tanong ni Venice.
Umiling ako, "Walang nababanggit sa'kin si Ms. Eden"
Narinig namin ang pagbuntong hininga ni Adler, "Wala kang kasalanan sa nangyari" sabi ni Vanice kaya napatigil kami ni Adler dahilan para mahinto din siya.
"W-wala naman akong sinabing kasalanan ko..." mahinang sabi ni Adler at duon ko na napansin ang pamumula ng mukha ng dalawa.
"H-hi-hindi ko rin naman sinabi na ikaw ang t-tinutukoy ko!" at kaagad siyang kumaripas ng lakad papasok sa room.
"O-oy! Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" tanong ni Adler.
Mas lumaki pa ang ngiti sa labi ko, "Ala naman. Ang sweet niyo lang tignan" at nilampasan ko na rin siya at pumasok na sa room.
EDEN'S POV
Napansin ko ang isang folder sa table ko.
"Elvira, ano 'tong folder na nilagay mo sa table ko?" lumipad siya papunta sa table.
"Hmm? Wala naman akong nilalagay na file sa table mo, Ms. Eden"
Kinuha ko 'to. Sa pagbukas ko may isang letter bago ang form na nasa likuran. "Registration letter....?"
Nabuo ang isang ngiti sa labi ko matapos kong makita ang pangalan na nakasulat.
Binuksan ko ang letter,
I'll assume that I've already registered!
"Hindi parin siya nagbabago" sabi ni Elvira na sinang-ayunan ko.
"Ah! Hindi ba natin 'to sasabihin kila Alceaus?" dugtong niya.
Nilingon ko siya at hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko. "Hindi na kailangan. Dahil paniguradong siya na mismo ang magpapakita sa kanila"
ALCEAUS POV
"Page 54" sabi ni Mr. Bluestein.
Binuksan ko ang libro ko "Mr. Villan, please read" utos naman niya.
Sa pagtayo ko siyang pagbukas ng pintuan. Lahat ng attention ay napunta duon. Sa paglingon ko, nawalan ng lakas ang mga kamay ko para hawakan ang libro.
"Absolute Time Control......" simpleng boses niya na siyang naging dahilan ng pagpatak ng luha ko "Cease"
At hindi lang ang libro ang tumigil sa pagbagsak kung hindi ang oras sa buong paligid. Lumapit siya sa'kin at naramdamam ko ang mga palad niya nang punasan niya ang luha ko.
"Nandito na ako, Alceaus" hindi ko napigilan ang hindi siya yakapin ng napakahigpit, sobrang higpit sa takot na mawala ulit siya sa mga kamay ko.
"Hindi na ako aalis sa tabi mo" at naramdaman ko ang pagyakap niya sa'kin.
Sa pagkalas namin sa isat-isa siyang paggalaw ulit ng oras. Ang kaninang mga tingin sa pintuan ay napunta sa taong nasa tabi ko.
"I-Ikaw si - - -" putol na sabi ni Mr. Bluestein.
"Freyja Ricafrente po, new registered student of Salalicia"
To be Continue...
BINABASA MO ANG
The Incomplete Remaining
FantastikSa mundong kinalakihan ko, hindi ko inaakalang may mundong magpapabago ng buhay ko. Kung sa ibang tao, yaman ang ipinamana nila sa mga anak nila, sa'kin laban ang huling iniwang habilin. Pero sino nga ba ako? Dahil ang pag-aakala kong normal na tao...