"So totoo ngang nag cutting classes ka?" tanong ni Eleanor matapos kaming magkasalubong sa hallway.
"Iba ang nagcutting classes sa late"
"Pero alam mo namang 'yung oras. Ano bang ginagawa mo?"
"Nagpakita sa'kin si Medusa" seryoso kong sabi at tinignan ko siya sa mga mata "S-sinaktan ka ba niya?" bakas ang pag-aalala sa kanya kaya umiling ako.
"Gusto niya lang ako makita dahil sa nangyari sa kapatid niya"
"M-may sinabi ba siya sa'yo?"
"Bakit, may dapat ba akong malaman?"
Umiling siya "Kung nagamit niya ang oras mo, paniguradong may napag-usapan kayo"
"Nakwento niya sa'kin ang tungkol sa huling giyera. Nabanggit niya sa'kin na hindi ang mga Gorgons ang tumapos ng buhay ng mga Vanir"
Nagbago ang expression ng mukha niya "Hindi ko alam dahil wala ako nung mga oras na may giyera"
"P-pero sampong taon ka na nung mga panahon na 'yon"
Tumango siya "Busy kasi akong protektahan ang napakakulit na kapatid ko" at ngumiti siya kasabay ng pag-pat niya sa ulo ko.
"Ano ba.. hindi na ako bata.." mahinang sabi ko.
"Alam kong hindi mo naalala dahil siguro sa trauma, dahil sa harapan mo mismo pinatay ang isa sa mga importanteng tao para sa'yo pero mas mabuti ng hindi mo na maalala ang lahat... dahil nung mga oras na 'yon, kahit ako hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha mo" at mas lalong lumaki ang ngiti niya at gamit ang palad niyang nasa ulo ko ay ginulo niya ang buhok ko "Ayaw ko ng maulit 'yon, dahil hindi ko na alam ang gagawin ko para mapatahan ka"
Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa ulo ko at umiwas ako ng tingin sa kanya "Sa mga oras na 'to, ikaw nalang ang pinaka-importanteng tao para sa'kin" at this time, tinignan ko siya sa mga mata niya "Kaya isipin mo rin ang kapakanan mo bago ang ibang tao, dahil sa oras na may mangyaring masama sa'yo.... walang makakapagpatahan sa'kin"
Hindi siya umimik dahil sa pagkabigla kaya naman nagpatuloy ako "Kanina pa ako inaantay nila Alceaus at Adler, mamaya mapagalitan ako lalo ni Ms. Adara. Mamaya nalang ulit!"
Nakita ko pa siyang may malulungkot na ngiti bako ko siya iwan.
"Akala ko kailangan ka nanaman naming hanapin" sabi ni alceaus na kasama si Adler na naghihintay sa labas ng office ni Ms. Adara.
"Sorry, nakasalubong ko kasi si Eleanor. Ano tara na?"
"Ikaw lang naman ang hinihintay" sagot pa ni Alceaus.
"Yes, yes"
Kumatok muna kami bago kami pumasok. Sa pagpasok namin duon na nagsimula ang sermon sa'min.
At ako bilang baguhan ay nakatanggap na ng first warning. Hindi ko na mabilang kung nakailang sorry na kami.
Sa paglabas namin ng office ni Ms. Adara, duon lang kami nakahinga ng maluwag.
"Time to sleep!" at nag-inat-inat ako.
"Hindi ka na maghahapunan?" tanong ni Alceaus.
Umiling ako "Pagkatapos ng klase wala na akong natanggap kung hindi ang puro sermon. Aaaah~ busog na busog na ako sa sermon. So bukas nalang ulit!"
"Ihahatid na kita sa dorm mo, Arisa"
"Gusto mo bang ma suspended? Alam mo namang bawal ang lalaki sa dormitory ng mga babae. Si Adler nalang ihatid mo"
BINABASA MO ANG
The Incomplete Remaining
FantasySa mundong kinalakihan ko, hindi ko inaakalang may mundong magpapabago ng buhay ko. Kung sa ibang tao, yaman ang ipinamana nila sa mga anak nila, sa'kin laban ang huling iniwang habilin. Pero sino nga ba ako? Dahil ang pag-aakala kong normal na tao...