THE TRUTH BEHIND THE R+TUAL

49 3 0
                                    


TAKI'S POV

saan ako? Ang huli ko lang naalala ay nahulog kami sa sahig dahil sa lindol. Pero san kami nahulog? Asa ang iba? Ako lang ba ang nahulog rito?

" Gising kana pala" bigla akong napatingin sa babaeng nagsalita .

" S-sino ka? Asan ako?!" Tanong ko sa kanya habang hinay-hinay na tumayo.

" Nasa library ka nang paaralan na ito. " Sabi niya habang hindi humaharap sa akin.

" Bakit ka narito?" Tanong ko ulit, nagtataka kasi ako. Kasama ba namin siyang nahulog mula rito?

" Dito ako namatay" sabi niya sabay harap sa akin at bigla akong napaatras dahil-- dahil siya yung vlogger noon na biglang nawala.

At sa kanya ko rin nakita ang friendship ritual.

" Anong ginagawa namin ritoo!!!" Tanong ko at bigla lang siyang ngumisi.

" May isa sa kaibigan mong hindi sumunod sa instructions mo" sabi niya.

Kaya pala, so connected ba ito sa pag perform namin sa ritual? At sino naman ang hindi sumunod.

" May kaibigan kang hindi sineryoso ang sinabi mo at hindi man lang binigkas nang siyam na beses ang dapat na bigkasin-- " sabi niya at ngumisi.

"Impossible hindi maaring may lumabag sa batas nayon isabelle!" Sigaw ko at unti-unti siyang lumapit sakin.

" Bakit nga ba nagperform kayo nag ganong Ritual taki? Wala ka nga talagang alam!" Sabi niya sa akin at pinunasan ang kanya g salamin.

Wang niyang sabihin na hindi tama ang ginawa niya sa video niya sa YouTube?! At bakit niya naman yun gagawin?!

" Alam mo bang bobo ang mga taong naniniwala sa mga nakikita nila sa YouTube?! At ang bilis niyong mauto, kaya siguro kayo narito ay dahil sa bobong kagagawan mo taki * evil laugh* napaka Bobo mo at naniwala ka sa video nayon!" Sabi niya at bigla nalang tumawa nang napakalakas at nagsimula nang lumabas ang pink at black na apoy sa kanyang paligid .

" Bakit ka mag u-upload nang ganong video isabelle kung hindi namn pala tama! Alam mo bang andaming napahamak dahil sayo?! Ha?! Alam mo ba yun?!" Sigaw ko sa kanya habang siya naman ay blangko lang ang expression.

" Kaya ko yun ginawa ay dahil gusto kong magkasama kami ni darwin! At sabi ko nga sayo taki BOBO lang ang gagaya non!" Sabi niya at biglang nalang umiyak.

Isa kasi siyang sikat na vlogger noon at may nobyo siyang si darwin ngunit isang araw bigla nalang ito nawala at sumunod na nawala ay si isabelle .

" Ano?! Hindi mo ba natatandaan isabelle pinatay mo si darwin!!" Sigaw ko sabay pakita nang litrato kung saan sinasaksak niya si darwin nang paulit-ulit at dahil doon naging baliw siya at nag perform nang ritual na iyon para makasama si darwin.

" A-ano ak-ako ang pumatay sa kanya?" Tanong niya habang unti-unting nawawala ang apoy sa kanyang paligid.

" Hindi mo ba maalala isabell---" hindi ko Natapos dahil bigla lang siyang nagsalita.

" Patawad darwiin! Sorry! Hindi ko sinasadya, nagsisisi akoo!" Sigaw niya habang umiiyak at unti-unting nawala at kinuha nang liwanag.

Nawala na si isabelle.

Pero asan ang mga kaibigan ko? Asa sila echo, missy? Asan sila? Kailangan ko silang mahanap.



-----------------

TØRTURED SØULS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon