THE ARRANGEMENT

820 9 1
                                    

*Flashback*

"Mare! Kamusta?" Tanong ni Cora sa kumareng si Farah, "Ang tagal na nating hindi nagkikita!"

Agad na bumeso si Farah nang makita ang kumare at kababatang si Cora, "Mabuti naman ako, ito, tumatanda."

"Nako, ako rin, mare! Nawawala na rin ang galing." Sagot ni Cora at sabay silang nagtawanan ni Farah.

Sakto namang dumating ang mga mister nilang si Luis at Elias.

"Anong pinagtatawanan ng mga misis namin?" Tanong ng mister ni Cora na si Elias habang yumayakap ito sa likod ng asawa.

"Mga galing namin sa…" Pagtigil ni Cora at sabay-sabay nagtawanan silang apat.

"O, siya. Bakit hindi natin pag-usapan ang pakay nating apat dito?" Biglang singit ni Luis habang tumatawag ng waiter.

"Tama, para hindi na rin nasasayang ang oras nating mga busy business owners." Inom naman ni Elias sa juice na nakahanda.

"Syempre, mga kumare at kumpare, tumatanda na tayo, pero hindi pwedeng mapunta sa ibang tao ang mga negosyo natin." Sabi naman ni Cora, "Mga hari at reyna tayo, hindi pwedeng mapunta sa kung sino-sino lang ang mga pinaghirapan natin."

"You have a point, kumare." Pagtango naman ni Luis sa sinasabi ni Cora.

"So, shall we arrange the marriage?" Tanong naman ni Elias.

Sabay-sabay silang nagtanguan.

"Question," Singit naman ni Farah, "Paano na lang kung pareho silang mga lalaki, o parehong mga babae?"

"Ituloy ang kasal!" Pagsigaw ni Elias at nag-agree silang lahat, nag-cheers at inayos na ang mga dapat ayusin.

BrightWin: The ArrangementWhere stories live. Discover now