Keiran
Ilang araw matapos ang aminan portion namin ni Xavier ay patuloy pa rin ang pagiging sweet namin sa isa't isa. Magaganda ang ngiti namin sa umaga at wala pa naman kaming pinag-aawayan.
Ganito pala ang feeling pag may interesado sayo, 'no?
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa tuwing naalala ko kung gaano niya ipamukha sakin na gusto niya ako.
"Hey," Bungad niya, "I like you."
Kilig ampo.
Naramdaman kong nag-init ang mukha ko kaya naman natawa si Xavier at pinisil ang pisngi ko.
"Ang cute mo." Ani niya.
"Gwapo mo." Sagot ko naman. Ngumisi lang siya at nagsimula na akong magluto.
"Buti pala wala ka pang masyadong work sa BlanChard?" He suddenly asked.
"Nakalimutan ko na ngang Archi Head ako e." Ani ko sa kanya. Totoo naman. Hindi ko na naalalang may mga responsibilidad na ako sa BlanChard, pero hindi rin naman ako pinepressure na kumilos na.
"Nga pala, ine-encourage ka tumakbo for Student Council President ha?" He broughts up the topic that I hate.
Sa totoo lang, tamad akong tao. Tamad akong student. Nadadaan lang minsan sa biglaang sipag ang pagpasa ko. Ayoko nang maraming responsibilidad na inihahain sa akin.
Kagaya niyan, SCP ang hinahain, ang laking responsibility nyan. Imagine the time and effort it'll take me pag nanalo ako dyan.
"Pinipilit lang din ako nila Mom and Dad na tumakbo." Sagot ko naman sa kanya at patuloy kong niluluto itong pritong manok na request ni Xavier na ibaon namin today.
Nang matapos ko na lahat nang gawain at nakapag-bihis na kami pareho, dumeretso na kami sa school.
We parted ways and dumeretso na ako kina Devon.
Maaga kaming pumasok ngayon, wala naman kaming importanteng gagawin pero nag-request yung tatlong bugok na makita ako nang maaga.
"Bakla, alam mo ba kakompetensya mo si Claire Delos Reyes ng College of Fine Arts." Bungad ni Ace habang patuloy siyang nagp-phone. Nandito kami sa gazebo ng school nakatambay.
"Kating kati na 'yon mag presidente ng Council, ingat ka." Sabi naman ni Kelsey.
"Bakit naman ako mag-iingat?" Pagtaas ko ng kilay sa kanila, "Batas ba siya?"
"Taon-taon kasi natatalo siya." Biglang singit ni Devon in a low toned voice. Kung hindi ko lang 'to tropa, nagkagusto na ako rito. "She's really eager to win this year. She might just ruin your reputation just to win."
"Kaya kung ano man ang meron sa inyo ng hubby mo, ingatan mo muna." Sabi ni Ace.
"Siraulo! Anong hubby? At anong meron?" Nanlaki ang mata ko at hinampas ko siya. Wala pa akong sinasabi sa kanila tungkol samin ni Xavier kaya deny deny muna.
"Wushu!" Pitik ni Ace sa tenga ko, "Kita namin kung paano kayo magtinginan, hoy!"
"Actually, kita ni Devon," Ani ni Kelsey habang nags-scroll na ulit. "Alam mo naman kami ni Ace, walang alam sa ganyan."
"Lumalambot ang mga mata mo kay Xavier, Keiran." Wika ni Devon nang nakatingin sa malayo. "Bagay na hindi namin nakikita pag kami ang kasama mo."
Weird talaga si Devon, sobrang observant pero sobrang hot niya sa ganoong state niya. Attractive siya, sobra. Pero hirap siyang makakilala ng taong maa-appreciate ang pagiging weird niya. Siguro kasi, everyone is looking for something normal and Devon isn't what they're looking for.
Tinignan ako ni Devon sa mata, "Mahal mo na?"
Pinanlakihan ko siya nang mata at umiling na para bang matatanggal ang ulo ko.
I like him, oo. I've accepted my sexuality as bi pero ang mahalin siya? Parang ang labo.
"Si Xavier? Mamahalin ko?" I laughed sarcastically, "You must be joking."
"So ano lang? Fling lang? Small crush?" Sunod-sunod na tanong ni Kelsey.
"I like him, sure 'yon." I assured them. "Pero hindi naman siguro aabot sa point na I'll love him."
"Paano mo malalaman? E hindi mo pa naman nasusubukang magmahal." Ace butted in.
"Baka nga mahal na niya, hindi niya lang alam." Dugtong pa ni Kelsey.
"Baka mahal na niya pero hindi niya tanggap." Nanahimik kaming lahat sa sinabi ni Devon.
"Walang mali sa pagmamahal, Keiran." Ngiti ni Devon sa akin.
Hindi ko naman talaga mahal si Xavier. Kung mahal ko siya, hindi ba dapat alam ko?
Ah, basta! I like him! Let's stop at that. Walang pwedeng mauna sa feelings ko kundi ako.
Maya maya ay nakatanggap na ako ng text kay Xavier na maaga raw natapos ang klase niya at hinahanap na niya ako.
Xavi:
Wru
Class is done
Can we eat lunch together?
Keiran
Sige, paalam lang ako sa friends ko.
Nagpaalam na ako kila Ace, Devon at Kelsey at mineet ko na si Xavier sa canteen. Wala masyadong tao dahil nga maaga silang pinalabas at ako naman, wala pa ring klase.
Nang magkita kami sa canteen, Xavi greeted me with a nice smile at ginulo ang buhok ko. Dala niya pala ang gitara niya ngayon.
"I never heard you play." Nguso ko sa gitara niya at sabay subo ng baon naming manok.
"I'm just an amateur, I can't." Ani niya sakin. He smiled shyly at pag ngumiti siyang ganun isa lang ibig sabihin nun, he's lying. He's a good guitar player.
"Play for me?" I asked, puppy dog eyes pa.
"Ugh, don't use those eyes on me Keiran Cole." Pagbabanta niya at tinignan akong masama. Lalo pa akong nagpa-cute sa kanya at napatungo na lang siya habang tumatawa.
Gwapo ampo.
"So, will you?" I asked again.
"We'll see." Sagot niya naman at sumubo na rin sa manok.
Maya't maya naman biglang nag-vibrate ang phone ko at nakita ko ang text ni Enrico.
Enrico Sanchez:
Dinner later?
I smiled a bit dahil naalala niya pa pala ako matapos nang encounter sa restaurant ni Skyler nung nakaraan.
Umoo ako sa pag-aya niya at sinabi ko na ito kay Xavier.
"Xavi, aalis pala ako mamayang gabi." Pagsasabi ko. Agad na nagdilim ang mukha niya. His jolly face and cute eyes turned dark as looked curious.
"Where to?" Subo niya sa manok muli at nawala ng kaunti ang madilim niyang aura.
"Apparently, Enrico asked me out for dinner mamaya." I simply said. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagpapalit niya ng mood. Mula sa cute at masaya sa manok na lalaki, napunta sa kadiliman ang aura niya.
Tinitigan niya ako, tinignan niya ako nang mata sa mata na para bang hinahanapan niya ako ng sagot. Sagot na humindi ako pero nabigo siya nang ma-realize niyang hindi 'yon nangyari.
Nagbuntong hininga siya at kinalas ang titig niya sakin, "Don't be long then."
Tumango ako at ngumiti. I like Xavier, I really do. But something about Enrico really gets me excited.
It could be the oozing sex appeal he has or those gorgeous eyes na hindi ko makita sa kapal ng buhok niya. Whatever it is, it excites me a lot and I'm so glad Xavier is okay with it.
YOU ARE READING
BrightWin: The Arrangement
FanficTheir arrangement takes an unexpected turn after learning that Keiran's father is homophobic and tries to do almost anything in his power to keep Xavier away from his son.