IX

88 7 0
                                    

Xavier

Of course it's not okay with me! Pumayag lang ako dahil kita ko ang kinang ng mga mata niya pagbanggit palang niya ng pangalan ni Enrico!

I'm raging inside, hindi ko lang pinahalata. Gusto ko masaya si Keiran at kahit hindi sakin 'yon, susuportahan ko na lang.

Nakatanggap ako ng text mula kay mommy

Mommy:

Inaayos na namin ng daddy mo ang papeles for your wedding with Keiran. I suggest you drop by sa house para pirmahan itong mga 'to bukas. Love lots!

"Ah, Keiran," I started. Busy siya sa phone niya, probably texting with Enrico.

"Hmm?" He asked, still staring at his phone texting.

"Bukas pala we have to drop by sa amin, so we can sign the papers for our wedding." Pagdidiin ko sa mga salita ko. Paalala ko lang na sa akin siya ikakasal and at some point, sakin na lang siya.

Tumango siya nang hindi man lang ako tinitignan. Alright, have it your way, Keiran.

When we got home, we really didn't talk much dahil busy siyang mag-prepare for his dinner with Enrico. Hinahayaan ko lang siya habang nagsusulat ako ng lyrics ng kanta ko para sa kanya.

All this for a boy who's going out on a date with your best friend.

Napailing ako sa thought at pinagpatuloy ang pagsusulat.

"How do I look?" Tanong ni Keiran nang humarap siya sa akin. He's wearing an all black tshirt with white pants and white shoes.

"You look too perfect for Enrico." I commented making him chuckle. Umiling siya at lumapit sa akin.

He lowered his posture and cupped my face, "It's just dinner, Xavi." He says, smiling at me.

Tinabig ko ang mga kamay niya at pinagpatuloy ang pagsusulat, "Just don't be long."

***

Keiran

With the way Xavier is acting, halatang hindi okay sa kanya itong dinner namin ni Enrico. I can't say no to Enrico, I tried dahil inisip ko rin naman ang feelings ko kay Xavier pero wala talaga e.

Hindi dapat ako magtagal dahil maaga kami aalis bukas for the signing of papers para sa kasal namin ni Xavier.

Enrico texted me the location and I hurriedly went there. Buti na lang at walang traffic, hindi ko siya napaghintay ng matagal.

Eternity's was the name of the restaurant. Nang makababa ako sa sasakyan, nakita ko palang sa labas ang malaking sign nito at ang mala ginto at porselanang disenyo. Hindi maikakailang mayaman ang may ari ng restaurant at pinag-isipan ang mga disenyo sa buong paligid.

"Ah, Keiran!" Bati ni Enrico sa akin. Hindi pa pala siya pumapasok sa loob ng restaurant. "Welcome!"

"Uy, bakit hindi ka pa pumasok? Nakakahiya tuloy." Sabi ko naman sa kanya habang sinasalubong ko siya ng yakap.

"Well, I wanted us to enter together. Para hindi naman ako mukhang loner." He replies, giving me a slight hint of puppy dog eyes.

Binuksan niya ang pinto at pinauna akong pumasok. Nakita ko sa loob ang iba't ibang uri ng gintong kulay at maaliwalas na lugar. Malinis at organisado lahat, walang palya.

BrightWin: The ArrangementWhere stories live. Discover now