Xavier
I couldn't help it! Nagseselos ako! The mere fact that I'm marrying him means akin lang siya! At walang kahit sino ang pwedeng umagaw sa kanya.
Siguro nga, hindi ako straight. Pero wala akong pake. Marriage is sacred to me at kahit pa sa lalaki yan, aalagaan ko yan na parang tunay at may pagmamahal na kasama and Enrico is ruining that!
It's obvious he likes Keiran. The way he looks at him, the way he talks to him. Hindi naman nanghihingi ng number ng kahit sino yan, pero si Keiran hiningi ang number.
Nang sinigaw ko yon, maraming nagtinginan samin pero wala akong pake. Ang akin ay akin lang.
"Manahimik ka nga, Xavier." Keiran whispers. Nahihiya siya? Ang gwapo gwapo ko tapos mahihiya siya?
"C.R lang kami." Ngiti ni Keiran kay Enrico at hinatak ako papuntang C.R. What is it with him?
"Ano ba yun, Xavier?!" He asks with a hint of irritation nang makapasok kami sa C.R.
"Are you not my wife? Hindi ba kita asawa? Hindi ka ba akin?" I asked, crossing my arms in the process.
"I am all of those." Keiran sighs, "Pero hindi pa naman ngayon, diba?"
"We live together, Keiran! Ano ba ang tingin mo sakin? Dorm mate?!"
Nahihiya siyang tumango habang hinahawakan ang batok niya. I cannot believe this boy! So all this time, ka-dorm lang ang tingin niya sakin.
"Alright." I simply said at lumabas nanng C.R.
Hindi na kami nagpansinan pa the whole day. I thought celebrations were supposed to be happy? Sila lang ni Enrico ang nag-uusap. Ako? Tamang kain lang sa pizza at pasta na inorder ko.
We didn't stay for long and went our separate ways, bid our goodbyes to Enrico at umalis na.
Nang makauwi sa apartment, Keiran kept asking me stupid questions like ano raw ang favorite number ko sa electric fan.
"Anong favorite mong letter sa ouija board?" Tanong na naman ni Keiran.
"X."
"Bakit?"
"Para X ka na sa buhay ko."
Inirapan lang niya ako at nagtangka nang maglaro ng computer games.
"Umalis ka dyan, may report akong gagawin."
"Ha? Kaka-start ko lang!" He exclaims, "Paano na mga plants ko?"
"Mas importante pa ba yang umaalog mong plants kesa sa report ko? Tayo dyan!"
Agad siyang tumayo at sinimulan ko nang gawin ang report ko.
May pasok na kasi kami next week at we shifted na nga. I shifted from Tourism dahil di hamak na bagay siya sa looks ko. Keiran shifted from Architecture, mag Business Management kami pareho.
The semester hasn't even started yet pero meron agad kaming gagawin. Ewan ko ba rito kay Keiran bakit walang ginagawa.
I decided na gawan na lang din siya since madali ko lang naman natapos yung akin.
YOU ARE READING
BrightWin: The Arrangement
FanficTheir arrangement takes an unexpected turn after learning that Keiran's father is homophobic and tries to do almost anything in his power to keep Xavier away from his son.