IV

96 7 0
                                    

Keiran

Nandito na yung mga kaibigan ni Xavier. Grabe, sobrang gaganda at gwapo nila. Nandito pa yung artista na si Enrico Sanchez, sobrang gwapo rin niya.

Naipakilala naman ako ni Xavier pero sobrang saglit lang dahil masyado akong na-star struck sa mga itsura nila. Gwapo rin naman ako pero ibang level sila.

Tumambay na lang muna ako sa balcony ng apartment na may dalang baso ng alak at isang stick ng yosi.

"Hey." An unfamiliar male voice came from behind.

Laking gulat ko nang si Enrico makita ko, nakangiti sakin at tumabi sa pagkakatayo ko rito sa balkonahe.

"Pasindi naman." Labas niya ng isang stick ng yosi habang nakangiti pa rin sakin, sinindihan ko yun at nagpasalamat lang siya.

Ang awkward ng silence saming dalawa at hindi ko namalayan, pasulyap-sulyap ako sa kanya.

"Keiran, right?" Tanong ni Enrico at tumango ako, inayos ang tayo at tumingin na lang ulit sa malayo kesa titig-titigan ko siya.

"Are you deaf?" Ngiti niya ng sobra, "You haven't uttered a single word."

"Sorry, nahihiya lang ako, artista ka kasi." Nahihiya kong sabi sa kanya sabay hitit sa sigarilyo.

"Wag kang mahiya, I'm just like you." Sabay niyang tingin sakin pati ang tingin ko sa kanya.

Gwapo si Enrico, medyo makapal ang kilay, maputi, matangos ang ilong, may kahabaan ang buhok pero hindi natatakpan ang kagwapuhan niya.

Nang maubos niya ang sigarilyo niya, hinarap niya ako at inilahad ang kamay niya. Tinignan ko yun na para bang nagtataka.

"It was nice meeting you, Keiran." Malawak niyang ngiti sakin at tinitignan ako nang mata sa mata.

Tinanggap ko ang kamay niya at kinamayan ito, nginitian ko siya pabalik.

"You should smile more often." Ngisi niya, "It's cute." At umalis na.

Ako naman si tanga, sinundan lang siya ng tingin papasok sa apartment, pinipigilang mapanganga sa sinabi niya.

Ako? Cute? Luh.

Umiling ako at pumasok na sa loob ng apartment, sobrang ingay ng tugtog at amoy alak na rin sa loob. Hinahanap ko si Xavier pero hindi ko makita, konti lang naman ang tao pero nasaan na siya?

Kinatok-katok ko ang pinto C.R pero babaeng lalasing-lasing ang lumabas.

"Nasaan na yun?" Bulong ko sa sarili ko.

"Looking for me?" His voice, his familiar voice echoed through my ears. Parang ang tagal tagal kong hindi narinig ang boses niya.

"I bought some coffee, some of my friends will be crashing here tonight, this is to ease the hangover for tomorrow." Sabi niya sakin nang hawak ang anim na sachet ng kape.

"Don't miss me so much, okay?" Sabay kindat sakin na agad kinabilis ng tibok ng puso ko.

Bumalik na siya sa pag-inom at ako naman umupo lang sa isang sulok. Nakikita ko sila na nag-eenjoy lang, tamang party lang at inom.

BrightWin: The ArrangementWhere stories live. Discover now