VII

85 7 0
                                    

Wholesome chapter ahead. Cuties just being cuties.

***

Keiran

He can't be serious, right? Nagkamali ba ako ng dinig? O 'yun talaga yung sinabi niya?

Xavier is at it again with his words, nakakakilig pero I can't help na magduda.

Pinagtitripan niya lang ako, diba? Straight pa rin naman ako, diba?

I honestly don't know. I'm not sure kung straight ako. I've always been malambot pero hinahayaan ko lang kasi I find myself as malinis lang sa katawan at may konting arte pero that didn't make me think twice about my sexuality.

It's Xavier. Simula't sapul na nakilala ko siya, simula nung makita ko yung mukha niyang nagdidilim nung unang beses naming magkakilala. Yung unang tango niya sakin, his words. Dun ako nagduda sa sarili ko kasi bakit sobrang simple ng mga ginagawa niya pero bumilis ang tibok ng puso ko.

Never ko naisip 'to nung una pero napansin ko na. Tinago ko na lang sa simpleng pagsabi na masungit siya pero ang totoo parang kinikilig ako.

Kaya nung sinabi ng mga magulang namin na ikakasal kami, may parte sakin na natuwa. Tuwang-tuwa pa.

And to think na I get to live with him at araw-araw siyang makasama at makilala? It's an honor.

Pag naririnig ko siyang tumawa at nakikitang ngumingiti nang dahil sakin, pakiramdam ko ngumingiti rin ang puso ko.

Awkward ang aura ko pagpasok ng apartment at napansin 'yon ni Xavier.

Hinawakan niya ako sa balikat, "You okay?" He asked. "You are tahimik. Hindi ako sanay."

Nakatitig kami sa mata ng isat-isa. Bakas sa mata niya ang concern at pakiramdam ko namumula na naman ako.

Tinabig ko ang kamay niya, "Okay lang ako. Pagod lang."

"Hey, I'm not just your husband, Keiran." He looked me dead in the eye. Ito na yung pamilyar na nakakatunaw niyang titig. "I could be your best friend."

Napalunok ako at tumango na lang sa sinabi niya. Nakaupo pa rin ako sa sofa bed at nakatayo pa rin siya. Bahagya siyang tumango at binigyan ako ng maliit na ngiti sabay yakap sakin.

Awkward lagi pag nagyayakapan kami pero dama ko rin yung comfort at concern.

"I'm here for you buddy." Ang huli niyang mga sinabi bago kumalas sa yakap namin.

Naligo na siya at sumunod na rin ako.

"May assignment ba tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya paglabas ko ng banyo.

"Uh, yea. Katatapos ko lang gawin yung akin." Ngiti niya sakin. "You can copy mine if you like."

Ganito ba love language niya? Kung hindi niya gagawin, pakokopyahin na lang niya ako? Grabe, ang sarap naman ng benefit ko rito! May gwapo na akong asawa, matalino pa!

Feel na feel yung asawa ha? Hindi naman bakla si Xavier. So I doubt na totoo mga sinasabi niya.

"Keiran, I have to tell you something." Seryoso niyang sabi sakin habang lumalapit.

"Ano 'yun?" Tanong ko naman habang nagbibihis.

"I think I like you." Nahihiya niyang sabi habang nakatingin sa sahig at nakahawak sa tenga. Cute.

"Ano?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Kasasabi ko lang na imposibleng hindi siya straight. "Pinagtitripan mo yata ako, Xavier!"

"Hindi!" He exclaims. "Gusto kita, Keiran."

Ako? Gusto ni Xavier? Sure ba siya dyan?

"I have no idea when have I developed these feelings for you but I'm man enough to face them." Tinignan niya ako nang mata sa mata. Nakikita ko yung brown niyang mga mata, na hinahanap yung mga katagang gusto niyang marinig.

"Hindi ko hinahangad na gustuhin mo rin ako pero—"

"Gusto kita." Pagputol ko sa sinasabi niya. "Gustong gusto kita, Xavier."

Nakatitig lang siya sakin. Nanlaki ang mga mata niya at may hindi maipintang ngiti.

"Should we kiss?" He asks at nagtawanan kami pareho.

"I think a hug is fine." At dahan-dahan ko siyang nilapitan para yakapin.

Mahigpit ang mga yakap namin, ibang iba sa mga nakaraan naming yakap na puno ng kalokohan. Pure at sincere ito ngayon at ramdam ang bilis ng tibok ng puso naming dalawa.

Kumalas siya sa pagkakayakap at tinignan ako sa mata, "I like you,"

Naramdaman kong namula ako nang sobra na agad naman niyang napansin, kinurot niya ang pisngi ko at ginulo ang buhok ko.

"I'm glad I get to wake up next to you, Keiran." He smiles at humiga na siya sa kama. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko at kumawala ang matamis na ngiti.

He likes me. Just the thought of it makes me smile. Hindi ko lubusang maisip kung paano niya ako nagustuhan at kung bakit dahil pareho kaming lalaki.

Will this like of ours blossom into love? Do I have a feeling na I want it to? O hanggang like lang talaga?

Siguro, just enjoy the moment while it lasts na lang.

"Hey," paninira ni Xavier sa mga thoughts ko, "Care to share this huge ass bed with me? I'm lonely and I need someone to hug me." Nag-puppy dog eyes pa siya habang pina-pat ang katabing side niya ng kama. Hindi ko maiwasang matawa at kiligin kaya tumabi na lang ako.

Nag-cuddle kami for the whole night. Hindi ko inaasahang mararanasan ko 'to, sa lalaki pa. Pakiramdam ko sobrang bilis ng mga pangyayari pero ang saya. Sobrang saya na kahit hindi mo na pag-isipan kung bakit mabilis, i-enjoy mo na lang yung moment dahil dun ka naman sasaya.

At yun ang nararamdaman ko, sobrang kasiyahan dahil unti-unti na ako nakakaramdam nang pagmamahal.

"I don't want Enrico ruining what we have, okay?" Tinignan niya ako nang malalim sa mata.

Tumango ako, "Of course. Mas gwapo ka dun."

He let out a chuckle at patuloy nang nanood ng TV.

Sana laging ganito. Sana laging masaya.

BrightWin: The ArrangementWhere stories live. Discover now