XII

77 2 0
                                    

Keiran

After what happened last night, lalo ko lang nakumpirma sa sarili ko na mahal ko na nga siya.

It was my first time, ever. Mapa sa babae o lalaki, he was my first time at hindi ako nagsisising binigay ko sa kanya ang buong ako dahil sa kanya rin naman ako ikakasal.

I woke up next to him dahil sa naalala ko ay binitbit niya ako papunta sa kama nang matapos kami sa banyo.

Remembering what happened last night, napapangiti na lang ako. We really did that?

Hinalikan ko siya sa noo nang makita ko ang napaka-gwapo niyang mukhang natutulog sa tabi ko. Still both of us butt naked, I rushed to the shower at tinuloy ang naudlot kong ligo kagabi.

I put on some decent clothes for school at ginising na si Xavier.

"Gising na, antukin." I smiled. He groans habang nag-iinat. Tinignan niya ako at pinaningkitan ng mata.

"My dick hurts." He groans again at marahan akong natawa. "Why are you dressed up?"

"Shit, school!" Ani niya nang ma-realize na may pasok ngayon. He hurriedly rushed to the shower at mabilis nang naligo.

"Baunin na lang natin 'tong Adobo mo." He says while fixing his shirt na kasusuot niya lang.

I still have this glow in me pero bakit parang gusto niyang iwasan na mapag-usapan ang nangyari kagabi? Nagsisisi ba siya?

"Tara na." Paanyaya niya and I obliged. Dumeretso na kami sa school.

I met with my friends when we parted ways, hindi rin kami gaanong nag-uusap papuntang school. Usually, magdadaldalan kami papunta lalo na nung mga panahong inamin namin na gusto namin ang isat-isa pero today, we both were silent.

"You're glowing, Keiran." Ani ni Ace sa akin pagkarating ko sa gazebo kung saan madalas kaming magkita.

Tinignan ako ng masama ni Kelsey, "Did you?" She asked.

Hindi ko mapigilang ngumiti and I nodded.

Humiyaw sila sa nabalitaan which caused some people to turn into our direction.

"So, kamusta?" Chismosang tanong ni Kelsey.

"I don't kiss and tell, Kelsey." Ani ko naman at inirapan niya ako, "But it felt good."

Agad naman nila akong kinantyawan.

"Malaki, 'no?"

"Masakit?"

"Napag-usapan niyo na ba?" Devon asked. Siya lang ang naiiba kung magtanong talaga. Ang kawalan ko ng sagot ay nagbigay ng nag-aalalang tingin mula sa kanila.

"Anong klaseng magjowa kayo kung hindi niyo pag-uusapan ang first time niyo?" He asked again.

"Has he been avoiding the conversation?" Ace asked, "Because if he is, sasapakin ko siya."

"Pag-usapan niyo 'yan, Keiran. The sooner the better." Pag-aalalang sabi ni Kelsey and I nodded.

Plano ko naman talagang pag-usapan but Xavier has been so caught up with school kaya hindi na ako nag-abalang umpisahan pa ang topic na 'yon.

BrightWin: The ArrangementWhere stories live. Discover now