Chapter 1

6 0 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Name , characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictions manner. Any resemblance to actual events is purely coincidental.

"Iowa!"

Napatingin ako sa likuran ko nang marinig ko ang malakas na tili. I'm pretty sure galing yun kay Irene, kababata ko. Tumigil ako sa paglalakad at hinintay siya na makalapit sa akin. Mukhang hangos na hangos ang gaga.

"Iowa, yung boyfriend mo." Nakahawak sa dibdib nitong saad.

Kinabahan ako bigla ah.

"Huh-" bago ko pa natapos yung sasabihin ko, hinila nya ako papunta sa- wait what comfort room ng lalaki?!

"What the hell, Irene? Gusto mo bang ma-guidance tayo?" singhal ko dito.

Ano ba naman kasing gagawin namin dito? Mukha namang wala dito si Kendrick, boyfriend ko.

"Huwag ka na lang maingay, please? Kung gusto mong malaman ang baho ng boyfriend mo."

Walang sabi-sabing pumasok kami sa cr ng lalaki na walang ingay. Mukhang namang walang tao pero may naririnig akong na ungol. May aso ba dito?

"What's that?" pabulong kong tanong kay Irene.

I'm sure galing ang ungol na iyon sa dulong cubicle.

"Ohh... Kendrick ang sara- Ohh! Yes."

Namilog ang mata ko sa narinig ko. What the hell? 

Sana hindi yan ang boyfriend ko. 

Sinipa ko yung pinto na pinanggagalingan ng ungol na iyon. Wala na akong pakealam kung sino man ang nasa loob. Gusto ko lang malaman kung si Kendrick ba ang andoon but I was shocked because I found my boyfriend. 

Hinahalikan ang babae sa leeg habang minamasahe ang dibdib nito kahit may saplot pa. Mukhang sarap na sarap pa ang putek. Natulala lang ako sa kanilang at hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagmumukha na akong tanga. 

Paulit ulit na lang.

"Iowa." Saad ni Kendrick na akmang hahawakan niya ako pero nasampal ko na siya at sinipa sa tiyan ang babae.

"Ouch! How dare you!" daing nung babae at akmang sasampalin ako pero inunahan ko na siya.

"Magsama kayo!" sigaw ko sa pagmumukha nila.

Diretso lang ang lakad na parang walang nangyari. Buti na lang walang taong nakakita ng nangyari sa cr dahil may klase ngayon kung hindi laman na naman ako ng tsismis nila.

Isang babaeng hindi kagandahan na napulot lang sa basurahan ni Kendrick ay nagpaloko. Yan panigurado ang magiging tsismis kung may nakakita man.

"Iowa." Tawag pansin sakin ni Irene na hindi ko man lang namalayan na nakasunod pala sa akin.

Nginitian ko lang siya para malaman niyang ayos lang ako kahit durog na durog na ako at gustong magwala.

"Irene, thank you. Okay lang ako pero gusto kong mapagisa. May klase ka pa." I said. 

Hindi naman na siya nangulit kahit alam kong may sasabihin pa siya. Hinintay ko na lang s'yang maglaho sa aking paningin.

Nang mawala na s'ya agad na bumuhos ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. So I just run and run going to the rooftop at doon binuhos lahat ng sakit at luha.

"Hindi ko na kaya." I whisper while crying and sat on the floor. I cover my face with my hands para naman kahit may dumating hindi makita ang mukha ko na umiiyak.

I heard foot steps na parang papunta sa akin, so tinuyo ko ang luha ko. Baka mamaya si Kendrick yun. Ayaw kong makita ang pagmumukha ng manlolokong iyon. May pa sabi-sabi pa s'yang walang iwanan tapos sya pa ang gagawa ng dahilan para iwan siya. Nakakaloka amputek!

Akmang tatayo na ako nang biglang umupo sa harap ko ang isang lalaki at inabot ang panyo sa akin.

"Ang magandang babaeng tulad mo ay di dapat umiiyak." Saad nito.

Napatingin ako agad sa kanya at nakitang nakangiti ito sa akin. Ang gwapong nilalang naman nito. A brown chinky eyes, moreno, and wait ang ganda ng eyebrow nya. Mukhang may lahi amp.

"W-who are you?" I asked while sobbing.

"Emmanuel Niro but you can call me Emman or Niro." Nakangiting saad nito sabay lahad ng kamay n'ya na agad ko namang tinanggap.

"Iowa Gray, nice to meet you."

Binitawan naman niya agad ang kamay ko after we shake our hands.

"Bakit ka nga pala nandito? Umiiyak ka pang mag isa." Tanong n'ya sakin na nakapagpabalik ng memorya ko sa nangyari kanina. Naasar tuloy ako ulit.

"Bakit kapag umiiyak ba kailangan may kasama?" puno ng sarcasm kong tanong pabalik sa kan'ya.

He chuckled because of what I said. Ang cute ah.

"Hindi. So bakit nga?" Pangungulit niya sa akin, so kinuwento ko sa kan'ya lahat ng nangyari. Mukha naman mabait itong Emman na nasa harap ko kaya okay lang magkuwento nang mabawasan kahit papaano ang sakit.

"Alam mo kasi bago ka pumasok sa isang relasyon, kilalanin mo muna siya nang mabuti. Kahit pa sabihin nating maganda ang pinapakita niya sayo nung una ay maganda rin ang ipapakita n'ya sayo hanggang dulo.Sa pagdedesisyon kasi wag laging isa lang papakinggan at susundin. Huwag laging puso lang o isip dapat laging magkasama."

Napatunganga ako sa kanya dahil sa sinabi n'ya. Mukhang ang dami n'yang alam sa love. Siguro ang dami na n'yang ex.

"Eh di wow." Ang tangi kong nasabi then he chuckled.

Hindi na namin namalayan ang oras dahil sa mga kwento niya. Ang daldal ba naman kasi 'e. Nalaman ko na kasing age niya si Kuya so mas matanda siya sa akin ng 3 years.

"4pm na pala. We should go down." Suhestiyon niya at pinauna na n'ya akong maglakad palabas ng pinto sa rooftop.

When we are at the hallway everyone are looking on us. I just ignore them at maayos na naglakad.

Nalaman na kaya nila yung nangyari samin ni Kendrick?

"May susundo ba sayo?" tanong ni Emman na nasa aking tabi.

"Wala. Sasakay lang naman akong tricycle d'yan."

"Sige, isasakay kita."

Sige, sasakyan kita. Char

Habang naghihintay ng tricycle, na hagip ng mata ko si Kendrick na masama ang tingin samin ni Emman.

So gaganyan-ganyan ka ngayon matapos mo akong lokohin.

"Iowa, sakay na. Okay ka lang ba?"

I blink my eyes twice nang tapikin ni Emman ang balikat ko na nakapagpabalik sakin sa kasalukuyan. Kung ano ano naman kasi iniisip ko. Sumakay na lamang ako sa tricycle na nasa harapan ko at nagpaalam kay Emman na nakangiti sa'kin.

"Oh anak andyan ka na pala." Salubong sakin ni mama na nagbabasa ng magazine sa sala.

Nagpaalam muna ako sa kanya na matutulog muna sandali dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Pagkatapos mag half bath nahiga na ako sa kama at unti-unting nakatulog.

"Sana paggising ko wala na yung sakit. Sana" I whisper.

Trap (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon