"Hintayin na lang kita sa ground floor." Pamamaalam ng lalaking kasama ko kaya nagpunta na ako sa cr.
Matapos kong ayusin ang sarili agad na akong lumabas ng cr, baka naiinip na yun maghintay. When I am about to walk going to the escalator I notice crowded people at ang iba ay nagkakagulo pa.
Anong nangyayari,may artista ba?
"Jusko kaawa-awa naman ang binatang yun. Bakit naman kasi s'ya nahulog." The old woman says but I ignore.
Nahulog saan?
When I am at the escalator I saw a man. Nakasabit ito sa railings at duguan but it makes me freeze, katulad ng suot nito ang suot ng kasama ko. Patakbo akong lumapit dito na inaasikaso na ng mga guard. Nang lambot ang mga tuhod ko kaya napaluhod ako habang yakap-yakap ang katawan ng lalaking kasama ko.
"No, please 'wag mo akong iiwan." I say while crying so hard.
"Anak? Iowa, gising na nanaginip ka."
Napabalikwas ako ng bangon at nakita ko si mama sa aking na tabi na nag aalala.
"Okay ka lang ba anak? Anong napanaginipan mo? Bakit ka umiiyak?" sunod-sunod na tanong ni mama.
"Okay lang ako mama. Hindi ko na po maalala." Nakatungo kong paliwanag.
Sana naman di na magtanong si Mama.
"Oh s'ya bumangon ka na d'yan at maghahapunan na tayo."saad ni mama at lumabas sa kwarto.
Tinuyo ko naman ang luha sa pisngi ko at pumunta sa kusina kung saan naroon sina Mama at Papa.
That dream is so weird and who the hell is that guy?
I sit on the wooden chair na katabi ng Kuya ko na kaharap naman ni Mama. Habang kumakain kami biglang nagsalita si Papa.
"Kamusta ang school, Iowa?"
"Okay naman po." I say at binalot na naman kami ng katahimikan.
Ilang minuto pa ay nagsalita si Mama pero about sa business nila ni Papa. Wala naman akong naiintindihan sa mga pinagsasabi nila. Ang alam ko ay magtatayo sila ng isang restaurant para naman daw madagdagan ang negosyo nila kahit busy sila sa hospital.
Jusko busy na nga gusto pa lalong maraming iisipin sa buhay. My mom is a psychiatrist while my dad is cardiologist, si Kuya naman graduating na ng engineering. Gusto ko na tuloy makatapos para may sarili na akong buhay. Para naman kasing walang kasigla sigla dito sa bahay kahit tuwing gabi ay magkakasama kami.
"I heard about what happened to you". Napalingon naman ako dahil sa binulong ni Kuya.
Sandali ko munang sinulyapan sina Mama kung narinig ba nila yung sinabi ni Kuya pero mukhang busy sila kaya sinamaan ko ng tingin si Kuya. Ayaw kong malaman nina Mama na niloko na naman ako ni Kendrick kasi magmumukhang ako na naman ang may kasalanan.
"Kuya, please mamaya na natin pagusapan," saad ko at mabilis na inubos yung pagkain ko. Pagkatapos ko ay nagpaalam na ako sa kanila na aakyat na ako sa kwarto dahil may homeworks pa akong gagawin.
Kinukuha ko yung libro sa bag ko ng biglang may pumasok sa kwarto. I knew it, hindi ako titigilan ni Kuya hanggat hindi na lalaman ang totoong nangyari sa akin. Paano ba naman kasi niya nalaman 'e ang layo layo ng area ko sa kaniya. Ganoon na ba kadami ang friends niya?
"So what happened?" tanong niya habang naka cross arms at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.
Baklang ito mas babae pa sa akin. Tiningnan ko lang siya at binalik ko ulit ang tingin sa libro. I need an advance reading, mahirap na baka ako ang tawagin sa recitation bukas.
Napansin ko naman na papalapit si Kuya sa akin pero mas inintindi ko yung binabasa ko pero kinuha naman niya yun at tinaasan na naman ako ng kilay. Amputek talaga gusto ko na nga malimutan tapos gusto pa magpakwento.
"Wala ka talagang balak sabihin sa akin ano? Magsasalita ka ba d'yan o hihigitin ko yang dila mo?"
Luh ang harsh ah!
"Ano ba gusto mo malaman?!" singhal ko sa kaniya.
"Kung anong nangyari. Tanga-tanga lang? Ulit ulit?" sigaw niya pero mahina lang sabay upo sa kama ko. Napairap na lang ako at kinuwento sa kaniya ang nangyari kanina. Nawala na naman ako sa mood. Bakit kasi kailangan pang magpakwento 'e mukhang alam naman na niya yung nangyari.
"What the- but I heard na niloko mo raw si Kendrick that's why he broke up with you. Sabi nung isang student they heard a noise from the comfort room of the boys pero hindi na sila pumasok kasi mukhang may away and then after a minute pumasok yung mga kaibigan ni Kendrick sa banyo at nakita nila si Kendrick na umiiyak. After that they also saw you with the other guy. Magkasama raw kayo at sinakay ka pa raw sa tricycle!"
Namilog ang mata ko sa kinuwento ni Kuya. Bakit ako pa ang lumabas na may kasalan? Sino na namang tanga ang nagsabi na niloko ko si Kendrick?
"Sino naman may sabi na niloko ko si Kendrick?!"
Hindi naman ako sinagot ni Kuya at tiningnan lang ako na para bang alam ko na yung sagot. That's bullshit! Pinalabas nilang magkakaibigan na ako ang may kasalanan at nagloko sa aming dalawa para lang hindi bumaho yung pangalan ni Kendrick. Tangina nilang lahat amp. Pano na ako bukas nito?
"Oh 'e sino at ano mo naman yung lalaking yuon ha?" napalingon naman ako kay Kuya ng bigla siyang magsalita. Sino na naman tinutukoy nito?
"Huh? Sino lalaki? Si Kendrick ba 'e kilala mo naman na yun ah."
"Alam mo minsan tanga ka. Kapatid ba talaga kita? What I mean is yung lalaking kasama mo na tinutukoy nila. Huwag mo ng itanggi at may picture ako na nakita na magkasama kayo."
Nanlaki ang mata at hindi makagalaw sa sinabi ni Kuya. Picture nino? Si Emman ba pero paano nangyari may picture kami?
"Don't worry about the picture kasi kaibigan ko naman ang nagkuha ng litratong iyon."
I sighed when I heard that at humiga na lang sa kama habang inaalala yung lalaking nag comfort sakin sa rooftop. He's gentleman not like Kendrick na napaka harot at malandi.
"Iowa, I am waiting for your-"
"His name is Emman, Kuya. Patulugin mo na ako dahil kailangan ko pang magaral mamayang madaling araw." I said at nagtalukbong ng kumot.
Narinig ko naman yung footsteps niya at mukhang palabas na at pinatay na yung ilaw.
Hayst I wanted to fall asleep again
PS: ABOUT PO DOON SA DREAM NG BIDA AY WALA AKONG INTENSYON. INUULIT KO , WALA PO AKONG INTENSYON, OKAY?
BINABASA MO ANG
Trap (COMPLETE)
General FictionSa mundong ito hindi maiiwasan na makatagpo tayo ng taong magpapaguho ng mundong ating binuo. Taong magpapasaya sa atin ng sobra sa una pero magpapaluha naman din ng sobra sa huling pagsasama. Ito ba talaga iyong sinasabi nilang pinagtagpo pero hin...