As I promised to myself, nagising nga ako around 3am para tapusin yung plates ko. Kailangan ko na kasing ipasa ito mamaya at kokonti na lang naman yung gagawin ko.
Si Kuya kasi 'e chinika pa ako kagabi. Inayos ko muna yung mga gamit ko bago gawin yuon pero bumaba muna ako para kumuha ng pagkain. Hindi pa gising yung mga maid namin kasi sobrang aga pa.
I took a slice of chocolate cake na dala ni Mama kahapon at nagtimpla ng gatas. Bumalik ako agad sa kwarto at sinimulan ng tapusin yung plates ko habang kumakain.
Hindi ko namalayan ang oras at 6am na pala kaya niligpit ko na yung gamit ko at naligo. Mabuti na lang talaga at natapos ko na baka mamaya hindi na tanggapin kasi kapag hindi ko pa natapos. Taray taray pa man din nung proof namin. Minsan nga iniisip ko na sakalin ko kaya yun habang nag le-lecture siya.
Mabilis akong natapos sa paggagayak at bumaba na papuntang kusina na dala-dala na yung mga gamit ko sa school. Nadatnan ko naman doon sina Papa at wala pa si Kuya. Mukhang na late ng gising ang bida-bida.
"Ang aga mo ata ngayon, Iowa?" saad ni Papa habang nagbabasa noong dyaryo.
"Gumising po kasi ako ng 3am para tapusin yung plates ko." Saad ko habang kumukuha ng pagkain. Inabutan naman ako ni Mama ng juice habang nakangiti sa akin.
"Natapos mo naman ba?" tanong naman ni Mama at tumango lang ako. Ilang sandali pa ay dumating na si Kuya at naupo sa tabi ko.
"Good morning!" Nakangiting asong bati ni Kuya pero inirapan ko naman siya.
"At ikaw naman ang late ngayon." Pagbibigay pansin naman ni Papa na ngayon ay kumakain na.
"Na nood pa kasi yan, Papa." Saad ko habang kumakain. Naramdaman ko namang tumingin sa akin silang lahat kaya dinuksungan ko agad yung sinabi ko ng "Nanood ng video lesson for his subject."
Napaka sama talaga ng utak nila sa akin pati pamilya ko hayst. Natahimik naman kaming kumakain kasi laging bilin ni Papa na kapag kumakain dapat tahimik lang, huwag munang pairalin ang kadaldalan. Nang matapos kaming kumain ay biglang kinuha ni Kuya bag ko.
"Ihahatid kita hanggang room mo at susunduin sa room mo simula ngayon. Huwag ka nang maginarte diyan." Saad niya sumakay na sa kotse niya.
Sumunod naman na ako dahil alam kong ginagawa niya lang ito dahil gusto niyang protektahan ako. Alam kasi niyang ayaw ko na nakikita ako ng mga schoolmate ko na mayaman ako or kung saan ako pamilyang galing kasi I am sure sasabihin nila na mayabang ako or spoil brat.
Nakatingin lang ako labas ng bintana habang pinagmamasdan ang daan papuntang school. Bigla na lamang akong nawalan ng gana pumasok ngayon pero kailangan. Paniguradong kung ano anong tsismis na naman ang kumakalat sa school ngayon na tungkol sa akin.
"Are you okay?" tanong ni Kuya na nakapagpabalik sa akin sa realidad at napansin kong nasa parking lot na kami ng school. Tumango lang ako at lumabas na ng sasakyan. Siya naman ang nagdala ng gamit ko kahit dala rin niya yung bag niya, nagmukha tuloy siyang mabait na kapatid.
Habang nasa hallway kami ay hindi ko maiwasan tingnan yung mga studyante na nagbubulungan habang nakatingin sa akin. Ang mga froggie kung makapagbulungan akala mo naman walang ibang nakakarinig. 'E kung ipulupot ko kaya sa leeg nila yung sarili nilang bituka. Kaloka ang mga hampas lupa.
Hindi ko naman namalayan na nandito na pala kami sa harap ng room ko pero wala pang teacher kaya pumasok si Kuya sa loob para ilagay yung gamit ko sa upuan ko. Sumunod naman ako sa kaniya at nakita ko sa katabing upuan ko si Kendrick. Himala at hindi late ang mukhang lizard. Naupos naman na ako sa upuan ko pero na natili sa harap ko si Kuya.
"If there's a problem, call me okay?" saad ni Kuya habang nakatingin sa akin. Tumango lang ako at tiningnan naman niya ng masama si Kendrick.
"See you later." Saad uli ni Kuya pero kay Kendrick nakatingin.
Si Kendrick ba kausap nito o nababanlag na naman? Magsasalita pa sana ako pero umalis naman na siya agad. Huminga na lamang ako ng malalim at sinalpak yung earphone ko sa tenga para mawala naman sa isip ko kahit papaano na nandito si Kendrick sa tabi ko.
Hindi naman nagtagal ay dumating na yung proof namin at nagumpisa na mag lesson. Nagfocus na lang ako sa lesson kahit kita ko sa peripheral view ko na maya't mayang ang sulyap sa akin si Kendrick. Hindi sa assuming ako pero totoo talaga 'e.
"What are you looking at?" mataray na tanong ko na hindi tumitingin kay Kendrick nang umalis na yung proof namin. Napansin ko kasing nakatingin sa akin ang munting lizard.
"Sorry." Awtomatiko akong napatingin sa kaniya at nakatingin din siya sa akin. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa aking labi.
"Sorry for what? Para sa pangbabaliktad mo ng story or pangloloko mo sa akin?!" medyo tumaas na yung boses ko kaya napatingin na sa amin yung iba naming kaklase pero wala akong pakealam. Naiiyak na naman ako putek. Tumungo lang siya at wala ng lumabas sa madumi niyang bibig.
"Oh hindi ka makapagsalita? Nakain mo na ata yang dila mo?" saad ko at pinipigilan kong hindi umiyak. Gusto kong makita niya na wala akong pake sa kaniya kahit lumuhod pa siya sa harap ko para lang tanggapin ang sorry niya.
"Hindi ko naman sinasadya yung nangyari kaha-" agad kong pinutol yung sasabihin niya kasi napakababaw at ang tanga nung reason niya.
"Hindi mo sinasadya? 'E kung sakalin kita gamit bituka mo at sabihin ko sayong hindi ko sinasadya? Alam mo magisip ka na lang ng magandang reason bago ka humingi ng sorry sa akin, okay? Hindi kasi ako tanga at bobo katulad nung mga babae mo." I said.
Mag sasalita pa sana siya pero dumating na yung second teacher namin. Wala naman na akong naintindihan sa mga sumunod pag subject kasi gumulo sa isipan ko yung sagutan namin ni Kendrick kanina.
It's already 4am at hindi pa raw tapos yung klase ni Kuya kaya I decided to go in the rooftop. Tinext ko muna siya na hintayin ko na lang siya sa parking lot.
Unggoy: I'll send a message na lang sayo kapag tapos na ang klase.
Natawa na lang ako sa reply niya kasi para siyang babae dahil sa choose of words niya. Umiling na lang ako at bumili ako ng juice sa canteen bago pumuntang rooftop. Nakita ko naman na may tao doon at balak ko na sanang bumaba nang humarap yung lalaki.
It's Emman, the guy who comfort me yesterday.
BINABASA MO ANG
Trap (COMPLETE)
General FictionSa mundong ito hindi maiiwasan na makatagpo tayo ng taong magpapaguho ng mundong ating binuo. Taong magpapasaya sa atin ng sobra sa una pero magpapaluha naman din ng sobra sa huling pagsasama. Ito ba talaga iyong sinasabi nilang pinagtagpo pero hin...