One month...
Isang buwan na ang lumipas pero andito pa rin ako, nakakulong sa sakit at trauma. Sa loob ng isang buwan na iyon puro na lang ako iyak.
Nagkaayos naman na kami ni Kuya at nalaman niya ang ginawang panggagamit sa akin ni Emman. Muntikan pa nga silang masuntukan noon nung pumunta si Emman sa bahay para kausapin ako. Buti na lang dumating sina Papa.
Noong araw din yun nalaman nina Papa ang sikreto ni Kuya.Nagalit sila pero sa huli ay tinanggap na nila. Kaya ngayon pansamantalang nakatira sa bahay namin si Andrea pati yung anak nila na four years na pala dahil hindi pa tapos yung pinapagawang bahay nina Papa para kay Kuya.
"Iowa, nasa labas pa rin si Emman. Na ulan na." nagaalinlangang saad ni Irene ng makalapit siya sa akin.
Andito ako ngayon sa bahay nila kasi sinusundan ako ni Emman at ayaw kong makita yun ni Kuya. Nakakahiya man kina Irene pero wala akong ibang matatakbuhan.
Napatungo na lang ako kasi nagpatakan na naman ang luha sa mga mata ko. Na alala ko naman yung panaginip ko na namatay yung kasama ko sa mall. That guy is Emman, katulad nung nasa panaginip ko ang suot niya nung nagmall kami.
Kabaliktaran lang doon ay siya ang namatay sa panaginip ko at ako naman ang pinatay niya sa reality.
Signal na pala yun dapat inintindi ko.
"Ano ba sinisira mo na ang buhay mo! Kalimutan mo na siya!"
Nagulat ako ng bigla sumigaw si Irene habang dinuduro ako. Hindi ako nakaimik dahil parang may nakabara sa lalamunan ko.
"Pinapakita mo sa iba na ayos ka lang pero tuwing nagiisa ka durog na durog ka na. Ako na ang nagmamakaawa sayo, pakawalan mo na iyang nararamdaman mo."
"I can't." saad ko na nakapagpaiyak lalo kay Irene.
May narinig akong sigaw sa labas at tinatawag ang pangalan ko. Napasambunot na lang ako sa buhok at nagisip kung ano ang gagawin.
Sinasaktan mo na ako Emman, pero minamahal pa rin kita.
Patakbo akong lumabas sa bahay nila para harapin si Emman. Kahit umuulan ay sumugod pa rin ako na walang dalang payong. Bahala na kung anong mangyari pero ayaw ko na. Pagod na pagod na ako.
"I-iowa." Tawag niya sa pangalan ko.
Nahabag akong makita siya basang basa sa ulan at umiiyak. Nilapitan niya ako at niyakap ng mahigpit. Hinayaan ko lang yun at hindi ko na napigilan na humagulhol.
Pinakawalan niya ako pero laking gulat ko ng bigla siyang lumuhod sa harap ko habang hawak ang kamay ko.
"I-I'm sorry , Iowa. P-patawarin mo ako."
Umupo ako sa harap niya at hinawakan ang mukha niya.
"Mapapatawad kita pero hindi pa sa ngayon. Minahal kita 'e kahit ganon lang kabilis pero dinurog mo ako. Pinaglaruan mo ako, Emman."
"Iowa mahal kita!"
"Kung mahal mo ako, tigilan mo na ako kasi nasasaktan na ako tuwing nakikita kita." Nakatungong saad ko.
Buo na ang desisyon ko, ayaw ko na ng ganitong pakiramdam. Nakakapagod.
"Huwag namang g-ganito-"
Pinunasan ko ang luha sa mga mata niya at hinalikan siya sa noo.
"Please, Emman." Saad ko at tumayo na.
Sandali siyang na natili doon bago tumayo at tiningnan ako bago lumakad palayo sa akin.
Nanlambot ang mga tuhod ko kaya napaluhod ako. Hinawakan ako ni Irene sa balikat at inalalayan akong makatayo para pumasok sa loob.
Iyak lang ako ng iyak habang nagta-type ng message para kay Kuya sa messenger ng biglang may nag pop up sa screen ko.
Birthday ngayon ni Emman.
BINABASA MO ANG
Trap (COMPLETE)
General FictionSa mundong ito hindi maiiwasan na makatagpo tayo ng taong magpapaguho ng mundong ating binuo. Taong magpapasaya sa atin ng sobra sa una pero magpapaluha naman din ng sobra sa huling pagsasama. Ito ba talaga iyong sinasabi nilang pinagtagpo pero hin...