Chapter 8

2 0 0
                                    

Nagising ako dahil may narinig akong nagbubulungan sa labas ng kwarto. Napatingin ako sa orasan ng kwarto ko at 2am pa lang. Kahit natatakot ako ay binuksan ko yung pinto ng kwarto ko ng kaonti para silipin kung sino ang nagbubulungan. I saw Kuya talking with a girl at hindi yun katulong namin.

"Andrea, alam mo namang bawal ka tumira dito. Pano kung malaman nina Papa at sabihin sa pamilya mo ha?"

Andrea? Bakit parang familiar. 

Pinagkatitigan kosila pero hindi ko makita yung mukha nung babae kasi madilim.

"Pero Ian nalaki na siya, ayaw kong itago siya." Saad noong babae at hinawakan sa braso si Kuya. Napatungo naman si Kuya at mukhang hindi na alam ang gagawin. 

Sino ang nalaki na?

Lumabas ako ng kwarto at hindi naman nila ako napansin kasi madalim ang paligid.

"Andrea, gusto ko rin naman na hindi na siya itago pero hindi lang yun para sa akin kung hindi para sayo, at para sa anak natin."

Parang biglang tumigil ang pagikot ng mundo ko nang marinig yung sinabi ni Kuya. Bakit hindi niya sinabi sa amin?

"K-kuya?" bulong ko habang nakatingin sa kanila.

Gulat naman na tumingin sila sa akin at hindi inaasahan na nandito ako na nakikinig sa kanila.

"Iowa." Sambit ni Kuya at lumapit sa akin.

 Hahawakan na sana niya ako pero umatras ako para iwasan siya. Napatungo na lang ako ng bigla na lang akong napaiyak. Hikbi ko lang ang naririnig sa buong bahay at parang walang naglakas ng loob mag salita.

"Sinungaling ka, Kuya." Saad ko at tumingin sa mga mata niya. 

Napatungo siya at lumapit sa amin yung babae na ang pangalan ay Andrea. Magsasalita pa sana siya pero tinulak ko si Kuya at pumasok na kwarto at nilock yung pinto.

Nakailang katok doon si Kuya pero walang akong balak na pagbuksan siya. Iyak lang ako ng iyak na para bang hindi na uubos ang luha. Para na akong nilulunod sa lungkot.

Hindi nagtagal yung katok niya at narinig ko na lang ang mga hakbang nila palayo. Mas lalo akong napaiyak ng maramdaman kong nag iisa na naman ako pero mas nasaktan ako kasi pakiramdam ko konektado yung Andrea kay Emman.

"Andito naman ako lagi para sa inyo pero bakit parang wala akong halaga sa inyo?" bulong ko sa sarili habang nakatungong umiiyak.

Pakiramdam ko hindi niya ako kapatid kasi hindi niya ako pinagkakatiwalaan. Kaya ko naman siyang tulungan ah pero bakit hindi niya ako nilapitan. Lahat naman ng sekreto ko alam niya kasi pinagkakatiwalaan ko siya pero bakit siya hindi niya nagawa?

Kaya pala parang nawalan siya ng pake sa akin noon kasi busy siya sa anak niya. Kaya pala parang pakiramdam ko wala na akong halaga sa kaniya bilang kapatid.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak. 9am ako nagising at tinext si Anne para itanong ang tungkol kay Emman at doon sa Andrea. Matagal naman siya bag nakapag reply sa message ko.

Anne: Send ko sayo sa messenger mamaya ng konti yung picture nila. Tulog pa si Ate.

Nag thank you na lang ako at nilapag na yung cellphone para maligo. Ang tagal kong nag stay sa banyo kasi pakiramdam ko nakakarelax yung malamig na tubig. 2 hours ang tinagal ko sa banyo bago naisipan na lumabas at magbihis. May usapan din kasi kami ni Irene na magkikita sa mall kasi nakabalik na siya dito.

Habang nagsusuklay nakarinig ako ng katok pero hindi ko pinagbubuksan baka kasi si Kuya yun. Ayaw ko naman siyang makausap o makita man lang kasi nasasaktan ako. Mababaw na kung mababaw pero nasasaktan talaga ako.

"Iowa anak kumain ka na. Hinihintay ka na ng Kuya Ian mo." Malumanay na saad nung maid naming habang kumakatok.

"Ayaw ko po kumain." Saad ko.

Hindi naman na nangulit yung maid namin kaya pinagpatuloy ko ang pag aayos ng sarili ko. Bigla naman nag vibrate yung cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nag message. Si Anne, nag send ng picture ito na ata yung hinihingi na picture nung Andrea.

Nabitawan ko yung cellphone ng makita yung picture na sinend ni Anne. Siya yung nakita namin kahapon sa Italian restaurant na tinititigan ni Emman. Ibig sabihin totoo nga yung sinabi ni Anne na nabuntis si Andrea at si Kuya yung kaibigan ni Emman na nakabuntis doon

Napaiyak na lang ako at kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Kilala kaya ako ni Emman bilang kapatid noong kaibigan niya na trumaydor sa kaniya?

Gulong gulo na ako.

Kahit umiiyak ay lumabas ako ng kwarto dala-dala lang ay cellphone ko. Kahit bawal ako mag drive ay kinuha ko yung susing kotse ko at nakita ako ni Kuya. Nilapitan niya ako at hahawakan na sana ako sa kamay ng bigla akong umatras.

"Iowa."

"Kuya please kahit ngayon lang hayaan mo muna. Kahit ngayon lang!" nakatungong saad ko habang umiiyak.

Hindi naman na siya nagsalita o gumawa ng kilos kaya tinalikuran ko na siya. Dumiretso na ako sa loob ng kotse ko at pinaandar na yun palabas ng grahe namin. Pupunta na lang ako sa bahay ni Irene kahit ang usapan namin ay sa mall. Maaga pa naman kaya sigurado akong nasa bahay pa niya siya.

Habang naghihintay dahil sa traffic biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mukhang nalulungkot din ang langit.

Nakarating naman ako agad sa bahay nila at pinark lang yung kotse sa labas ng bahay nila. Kahit umuulan ay lumabas ako ng kotse. Tumingala ako sa langit at bigla na lamang ako naiyak.

Sobrang nasasaktan na po ako. Gulong gulo at hindi alam ang gagawin.

Pinindot ko yung doorbell ng ilang beses dahil walang nagbubukas ng gate. Napaupo na lamang ako dahil nanlalambot na ang mga tuhod ko.

Bumukas naman yung maliit na gate at niluwa non si Irene na nakapayong. Napatingala ako sa kaniya at nagulat naman siya ng makita ako na nakaupo doon. Nabitawan niya yung payong na dala niya at naupo sa harap ko. Parehas na kaming nababasa ngayon ng dahil sa malakas na ulan.

"Iowa,anong nangyari?" tanong niya at hinawakan ang braso ko. Halata sa mga mata niya na sobra siyang nagaalala.

"Irene, I need you."

Inalalayan naman niya akong makatayo at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay nila. Pinaupo niya ako sa couch nila. Binigyan naman kami nung katulong nila ng towel. Wala akong lakas kuhain iyon kaya si Irene na ang naglagay sakin noong towel.

Nakatungo lang akong himihikbi doon kasi nahihiya rin naman ako sa mga tao rito sa bahay nila.

"Doon tayo sa kwarto para makapagpalit ka na rin ng damit. Magkakasakit ka niyan eh."

Inalalayan niya akong tumayo hanggang sa makarating kami sa kwarto niya. She lock the door at kumuha ng damit at inabot sa akin yun. Kinuha ko naman yun at pumunta sa banyo niya para magbihis kahit pakiramdam ko ay hinang hina ako.

Pagkalabas ko naman ng banyo ay naabutan ko siyang bihis na at nakaupo sa kama niya. Umupo sa tabi niya at sinandal niya yung ulo ko sa balikat niya. Napaiyak na naman ako dahil doon at hindi ko na mapigilan ang paghagulhol ko.

"Ilabas mo lang lahat yan. Kung hindi ka pa handa sabihin sa akin ang rason ng pagluha mo, okay lang. Naiintindihan ko." She said habang tinatapik ang likod ko.

"Irene, si K-kuya may a-anak na at hindi niya s-sinabi sa amin yun kahit sa a-akin man l-lamang."

Sandali siyang hindi nagsalita at mukhang gulat din at hindi makapaniwala.

"T-tapos yung b-babaeng nabuntis niya ay yung ex ni Emman. Irene si Kuya ang dahilan ng break up nila. Paano kung si Emman ano-"

"Shh huwag kang mag isip ng kung ano-ano. Mas lalo ka lang mahihirapan niyan 'e" pagputol niya ng sinabi ko at niyakap ako ng mahigpit.

Trap (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon