3am na ako nakatulog kaya naman late na akong nagising. Buti na lang ginising ako nung maid namin at sinabing may naghihintay daw sa akin sa baba.
"Sino raw po yun?" inaantok kong tanong nang magising ako.
"Emman daw." Saad ni yaya at umalis na nga ng kwarto ko.
Natulala ako sa orasan ko at 11:30 na kaya naman dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo ng mabilis. Siguro mga 5 minutes lang akong naligo tapos 10 minutes para magbihis at mag ayos. Hindi naman ako nagme-makeup kaya mabilis akong natapos. Tiningnan ko muna yung sarili sa salamin kung maayos ba yung suot ko. I am just wearing a red dress na hanggang itaas lang ng tuhod ko at yung heels ko na hindi ganoon kataas. Hinayaan ko lang na nakalugay yung buhok at kinuha na yung shoulder bag ko bago lumabas ng kwarto.
Nasa hagdan pa lang ako ay kita ko si Emman na nakakunot ang noo habang nagta-type doon sa cellphone niya, mukhang may katext. He's wearing a simple white shirt, at pants. Ang gwapo pa rin kahit ganoon lang ang suot, mukha pa ring prince.
Natigilan naman siya sa pagta-type ng mapansin na papalapit na ako sa kaniya. Ngumiti muna siya sa akin bago tumayo at humarap sa akin.
"Ang ganda mo." Saad habang nakatingin ng diretso sa mata ko.
Tumungo naman ako dahil nahiya ako bigla pero hindi ko mapigilan na mapangiti kasi bukod sa family ko siya lang ang nagsabi sa akin ng ganyan. Never kasi akong sinabihan ni Kendrick na maganda ako kasi busy siya lagi sa mga babae niya.
"Ah Iowa, anak pinapasabi ng Kuya mo na may pupuntahan siya importante. Huwag mo raw siyang hintayin at baka bukas pa ang uwi. Yung Mommy at Daddy mo naman tumawag kagabi at sinabi na baka sa next week pa makakauwi." Nawala naman ang ngiti ko nang sinabi iyon nung isa naming maid nang makalapit sa akin.
Ngumiti lang ako at hinila na palabas si Emman para makaalis na bahay. Huminga ako nang malamin nang makalabas kami sa bahay, nasasakal ako putek.
"Are you okay?" tanong niya nang mapansin na parang nahihirapan akong huminga. Ngumiti lang ako at tumango.
"Saan palatayo sasakay? Pwedi rinnamangamitin yung kotse-"
"No, I bring my car. Let's go?" he said at lumakad na papunta sa kotse niya.
Sumunod naman ako sa kaniya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Umikot naman siya para pumasok at naupo sa driver sit. Tahimik lang kami sa kotse hanggang sa nakarating kami sa isang Italian restaurant. Mukhang mamahalin ang restaurant at ayaw kong magasgasan ang wallet ko myghad.
Hinawakan niya yung kamay ko nang makalabas kami sa kotse niya hanggang sa makapasok kami loob ng restaurant. Umupo kami sa medyo dulo para kakaunti lang ang taong dumaraan.
"What do you want?" tanong habang nakatingin sa menu.
"Grilled chicken caesar salad, chicken picatta, and wine." I said at inabot na sa waiter yung menu.
Nag order na rin naman si Emman at hinihintay na lamang naming yung order namin.
"Tulungan mo ako ubusin yung inorder ko ha?" saad ko habang nakatingin sa cellphone ko para icheck kung nagtext si Kuya pero wala kahit isa.
Hindi siya sumagot kaya tiningna ko siya at nakita ko siyang may tinitingnan sa right side niya. Awtomatiko akong napatingin sa tinitingan niya and it is a girl. Maganda, matangkad, maputi, mahaba ang buhok, singkit at bumagay ang suot niyang off shoulder na white dress. Nainggit naman ako doon sa babae kaya binalik na lamang ang tingin kay Emman na nakatingin pa rin doon sa babae.
"Hey are you listening to me?" I said habang kinakaway yung kamay ko sa harap niya.
"Huh? Ah s-sorry ano nga y-yun?" umiling lang ako at nakita kong umalis na yung babaeng tinitingnan niya.Mukhang kakilala niya iyong babae kaya ganoon siya makatingin.
BINABASA MO ANG
Trap (COMPLETE)
General FictionSa mundong ito hindi maiiwasan na makatagpo tayo ng taong magpapaguho ng mundong ating binuo. Taong magpapasaya sa atin ng sobra sa una pero magpapaluha naman din ng sobra sa huling pagsasama. Ito ba talaga iyong sinasabi nilang pinagtagpo pero hin...