Chapter 10

4 0 0
                                    

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa bar at naupo sa isang table. Pinagmasdan ko ang loob at kakaonti pa lang ang tao. Tumawag na ako waiter para umorder ng limang beer. Napalunok naman ako ng bumalik yung waiter at mailapag yung inorder ko sa table ko. Binuksan ko yung isa at diretsong ininom yun at ganoon din ang ginawa ko sa apat pang beer.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nag order pa ako pero this time hard drink ang ininom ko. Tawag lang akong tawag sa waiter kada na uubos ko yung alak. Nahihilo na ako kaya nahiga ako sa couch. Kinuha ko yung cellphone ko ng bigla mag ring yun. Pinatay ko yung tawag para tingnan kung anong oras na at 8pm na.

May tumawag na naman kaya sinagot ko na iyon kahit hindi ko alam kung sino ang tumatawag. Halos nakapikit na ako ng sagutin iyon. Nanatili lang akong nakahiga kahit nakatingin na yung ibang tao sa akin.

Ano bang pakealam nila 'e sa nahihilo nga ako.

"Hello? Iowa, asan ka? Kanina ka pa hinihintay nina Mama dito sa bahay." Saad noong tumatawag pero hindi ko maintindihan kasi maingay gawa nung music.

"S-sino ka?" tanong ko sa tumatawag.

"Hello? Huh? Anong sabi mo? Asan ka ba? Bakit ang ingay diyan? Iowa!"

"Hotdog!" singhal ko bago pinatay yung tawag.

Kinuha ko naman na yung bag ko at naglakad na palabas ng bar. Nahihilo ako at pakiramdam ko nasusuka ako kaya kahit nahihirapan na maglakad ay nagawa ko pa ring tumakbo papunta sa rest room.

May narinig akong nagmura noong makapasok ako sa cr pero hindi ko pinansin at dumiretso sa isang cubicle para sumuka.

Para namang naisuka ko na lahat pati na rin yung bituka ko. Nang mahimasmasan ako ay naghilamos ako at nagmumug. Kumuha ako ng tissue at tinuyo yung mukha ko. Nang maayos ko na yung sarili ko ay lumabas na ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Iowa? What the- anong ginagawa mo rito?"

Pinagmasdan ko lang kung sino iyon at nang mapagtanto kong si Emman yun ay halos takbuhin ko na ang labasan ng bar ng may nabunggo ako.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo exit habang umiiyak.

Putek bakit ngayon pa?

"I'm sorry. Miss are you oka- Iowa?"

Napatingin ako nabunggo ko at sa pangalawang pagkakataon ng kamalasan ay si Kendrick iyon. Tinulungan niya akong makatayo at naglakad na papunta sa kotse pero may humawak sa kamay ko and that is Emman at nasa likod niya si Kendrick.

"Huwag mo ako hawakan!" singhal ko sa kaniya at hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagiyak.

"Iowa, I'm sorry-"

Natigilan siya sa sasabihin niya nang sinampal ko siya. Parang nawala bigla yung alak sa sistema ko.

"Puro na lang kayo sorry matapos niyong pagsamantalahan ang nararamdaman ko! Anong ginawa ko sa inyo para saktan niyo ako ng ganito? Pinagkatiwalaan ko kayo pero dinurog niyo ako!"

Napaupo na lang ako sahig dahil pakiramdam ko hinang-hina na ako. Napansin kong naupo rin si Emman sa harap ko at hahawakan ang kamay ko pero nagpumiglas ako.

"Alam ko hindi sapat ang sorry pero sana hayaan mo akong magexplain."

Hindi ako nagsalita at tahimik lang na umiiyak habang nakatungo.

"Nagawa ko yun dahil sa galit ko sa Kuya mo. Ang tanga-tanga ko lang kasi imbis na siya ang saktan ko ay ikaw ang nasaktan ko. Galit na galit ako sa sarili ko kasi nasasaktan ako habang pinapanood kitang saktan ng sarili ko."

Tinulak ko siya na naging dahilan ng pagtumba niya. Tumayo ako pinagmasdan siya.

"Fuck you Emman! Hinding hindi kita mapapatawad!" sigaw ko sa kaniya at pinaandar na yung kotse.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero natagpuan ko na lang yung sarili ko sa isang park. Gusto kong sisihin si Kuya sa mga nangyayari sa akin pero hindi ko kaya. Kasalanan ko naman kasi ang bilis kong magtiwala at mahulog.

Nag ring yung cellphone ko at nakita kong ang daming missed call galing kay Kuya pero this time si Irene na ang tumatawag. Sinagot ko iyon at pinigilan ang paghikbi.

"Hello, Iowa? Asan ka? Kanina ka pa naming hinihintay dito sa bahay niyo."

Napakunot ang noo ko ng marinig yun.

"A-anong ginagawa n-niyo dyan?" naguguluhan kong tanong

"Huh? 'E birthday party mo ah. Nakalimutan mo?"

Nabitawan ko yung cellphone ko at mas lalo akong naiyak ng marinig ang sinabi ni Irene. Taena dahil sa nararamdaman ko ay nakalimutan ko na birthday ko pala.

Nag message na lang ako sa kaniya na papunta na ako.

Mabagal ang ang paandar ko sa kotse dahil nahihilo ako. Pasalamat ko na lang talaga na maayos akong nakarating sa bahay. Nadatnan ko na nasa kusina yung family ko pati family ni Irene. Nagulat sila ng makita ako pero ngumiti lang ako sa kanila at naupo sa upuan ko.

"Saan ka galing? Bakit ganyan ang itsura mo? Amoy alak ka pa, naginom ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Kuya pero hindi ko siya pinansin.

Kinausap ko na lang yung pamilya ni Irene at hindi pinahalata na lasing ako. Napapansin ko naman na mayat maya ang pagsulyap sa akin nina Papa.

Natapos kaming kumain at napagdesisyonan ng family ni Irene na umuwi na kaya naman hinatid namin sila sa labas.

"Happy birthday." Bati sa akin ni Irene matapos akong yakapin.May inabot naman sa akin siyang pahaba na box.

"Ano ito?" tanong ko habang nakatingin sa binigay niya.

"Birthday gift ko sayo. Bibisitahin kita bukas ah?"

Tumango lang ako at pumasok na nga siya sa loob ng kotse nila. Nang makaalis na sila ay pumasok na kami sa loob. Akmang aakyat na ako ng bigla akong hinawakan ni Mama sa balikat.

"Anak, are you okay?"

Awtomatiko naman akong napayakap sa kaniya at naiyak na lang.

"Ma, miss na miss na ko na yung dating pamilya natin."

Humigpit yung yakap ko sa kaniya na agad din naman niyang tinugon. Naramdaman ko may humahagod sa likuran ko at alam kong si Papa.

Wala akong narinig na mga salita sa kanila at hinatid na lamang ako sa kwarto ko.

"Anak sana maintindihan mo kami kung bakit ganito kami. Mahal na mahal namin kayo. Happy birthday to our princess," Saad ni Papa at tuluyan na silang umalis sa kwarto ko.

Napaiyak ako dahil halo-halo na ang nararamdaman ko. Naramdaman ko naman na may pumasok at nakita ko si Kuya na sinasaraduhan ang pinto.

Nakaupo ako sa kama ko at lumuhod siya sa harap ko. May nilabas siyang kulay violet na teddy bear mula sa likuran niya at inabot yun sa akin.

"Happy birthday my princess. Sana mapatawad mo na ako."

Kinuha ko yung teddy bear sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

"K-kuya."

Trap (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon